Pamumukadkad ng Mumunting Bulaklak

in #tagalogtrail7 years ago (edited)

rose-2439911_1920.jpg

Mumunting bulaklak na hindi kagandahan,
hindi man lang napapansin ng karamihan.
Itinago ang sarili,
pamumukadkad ay iniwakli.
Ngunit isang hardinerong maituturing ang bumago sa lahat,
pag-aalaga’t pagmamahal mo’y naging sapat.

Kung hindi dahil sa iyong pag-aalaga,
hindi matatanaw ang ganda kong kakaiba.
Nang dahil sa idinilig mong pagmamahal na tunay,
ako’y namukadkad pa’t nagkakulay.
Ikaw ang nagbigay ng liwanag,
ang pag-ibig mo’y lagi kong hangad.

Ako’y tuluyang naging bukas,
at sa kalungkuta’y iyong pinatakas.
Ang paghaplos mo sa aking puso
ay nagbibigay sa damdamin ng kakaibang bugso
Ako’y naging kompleto
dahil sa pag-aalaga’t pagmamahal mo.


pinagkunan ng larawan
Ang tulang ito'y aking tugon sa tulang PAGMAMAHAL NA WALANG KATUMBAS ni @fherdz para sa Biglaang Kolaborasyon Ikalawang Araw ni @tagalogtrail
Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Wow! napakaganda naman @jemzem, salamat sa iyong pag tugon. God bless.

Maraming salamat din po sa tulang iyong ibinahagi na naging inspirasyon ko sa pagsulat ng tulang ito. More power and God bless! 😊

Bakit ang gagaling nyong tumula? Tagus-tagusan ang mga linya.

Salamat sa pag-sali sa patimpalak. Mukhang mahihirapan si @fherdz sa mga kalahok.

Naku! Maraming salamat sa papuri at lalong-lalo na sa pag-oorganize ng ganitong patimpalak. Ako'y labis na nagagalak sa pagsali sa mga patimpalak mo. 😊

Walang anuman mamaya mayroon ulit bago. Ito naman ay mula kay @sunnylife

Plano kong salihan ang lahat ng patimpalak mo. Heheheh. Hindi nga lang ako nakaabot doon sa unang kolaborasyon. Pero susubukan kong habulin ang pagpapasa para sa iba pang kolaborasyon. :D

Yown sige lang! Sali lang ng sali sa mga kolaborasyon. Sa mga susunod na araw likha mo na ang aking magagamit.

hahaha! oo, nga pahirapan tayo ah.

Hahaha ikaw ang pipili ng mananalo @fherdz good luck! Sobrang huhusay talaga nila.