#ulog: HAPPY GO BAM (COMEDY)

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

Genre: Comedy-drama

Synopsis: Happy Go Bam is the extraordinary adventures of a happy-go-lucky and true-to-himself college boy. It will consists of episodes that deals with getting his girl crush to fall in love to him, dealing in everyday school stuffs, relationships with family and friends, adaptation of environment, etc — and how he managed to overcome these struggles by unconventional and counter-intuitive ways — and learning life lessons from them.

happy go bam.jpg


PILOT EPISODE (1) : "SUMWERTE SA KAMALASAN"


“Oh eto anak 500 pesos para sa baon mo sa iyong first day sa college.”

“Wow ma ayos ha”. Tuwang tuwa ako. “Thanks!”

Mwah mwah sabay halik sa aking nanay.

Sagot ng aking inay, “Sipsip! Nanalo kasi ako sa tong-its kagabi.”

Ako: “Wow, sana araw araw na lang kayo mananalo sa tong-its.”

Mama: “Gago ngayon lang yan!”

Ako: “Ang alin? Ngayon ka lang mananalo sa tong-its?”

Mama: “Hindi. Tado! Ngayon lang yan 500. Baon mo 200 lang talaga. Dahil hindi pa nagpapadala tatay mong kurakot. Umalis ka na nga!”

Hindi naman galit ang aking nanay. Lambingan lang namin yun. Ang nanay ko kasi parang si Gina Pareño, na kahit medyo mahirap lang kami ay energetic. Kailangan niya maging energetic e nagagamit niya yun sa sales talk, kasi madami siyang mga raket. Madalas ata illegal. Hehe. Kailangan niya kumayod kasi hiwalay kasi sila ng tatay ko since birth.

E buti na lang yung tatay ko biglang sumulpot dahil huli siya balbon sa Facebook. Sinearch ko siya. At inacknowledge naman niya ako. Gwapo niya, mana sa akin. Isa na siyang konsehal sa may parteng Mindanao. Mahina ako sa geography — basta sa Mindanao. Mukhang big time. Kaya sabi niya pag-aaralin niya ko sa isang private university. Gusto bumawi ng loko. And eto nga tinupad niya nga. Nakaenroll ako sa Paris — PARIStern University.

Ako: “Sige bye ma!”

Babyahe na ko papunta sa aking school sa may Morayta. Isang jeep lang naman. From QC ako. Mahigit 1 hour ang biyahe — pag rush hour. Pero pag madaling araw kayang saglit lang mga 15 mins. Langya. Lecheng trapik kasi yan. Alam ko yun kasi sa U-belt kami kumakain ng Pares kapag nililibre kami ni manager tuwing madaling araw pagkatapos ng aming Dota session.

Teka teka, ang dami ko ng ikinuwento pero hindi ko pa napapakilala sarili ko.

SCENE CUT TO: CLASSROOM.

The part na introduce yourself na sa first day of classes.

Me: “My name is Bam! B-A-M. Hindi Bum na B-U-M ha.”, sabi ko with enthusiastic tone pa. Yung tipong nagjojoke sa harap ng klase. Pero walang tumawa. Marahil antok pa mga classmate ko kasi 7:30 ng umaga pa lang. 7:30 pero Haggardo Verzosa na ko. The hell. Baka hindi nila alam lahat what bum means.

“Cyrus Bam Robles for short. Pang-mayaman noh?"

Tae walang tumawa. Ano ba tong classroom na to? Ang popoker face ng mga kaklase ko. O corny ako?

“I’m 17 years old. I lived in Quezon City. My pamily. . . My family. Oh my God. . . My hobbies are computer games, sports, and music. . . nagbabanda ako. I like playing my organ.”

Yung prof ko ngumisi at hindi ko alam kung bakit. This time umupo na ko.

Sabi ng prof ko habang medyo tumatawa, “Mr. Bam, so you like playing your organ?”

"Yes sir. Playing my organ"? [patanong]

Patanong kasi nagtawanan ng konti ang mga classmate ko. Marunong na sila gumalaw. At lalo na yung prof. Inulit pa, "playing my organ huh"?

Yabang nitong prof. Itsura niya medyo bata pa mga 30’s. Itsurang may pagka-hambog.

Iniisip ko ano meron dun sa playing my organ. Siraulo na ba mga tao ngayon?

"O sige sige next. Ikaw (tinuro ang katabi kong babae.)"

Tumayo na ang katabi ko na classmate. Nakatikod na siya sakin. Babae siya at kapansin-pansin ang maganda niyang buhok. Mahaba. Straight. Wow. Model ng shampoo. Mukhang maganda siya ha. O baka talikogenic lang. Hindi ko kasi napansin ang mukha niya. Kasi. . .

Kasi kanina late ako. Pag pasok ko ng pinto sa likod ng room 803 andun na ang prof. Hingal na hingal pa ko kanina pagpasok ng room. Paano nag-hagdanan lang ako to 8th floor dahil mas lalo ako male-late pag hinintay ko pa ang mala-box office na pila sa elevator. Box office ba o pila sa Wowowin? Basta. Kaya umupo na ko agad sa upuan na katabi ng pintuan sa likod.

At dahil dun kaya ako ang unang tinawag mag introduce yourself.

Pero yung utak ko bumabalik nanaman sa "playing my organ." haha.

"Next", sabi ng prof.

Wat da pak. Hind ko man lang narinig yung introduce yourself ng katabi ko. At ang pangalan niya. Kaya tinignan ko na lang siya. Oh my.

NAG SLOW-MOTION ANG MUNDO KO

Oh my ang ganda niya. Maamo ang mukha. Mahaba at straight ang buhok again and again. Shampoo lang yan. Maputi. Charming. Pero hindi naman yung sobra sobrang maganda dahil artista na pag ganun. Mala-Layta Toberano na pag ganun. (Gusto ko ganun ang spelling e). Gusto ko sa babae yung simple lang pero pag nag-ayos mapapa-wow ka. Just like my seatmate.

Napakacharming niya talaga.

"Bakit?" sabi nya sa akin.

Oops. Pucha. Hindi ko namalayan na ilan segundo pala ako nakatitig sa kanya. Tanga Tanga ko. Natulala kasi ako sa ganda niya e kulang na lang tumulo ang laway.

Ngumisi lang ako sa kanya tapos lingon.

Nahiya na tuloy ako tumingin ulit sa kanya.

Feeling ko namula yung mukha ko. Alam niyo yung sa mga cartoons? Teka teka, paano ako mamumula e hindi naman ako maputi. Moreno ako. Oo nga pala, hindi ko pa nadedescribe sarili ko. Sorry naman.

Ayun: moreno. Matangkad ako nasa 5'7", kaso payatot. Tawag sakin ng mga classmate ko nung highschool is Vic Sotto. Medyo magulo ang buhok ko na parang The Beatles. Feeling rakista e. Taga-piano kasi ako sa banda. Playing my organ. Pero wag ka, bagay lang yung hair ko sa perfect na shape ng mukha ko. Perfect din ilong ko: matangos. Perfect din kilay ko. Perfect din mata ko kulay brown pa nga e at pilikmata nakataas parang naka curl eyelashes. Bibig ko kissable lips, Perfect din. Perfect din ang texture, makinis at hindi tigyawatin. Pero nagtataka ako kahit perfect yung mga parts e nung pinagsama-sama na e hindi na perfect.

Bat ganon? Haha. Asan ang hustisya?

Tapos personality wise: happy-go-lucky lang. Joker nung highschool. Pilosopo. Vic Sotto nga e. Medyo sikat din. Tapos kahit may pagka-gago ako, matalino naman ako. Kaso ginagago ko lang pag-aaral. Ewan ko ba, kasi pinapababa ko ang level ko. Nilelevel ko lang yung talino ko sa mga classmate ko. Kaya puro line of 7 mga grades. Sayang nga e. Candidate for Scholarship pa naman ako sa resulta ng college entrance exam ko kaso nung nakita ng registrar yung Form 137 ko e puro line of 7. So wala na, finish na.

Tapos sa chiks may mga nagkakagusto naman sa kin. Magaganda rin sila ha tipong crush ng bayan. Kaso happy-go-lucky nga ko, palipad hangin lang. Pero in reality, torpe talaga ako.

Lumilipad na isip ko ngayon sa klase, ng biglang sabi ng prof:

“Mr. Playing the organ!”

“Yes sir!” naman ako (parang gago).

“Isara mo pala yang pintuan sa tabi mo. Lumalabas ang aircon.”

What an asshole. Hambog boses.

“SIR! Pano naman lalabas yung aircon? May paa ba yan? Baka hangin ng aircon!”

“Aba gago to ha baka gusto mo ikaw ang lumabas!

LABAS!

Shit. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun. Hambog kasi niya. Namula yung prof ko sa galit. Kaya lumabas na ko ng classroom dala ang clutch bag ko.

“Tene-ne-ne-nen, tene-ne-ne-nen” tumugtog sa utak ko yung soundtrack ng Koreanovelang Endless Love na malungkot sa hindi malaman na dahilan. It’s a disaster.

Oh my. 1st day, 1st subject of my college life. And ito — pinalabas ng classroom. First blood.

Ni hindi ko pa alam kung ano pangalan ng prof ko na yun. Sabagay, wala naman ako pake. Hinayupak yun.

8:00am pa lang. Next class ko is 10:30. Tagal pa. Tambay tibay. Saan naman ako tatambay nito?

Text ko nga itong high school friends ko. Si Kevin at Jopet. Dito rin sila nag-enroll sa PARIStern University. Yayain ko sila mag-cutting para mag Dota na lang just like the old days. Hehe (evil intention).

Tutal puro introduce-yourself lang naman ang gagawin sa mga classes ko ngayon — alam na this.

Tetext ko ba or baka makita ko sila. Mukhang malabo ko sila makita kasi ang daming estudyante dito. Langya. Text ko na nga lang sila.

“Where u at dawg?”


(To be continued) Will be posting regularly. M-W-F.

DON'T FORGET TO FOLLOW, COMMENT OR UPLOAD.. THANKS!

#steemitfamilyph #tagalogtrail #ulog #untalented #funny

Sort:  

Ano kayang iskuwelahan sa Morayta iyon? Diyos ko huwag sana F.E.U kasi napakaraming manloloko roon. Haha.

PARIStern onward sir. haha.

Kaaliw ang kwento. Haha. May aabangan akong kwento nang MWF! 😊😊

Salamat po! May episode na po ko na bago. Pasensya na at hindi po ako nakapost nung Friday. D bale dalawa ang episodes ngayon.

https://steemit.com/tagalogtrail/@rigormortiz/ulog-happy-go-bam-comedy-episode-1-part-2

  • wow college layp. Aymisit so mats
  • hindi nagkakalayo edad natin sa tingin ko
  • nirerecruti ka po namin sa tagalogserye kung inyo pong pauunlakan
  • ito po ang imbistasyon sa aming discord
  • https://discord.gg/U4tW6v

Nakakatuwa ang kwentong ito! Hahahah. Natatawa ako habang nagbabasa. Hindi kasi pilit 'yong comedy at swabe lang ang mga punch line. Tama nga ang mga katropa ko sa tambayan, nakakaadik nga ang kwento ni BAM. :D

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.27
JST 0.041
BTC 103974.03
ETH 3835.41
SBD 3.29