#ulog: HAPPY GO BAM (COMEDY) - Episode 2 PART 2

in #tagalogtrail6 years ago

happy go bam 2.jpg

Ang Nakaraan, bow:

Charing! Wala ng nakaraan nakaraan pa. Nakaraan na yun e! Sabi nga nila, past is past. Basta ang nangyari, ako si BAM. Sobrang malas ko itong araw — 1st day of college ko pa man din.. Nawala ang bag ko. May kumuha. Andun pa naman cellphone, pera, schedule of classes, at ID ko.

Pati pa naman yung pinuntahan ko yung address na ibinigay ng aking girl crush at classmate ko na si Chelsea, mali pa! Itatanong ko sana kung saan room kami bukas. Kaso, yun nga, wrong number yung ibinigay niyang address. Kaloko!

Sabi sa akin ng lalake nung kumatok ako: “Hindi ba dahil sa movie yung dahilan mo? May movie si Angelica Panganiban na binanggit ang address na ‘to!!”

thing called tadhana.png

Naku pow!


Katuloyski:

Ako: "Ayyy. . . ayyy. . (sorry po). . ." — hindi ko alam ang sasabihin — "Ganun po pala at nabanggit sa movie itong address niyo na 24-A St. Joseph Street?"

Lalake: "oo! kaya walang Chelsea dito!"

Ako: "Ahhhh... Ehhhh... E pa'no po yan at ngayon hindi lang sa movie nabanggit ang address niyo?"
— "Kasi nabanggit din po ni Rigor Mortiz yung address niyo."

Lalake: "Pinagsasabi mong Rigor Mortis? Hoy doktor ako at alam ko ang Rigor Mortis!!!"

Malamang nga hindi niya kilala si Rigor Mortiz. Siraulo kasi yun si Rigor. Katulad nito, kung may tinatawag sila na breaking the fourth wall, malamang ito: breaking the fifth wall na itong ginagawa niya.

At saka sabi niya M-W-F siya magpopost e bakit last week wala siya? Na-Ompong ba siya? Parang Naruto Manga lang ha kapag bakbakan ay nawawala ng matagal.

[direk paki-cut na nga lang itong part na to.]

Lalake: "Ang Rigor Morti[z]s ay ang pangatlong stage na mangyayari sa katawan mo pag namatay ka. Postmortem rigidity. I'm a doctor I knew it."

Ako: "Sige po at aalis na po ko. Salamat."

Hayy kabwisit. What the fuck na lecturan pa ko. Bakit kaya ganito yung ibang tao, porket may profesyon e nagyayabang na.

Ako ay isang hamak na nagtatanong lang ng address, at siya ay isang lalake na nagbukas ng pinto. Mabuti sana kung kumatok ako at nanghinge ng tulong pang medical, oo doctor siya. Pero. . . ewan . . . sabagay kasalanan ko at binanggit-banggit ko pa si Rigor Mortiz.

Ang point ko kasi parang yung isang nakakatanda namin na kaibigan na si RJ, isang public school teacher siya na may sasakyan. Nakwento niya na nagdadrive siya na walang driver's license. So may nagtanong sa tropa, “paano kung nahuli ka?”

Ang sagot pa naman ni RJ ay, "walang kaso yun. sasabihin ko na public teacher ako! Working for the government."

Anong klaseng logic kaya yun? Ano ka immune?

Pag ikaw nagdadrive ng sasakyan — ang tawag dun ay driver, maski na doktor ka pa o attorney o teacher — driver ka pag nagdadrive ka ng sasakyan. Kailangan mo ng driver's license kahit ano ka pa! Yan ang hirap sa pinas e — kumuha ka kasi ng lisensya mo RJ!

Naku, speaking of lisensya. . .Nagmomotor pala ako at hindi ko pala dala yung driver's license ko.

Oops, taste of my own medicine tuloy ako.

Meron na kong license kaso naiwan ko sa lagayan ko ng mga brief.

Patay kang brief ka! At ito na nga sir chief, natatanaw ko na: Kaliwa’t kanan ang nakikita kong nagchecheckpoint!!

trap map.jpg

Napansin ko ay pinapara nila ang mga nagmomotor. Pag ganyan may checkpoint ang sabi daw ay "nagugutom nanaman daw ang mga pulis." No against sa mga pulis — saludo ako sa mga pulis — pero hindi ako nagsabi nun. Si teacher RJ din nagsabi niyan pag nakakakita siya ng checkpoint. Isip isip ko, malamang bitter lang siya kasi siyang teacher hindi pa natataasan ng sahod, pero yung pulis nagtaas na. Ganern

Pero ang point ko dapat sumunod tayo sa batas. Kahit walang nakakakita. Pag sinabi always carry your driver's license at wear helmets dapat sumunod.

Pakshit ka Bam speak for yourself!

Sabi nga sa The Matrix, "there’s a difference between knowing and walking the path." Alam ko na violation ang walang helmet at lisensya. Yun nga lang ibang usapan ang hindi sumusunod.

Pero andito na tayo. Ano na kaya gagawin ko? Help!

  1. Bahala na si Batman, patay malisya lang. Pag sinita, tatatakasan na lang.
  2. Bahala na si Batman, patay malisya lang. Pag sinita, magdadahilan na lang.
  3. Bahala na si Batman, patay malisya lang. Pag sinita, "lalagyan" na lang ang mga pulis.
    (Naku hindi pala pwede ito dahil wala akong pera.)

Wala ata sa mga choices ko ang magandang gawin!

Saka idadamay ko pa si Batman e nananahimik siya.

Asar! Sobrang kamalasan ko naman na today pag mahuhuli pa ko ng pulis. Worst case baka ma-impound pa itong motor.

Think Bam, think Bam.

Basta hindi ko hahayaan na mangyari yun at sobrang malas ko naman sa araw na ito! Hindi na ko papayag ng ganyan. Baka maging predictable na ko niyan.

Think.

Papalipasin ko na lang ba na umalis ang mga pulis? Mag i-istay lang ba ko sa isang tabi? Kung ganun maghihintay ako ng mga isang oras siguro?

Aw. Kung sa akin lang itong motor e iiwan ko na lang siya sa tabi-tabi.


SCENE CUT TO COMPUTER SHOP:

“Taena naman oh nasan na ba si Bam?”, sabi ng hinahighblod na manager na si Barney (Barney tawag sa kanya dahil siya ay chubby, 28 years old) — ”kulang tayo ng isang player! Pwe!!!!!!!”

barney-2.jpg

“Nagsabi na ko e kanina e na may dadayo ng DOTA e," pa-highblood a.k.a in a mataas na boses na sabi ni Barney.

Pagkatapos niya sabihin yun ay lumingon agad si Barney sa mga dayo na players.

“Mga kuya wait lang ha.” [sabay malumanay na boses].

Ngumisi si Tata na animo’y iniisip: “si manager talaga oh. Parang si Roderick Paulete. You know what I mean."

“Hiniram niya yung motor ko. Kakaalis lang din mga 30 mins.,” sabi ni Gimard.

Manager Barney in a highblood boses: “Tawagan niyo! Baka na aksidente na yun at nasa morgue na!”

“Morgue agad? Kawawa yung motor ko kung mamomorgue si Bam.”, sabi ni Gimard na siraulo.

“Ang sama nito nito Gimard. Motor ang inaalala at hindi si Bam!”, sabi ni Tata.

Kinuha ni Gimard ang kaniyang cellphone upang tawagan si Bam kasi nag-aalala na siya sa kaniyang motor.

Hindi nila batid na nawalan ng cellphone si Bam.

The subscriber cannot be reach. . Please try your. . . toot, toot, toot. . .


SCENE CUT TO BAM (BAM's POV again. . .):

“Shit! Naalala ko!!!," isip-isip ko habang ako ay nakaupo sa gutter ng sidewalk at naka-stand ang motor.

"May game pala kami ngayon na pustahan. Hindi sila makakalaro kung wala ako. Ako ang pinakamalakas."

Na-iimagine ko yung mukha ni manager Barney, galit na galit na yun siguro. Nagiging purple dinosaur na yun. Mabilis ma-highblood yun e.

Sayang din yun. Sa mga ganun ang pustahan dun is 10,000 pieces. Pag talo, mumurahin ka lang naman nun pero atleast nag-enjoy kami maglaro. Siya lang ang ubos pera.

Pag nanalo, edi masaya. Magpapakain yun at malamang bibigyan kami ng tip ni manager. Tig-500 yun sa akin at sa mga kakampi ko. Ok na yun 500. Kailangan ko yun para magkapera.

Andito pa rin yung mga police checkpoints. Paano na kaya? Kailangan makaalis!

Ahh alam ko na!!

ting.png

Ilalakad ko na lang itong motor para lang malagpasan ko itong mga pulis. Malamang hindi na ko masisita sa lagay na iyon.

Gege umpisahan ko na.

happy go ban motorcycle.jpg

Palapit na ko ng palapit sa checkpoint. Pansin ko madami din silang nahuhuli na nakamotor – kadalasan mga walang helmet.

Ayan na kinakabahan na 'ko.

Kailangan ba hindi ako tumingin sa mga pulis o titingin ako at ngingitian ko sila and walk away?

“Sir, inspection lang po tayo. Pakitabi na lang po ang ‘yong motor” – sabi ng pulis!!!!

Waaaa!

Patay nayari na.

“Good evening po!”, sabi ng mukhang magalang na lalakeng pulis.

“Good evening din po!”, utal utal na salita ko.

“Sir pakilabas na lang po yung lisensya niyo at rehistro ng motor.”

Shit. Hindi ko alam idadahilan ko. Pero ito kapa-kapa pa ko sa shorts na animo’y may hinahanap na wallet. E wala naman na talaga akong dala.

Sasabihin ko na ang totoo.

“Sir napag-utusan ko lang isasahuli ko lang po itong motor sa kaibigan ko. Sira nga po ito kaya inilalakad ko lang.”

“May lisesnya ka ba?!”

“ahhhmm ahmmmm.. “

“San lisensya mo?”, tumataas na boses ng pulis.

Tang-ina naman ang malas. Napapamura na ko. Pahamak pahamak yang 28-A St. Joseph Street. Ngayon bat kasi pumunta punta pa ko dito?

“Sir, inilalakad ko lang naman itong motor kasi sira. . . “

Hindi nga,” inenterrupt ako ng pulis. “Nasaan na lisensya mo?”

“Wala po nasa bahay.”

“Hindi mo dala?” Naku patay ka! Totoy, driving without license ka!”

Ito na Bam. Relax ka lang. Pero nagdidilim na paningin ko. Napakamalas ko na talaga itong araw na to pag nadale pa 'ko.

Gusto ko na siyang sagutin. Pero relax.

Fuck it. Bwisit na ko!

“SIR! Nilalakad ko lang naman po itong motor ha. Hindi ko naman po dina-drive!!”

“PILOSOPO KA HA! Kung wala kang lisensya impound natin yang motor!”

“Pero sir. . . Hindi ko naman po dina-drive diba? Paano ako magiging driving without license e hindi ko naman dinadrive? Nilalakad ko lang nga itong motor!”

“Tsk! Wag kang pilosopo. . . Maghintay ka diyan at impound na natin ang motor mo. Pwede ka pa makulong!”

Umalis ang pulis na tipo’y may kakausapin.

Patay!!!!



"Bukas. . ."mimicking Gus Abelgas ni Jose Manalo — "valid kaya ang palusot ni Bam? Walking the motor lang naman siya, at hindi naman driving the motor? Siya kaya ay makukulong at ma-iimpound ang motor? Paano kaya ang DOTA game niya?"

Abangan!



CREDITS

Maraming Salamat kay @chinitacharmer, @romeskie, @beyonddisability, @jemzem, sir @surpassinggoogle, @tagalogtrail at lalong lalo na kay [insert your name] sa pagsuporta!

Sauce, copy paste.

Sa discord group na Tropa ni Toto na kumanta ng "I bless the rains down in Africa," maraming maraming salamat!

#steemitfamilyph #untalented #ulog #tagalogtrail



POST CREDITS SCENE (kunwari mala-Marvel movies tayo):


"Si Bam yun ha!", sabi ni Chelsea na nasa kwarto niya, habang nakadungaw sa bintana. . .

Sort:  

Andami kong tawa! Hahahah. Walking the motor! Breaking the 5th wall. At may meaning pa ng Rigor Mortiz!

Isa ka talagang alamat sir! Di ka nauubusan ng patawa. Pasok na pasok sa panlasa. Wednesday na ngayon sir, may due ka ngayong kasunod. Abang na abang na ako. Hahahaha.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Congratulations @rigormortiz! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Napa-research ako bigla sa rigor mortis at naalala ko si wade wilson sa wall break hahaha aliw na aliw ako dito. Para akong nanonood ng indie.
Abang na ko sa next part. :)

Posted using Partiko iOS

naku Bam. husayan mo sarili mo jan
paliguan mo ng pasensya si bossing lalambot din puso nyan

This comment was made from https://ulogs.org

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 101158.43
ETH 3649.74
USDT 1.00
SBD 3.20