Patimpalak sa Pagpipinta Gamit ang Mga Salita | Literal na Kwentong May "Kwenta"

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

Dahil kaibigan ko si ate @romeskie at sanay na rin naman akong ipahiya ang sarili, sinubukan kong sumulat ng maikling kwento na hindi halaw sa tunay na pangyayari. At hindi ito totoong naganap noong ako ay nasa ika-apat na taon ng kolehiyo ika-15 ng Agosto 2007 bandang alas-singko ng hapon.


Shhhiiing!


Ang madalas na laman ng bag ko ay para sa personal hygiene. Sepilyo, toothpaste, alcohol, cologne, breath freshener at towel. Hindi ko rin nalilimutan dalhin ang aking medicine case, bolpen, government issued ID's (lalo na ang Driver's License) at syempre crackers (Itago na lang natin sa brand na M.Y. San Sky Flakes. Kinumpleto ko na baka sakaling kunin nila akong endorser sa next commercial nila.).

Noong nasa kolehiyo pa lamang ako, hindi nawawala sa aking backpack (kapag cutting classes mode) ang magdala ng T-shirt at maong pants. O kaya naman sling bag (kapag student mode) ang notbuk, kokomban (coupon bond) at kalkalator (calculator... isleng depet eng pegbese).

Mag-focus tayo sa kwento ng calculator.



imahe mula sa

Napaaga na naman ang aming uwian dahil lumiban na naman sa klase ang aming paboritong palatawa at pilyong propesor. Isa pa naman siya sa inaabangan naming magpasaya at magtanggal ng stress namin sa magulong mundo ng matematika. Alas dos pa lang ay nasa labas na kami at naghahanap ng lugar na matatambayan.

Nagyaya ang isa naming kaibigan na sa bahay na lang nila sa Angono magpatay ng oras. Magkasing-laki ang building ng aming Engineering Department at ang bahay nila. (Ewan kung exaggerated lang ba ako magkwento o ubod ng yaman lang talaga ng aming kaklaseng tinatawag namin na Young Master.)

Naglakad kami hanggang sakayan ng jeep. Apat kaming lalake at isang babae. Nobya ni Young Master ang kasama naming babae. Medyo madami talaga kaming harutan kapag magkakasama. Napagtripan namin ang isang lalake na may magarang cellphone. (Hindi pa uso ang touch screen. Ito ang era na namamayagpag pa ang Nokia sa merkado.) Wow! Nokia95 ang gamit ni conio. Big time!

Dahil lahat kami ay Engineering Students, matic na may dala kaming calculator. Pinatunog ng isa naming kaibigan ang ringtone ng cellphone niya at biglang inilabas ang kanyang calculator. "Hello? Hello?", na akmang ginagamit ang calculator bilang cellphone. Dahil natawa ako, sinundan ko ang ginawa niya. Inilabas ko din ang aking calculator, pumindot ng mga buton at kunyari ay may tinatawagan din. "Hello p're, kamusta? Papunta na kami...", na kunwari ay may kausap nga talaga ako.

Nahalata na ni conio na parang ginu-good time namin siya. Tumawa siya nang malakas at sabi sa amin, "Na-Wow Mali n'yo ako dun ah! Ha ha ha!" Ang maganda lang dun, hindi siya napikon o nainis sa amin.

At 'eto na nga, nakarating na kami sa bahay ni Young Master. To cut the story short, naglaro lang kami ng computer games, kumain, kwentuhan at pag-usapan ang hinayupak naming propesor na mas malabo pa sa tubig ng aquarium na may lumot (at walang janitorfish) kung magturo.

Malapit na mag-alas singko, oras na para umalis. Baka pagdudahan na naman ako ng amo ko kapag alas singko na eh wala pa ako sa Carinderia nila. Bantay din kasi ako sa lugawan/carinderia/kapihan nila tuwing alas-sais ng gabi hanggang alas nuwebe.

Dahil iba ang aking ruta, mag-isa kong binagtas ang daan pauwi. Sumakay ako ng jeep, naghintay nang kaunti si manong hanggang sa mangalahati ang pasahero. May sumampa na naka-maong jacket, naka-shades (kahit hapon na at palubog na ang araw) at bigotilyo. May backpack pero ayaw tanggalin mula sa pagkakasukbit sa likod.

Umandar na ang sasakyan na karag-karag. Mas mabilis pa yata tumakbo ang mga zombies sa Walking Dead kaysa sa antigong jeep ni manong. Kulang na lang eh bumaba kami at itulak ang jeep para medyo bumilis ang andar. Kung gaano katanda ang drayber, ganun na din siguro katanda ung makina nito. Pero sabi ko sa sarili ko, "Relak!" (walang 's' kasi in singular form). Nagbayad na pati ako ng pamasahe kaya dyahe na kung babawiin ko pa at lumipat ng ibang jeep.

Nasa bandang highway na kami. Medyo bumibilis na nang bahagya ang takbo ng jeep. (Kanina bente, ngayon trenta na) Si kuyang naka-shades biglang kumatok sa bubong ng jeep. Matic na iginilid ni manong ang jeep dahil akala niya ay may bababa. Tumungo si Mr. Shades sa dulo ng jeep pero pinausog lang niya ang lalake na nasa dulo at umupo muli. Sumigaw siya na parang naubusan ng extra rice "Ibigay n'yo mga cellphone at wallet n'yo kung ayaw n'yo masaktan!" May baril pala siya. Hindi ako convinced sa hitsura ng baril niya. Parang galing divisoria na pellet gun.

Umiral ang pagkasutil ko. Ayoko isuko na lang basta-basta ang aking Nokia7210. Inilabas ko ang aking calculator. Bahala na si Batman. Takot kong binigkas ang mga katagang "Kuya, tatanggalin ko lang po ung sim card.", habang kunyari ay may kinakalikot akong buksan sa likod ng aking calculator. Sabay abot kay kumag.

May dala siyang cloth bag. Doon niya inilagay lahat ng nalimas. Isinuko ko na din ang aking coin purse na may otsenta pesos na barya. Natuwa si gagu. Akala niya siguro madami siyang nadale sa akin. Naawa ako sa nag-surrender ng mga alahas at Sony Ericson na cellphone. May relo din at UniSilver na bracelet. Ang daming Seiko wallet at makakapal na pitaka.

Bumaba na din ang ungas. Napabuntong hininga ako nang makitang nakalayo na ang aming sinasakyan sa pinagbabaan ng hayup. Ligtas ang Nokia7210 at ang 350pesos sa aking Marithe Francois Girbaud Red Stitch Series na wallet. Pero nanghinayang ako sa aking Casio f570MS Scientific Calculator. Kasalanang mortal para sa isang Engineering Student na pumasok nang walang calculator.

Hindi ko na ikinwento sa aking magulang kung paanong nawala ang aking calculator. Pinahirapan muna ako ng aking kuya bago ko mahiram ang calculator niya. Tatlong buwan din ang inabot bago ako muling makabili ng sarili kong calculator. At simula noon, hindi na ako sumasakay ng jeep na karag-karag. At hindi na rin naglalabas ng calculator sa jeep. Cellphone na lang ang inilalabas ko. Lesson learned!




Mga Tayutay na Ginamit


✔ Pagtutulad
✔ Pagwawangis
✔ Pagtatao
✔ Pagtawag
✔ Aliterasyon
✔ Pagmamalabis
✔ Pag-uyam
✔ Pagpapalit-saklaw
✔ Pasukdol
✔ Pagtanggi

Bilang ng mga Salitang Ginamit


✔ 941 words
✔ 4730 characters
(It's a miracle!)

Sort:  

Hahah nako di ko alam kung ungas yung holdaper o talagang gipit.
Malay mo Engineering pala ang course nya o kaya naman ay yung girlfriend nya Accounting ang course kaya di na niya pinansin.

Pero grabe yung experience di ako naholdap ever pero nadukutan na ako sa jeep sa may bulsa ng pantalon. Kung ano ang nadukot secret nalang muna.

ung main character sa kwento yata ang ungas. ipinahiya na niya ang sarili niya sa pagsusulat ng hindi totoong nangyari tapos tapos tapos... huhuhu 😭

hahahaha!!! ang husay! Ang galing po!

yehey! hello po madam ate @dandalion. at salamat po sa muling pagbasa ng aking kwento.
😂

Congratulations @johnpd! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

You can upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Hey @johnpd,
Your post "Patimpalak sa Pagpipinta Gamit ang Mga Salita | Literal na Kwentong May "Kwenta"" hast just been Resteemed !!! 😄😻😄
Just keep being with me. Cheers..


😻😻😻 Thank you for using our FREE Resteem Service @tow-heed😝🙂😝

girbaud.. silverworks. 7210.. casio calcu = college starter park

nyahaha! ganyan din siguro mga gamit ni BAM. nyahaha! pero baka yan ung mga nawala niya.
sir @rigormortiz, iniimbitahan ka po namin na sumali sa TagalogSerye para sa linggong ito.
maaari po ba namin kayong makausap sa discord link ng Tropa ni Toto?
https://discord.gg/dkMY2j

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 101219.88
ETH 3702.91
USDT 1.00
SBD 3.18