Tapusin ang Kwento: NALANDANGAN

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

1x9ioa1sj3.jpg

"Ipinamamana ko ang aking mansiyon kay Joaquin Emmanuel Delfin. Ipinamamana ko naman sa aking apo na si Samantha Lorraine de Vera ang aking kuwaderno at pluma." Halos wala sa sarili si Samantha habang pinakikinggan ang last will and testament ng kaniyang lolo. Patay na ang kaniyang lolo at hindi man lang niya ito nakita kahit sa huling sandali. Pumanaw itong iniisip na masama pa rin ang kaniyang loob dito. Napukaw ang atensiyon niya ng huling binasa ng kanilang attorney. "Naroroon ang lahat ng kasagutan sa lahat ng iyong tanong tungkol sa iyong pagkatao. Sana ay mamulat ang iyong mga mata." At pumirma na silang dalawa ni Jake sa lahat ng mga kailangang pirmahan. Si Jake ang katiwala ng kaniyang lolo na inampon na rin nito. Kasabay niya itong lumaki sa malaking bahay kaya parang kapatid na ang turing niya rito. Pamilyar kay Samantha ang kuwadernong sinasaad sa last will and testament. Madalas niyang inaabutan ang kaniyang lolo na nakatunghay dito habang hawak ang isang lumang pluma. Sa tuwing magtatanong siya rito ay twinang sagot nito, "May mga bagay na mauunawaan mo lamang sa tamang panahon." At ito na ang tamang panahon. Nang makita niya ang kuwaderno ay agad agad niya itong binuklat. Kumunot ang kaniyang noo at halos magsalubong ang kaniyang kilay.Amoy na amoy ang pagkaluma ng kuwaderno. Ngunit hindi iyon ang nagpakunot sa kaniyang noo. Ilang pahina ang kaniyang inilipat-lipat, lahat ay blangko. Nakita niya ang pluma na nakalagay sa isang lumang kahon. Kinuha niya ito at isinulat sa kwaderno na animo'y ginigising ang tulog na tinta nito. Kinahig niya nang makailang ulit sa isang pahina ngunit walang tintang lumalabas mula rito. "Ano itong laro mo Lolo? Ito ba ang sagot mo sa lahat ng mga tanong ko? Nasaan ang paliwanag na hinihintay ko?" Halo-halong emosyon ang nananahan sa kaniyang puso. Pagkadismaya. Galit sa sarili dahil hindi niya na inabutan ang lolo dahil sa poot na inalagaan niya sa kaniyang dibdib, ang poot sa taong pinagkatiwalaan niya nang husto. At ang pangungulila sa taong nag-aruga sa kaniya mula nang magkamalay siya. Hinayaan niya nang lumaya ang kaniyang damdamin. Unti-unting umagos ang mga luhang kaytagal niyang pinigilang humulagpos. Hindi niya namalayan ang pagbabagong nagaganap sa kuwaderno sa bawat pagpatak ng kaniyang luha rito.

SAMANTHA's POV

Natigil ako sa pag-iyak ng biglang lumindol, ngunit agad naman itong nawala.

“Sam!” Natatarantang tawag sakin ni Jake.

Napalingon ako sa kanya upang sabihin na okay lang akongunit natigilan ako ng makita ang mukha niya.

Magkahalong mangha’t takot ang naglalaro dito habang nakatitig siya sa nakabuklat na kuwaderno sa harapan ko. Nahaluan ito ng pag-aalala ng magtagpo ang mga mata namin.

“Okay ka lang ba? Alam kong hindi mo naiintindihan kung bakit biglang nagbago ang anyo ng kuwarderno, kung bakit -,” sunod-sunod na tugon niJake pero natahimik siya ng makita ang pagkalito sa'king mukha.

“Anong sinasabi mong nagbago ang anyo ng kuwaderno?” Pinulot ko ito’t inilapit sa kanya. “Lumang notebook na walang laman pa rin po siya. Blanko. Nada!” Sabay bagsak nito pabalik sa mesa.

Sinapak ni Jake ang sariling noo bago ako marahang hinila palapit sa kanya. “Patawad Sam, ‘di ko pa pala naibabalik ang paningin mo. Konting tiis. Mauunawaan mo rin ang lahat.”

Hindi na’ko nakasagot ngilapit ni Jake ang mga kamay ko sa labi niya. May binulong siyang kung ano at pagkatapos ayhinipan niya ang mga mata ko. Mahina lang naman ‘yon pero sa lakas ng hangin ay nahirapan akong idilat ang mga ito.

“Aaah!” Hindi ko napigilang mapasigaw sa sakit. Tila ba’y tinutusok at binibinat ang mga mata ko nang sabay-sabay.

“Aaaaaaaaaaaaah!” Mas napasigaw pa’ko ng lumala pa ang sakit. Naaninag kong lumapit sa’kin si Jake at ang pamilyar na anyo ni Mama Minerva bago ako lamunin ng kadiliman.

**************

“SAMANTHA!”

Idinilat ko ang aking mga mata ng marinig kong may sumigaw ng pangalan ko.

Nasa silid pa rin ako kung saan kami nag-usap ni Jakepero medyo madilim na. Sinubukan kong buksan ang ilaw ngunit hindi ‘to gumagana.

“Jake?” tawag ko pero sariling boses ko lang ang sumagot sa akin.

Lumabas ako’t natigilan sa aking nakita pagkabukas ko ng pinto.

May nag-uumpukan sa isang mesa kung saan may mapa ng mundo.Napakamakulay nito ngunit tila may kulay itimna kumakalat at kinakain ang ibang maliwanag na kulay.Kahit na kakaiba'y mas natigilan ako sa mga nilalang na nakatuon ang atensiyon dito.

May mga batang nakalutang sa ire na apoy ang buhok. Sa tabi nila’y mga nilalang na parang tao ngunit matulis ang tenga at sobrang itim ng balat. Ang kanina na akala ko’y simpleng puno ay biglang dumukwang para mas makalapit sa mapa dahil sagabal sa kanya ang higanteng nakadunghay rin dito.May iba pa na nahihirapan akong ilarawan ngunit ang mga makukulay na anghel na nasa harapan ko ang pinakanakakamangha.

Biglang yumanig ang paligid na agad namang tumigil.

Napalingon sa kinatatayuan ko ang isa sa mga anghel. “Samantha?”At lahatng mga kakaibang nilalang ay napatingin sakin.

Magtatago sana ako ngunit nawala na ang pinto. Sa takotay napatakbo ako kahit hindi ko alam kung saan ako patungo.

“Namulat na muli ang bagong Tagapagbantay?”

“Wala na ba tayong oras?”

“Anak!”

Naririnig ko ang halo-halong boses ng mga nilalang at natigil ako sa pagtakbo ng marinig ko ang katagang yun.

Nilingon ko ang nagsabi nitongunit isang pamilyar na hubog ang nakita ko. Nakatalikod siya sakin kaya tinawag ko ang kanyang pansin. “Lolo! Anong nangyayari? Nasan —"

“Hindi nagkulang ang paalala ko sa’yo na wag makikinig sa mga bulong ng isang lagalag!” Natigilan ako ng matanto kong may ibang kausap si Lolo at tila di naman niya ako nakikita.

“Kailan ka pa nagsimulang makipag-usap kay Azazel?” galit na tanong niya.

Sinilip ko kung sino ang kausap niya pero nagulat akong makita si Lolong nakaupo na sa kamakung saan nakahiga ang isang payat at sakiting babae.Sa kabila naman ay may isang lalaking nakaupo’t hawak ang kamay nito.

Tiningnan ko kung saan nakatayo kanina si Lolo pero isang kuna na ang naroon.

“Uuuuwaaah! Uwaaaaaaaah!”Isang iyak ng sanggol ang narinig kong nanggaling rito.

Dahan-dahan akong lumapit sabay ng paglapit ni Lolo.

Dumukwangsiya para akayin ang sanggol. Agad naman itong tumigil sa pag-iyak ng mahawakan niya.

Inabot ng sanggol ang mukha ni Lolo at dun ko napansin ang isang pamilyar na hugis susing balât sa palad nito.

Napatingin ako sa sarili kong kamay at hinawakan ang susing balât na naroon.

“Mapapatawad niya ba’ko?” Biglang nagsalita ang babae sa kama. “Maiintindihan kaya niya kung bakit kailangan ko siyang iwan?” Mangiyakngiyak niyang bulong habangnakatitig sa sanggol.

“Aoni, tahan na. Wag mong sayangin ang ‘yong lakas.” Inabotni Lolo sa babae ang sanggol. “Matagal mong di isinuot ang 'yong pakpak kaya matatagalan ang pagbalik ng kapangyarihan mo.”

Bumaling ang tingin nila sa may likuran ko kaya’t lumingon din ako.

Tila loob ng isang kuweba ang nakita ko at sa gitna nito'y may isang trono. Isang nakatalukbong na anghel ang nakaupo roon ngunit imbis na makulay o puting pakpak ay purong itim ang sa kanya. Nilibot ko ang aking tingin at wala na sina Lolo.

Yumanig na naman ang paligid na bigla ring nawala.

“HAHAHA!” Isang makapanindig balahibong halakhak ang biglang binitawan ng anghel. “Sa wakas, magtatagpo na tayo Tagabantay.”

Sa isang kisapmata ay nakalapit siya sa akin at sinubukan akong hilahin palapit sa kanya. Ngunit tila may kung ano sa loob ko na nag-udyok sa akin na umiwas atsa pag-iwas ko'y natumba ako't patuloy na mahulog.

*************

“Aaah!”

Napaupo ako at agad na nilibot ang tingin sa paligid dahil baka nandun pa ang itim na anghel. Ngunit ako'y nasa sarili ko ng kama.

Nanaginip lang ba 'ko?

Napansin kong may hawak-hawak akong makapal na libro na kulay ginto. Halatang antigo na ito ngunit sobrang kinang pa rin ng kulay.

“Mabuti’t gising ka na.” Nakita kong pumasok si Mama Minerva na agad lumapit sakin at naupo sa kama.

“Namiss ko po kayo.” Mahigpit akong napayakap sa nanay-nanayan ko.

“Alam kong namiss niyo ang isa't isa pero iistorbohin ko muna ang muli n'yong pagkikita.” Mabilis na lumapit si Jake sa amin. Halatang tensyonado ito.

Tumango lang si Mama Minerva sa mga sinabi niya’t agad nagpaalam.

“Alam kong marami kang tanong pero kulang na tayo sa oras,” marahang sabi ni Jake.

“Understatement ang marami pero ano 'tong librong ‘to?” tanong ko sa kanya.

“Ang librong yan ay ang kuwadernong hinabilin sa’yo ng lolo mo, at ang plumang iyon ay ginagamit para maisulat diyan ang mga alaala mo.” Sabay turo sa lumang pluma na nakalatag sa tabi ko. “Dati ng ganyan ang anyo ng aklat na yan. Ngayon mo lang ulit nakikita dahil minulat ko na ang 'yong mata.” Patuloy na paliwanag ni Jake habang binubuklat ko ang nasabing libro.

Kuwadernong naging gintong libro? Pluma para sumulat ng alaala? Nahihirapan akong paniwalaan ang paliwanag niya ngunit isang larawan ang nakakuha ng atensyon ko at sinimulang isipin na baka nga'y totoo ang mga sinasabi niya.

Tila may pagdiriwang sa larawan. May sumasayaw at nag-iinoman. At ang mga nilalang na nakita ko sa'king panaginip ay naroon.

“Yan din mismo ang lagusan para makarating ka sa kabilang mundo,” dagdag ni Jake.

Napailing na lang ako dahil sa nahihirapan akong paniwalaan ang mga sinabi niya.

“Alam kong mahirap paniwalaan. Pero Sam,hindi ka simpleng tao.” Tiningnan niya ako ng diretso. “Isang digmaan ang kailangan mong mapigilan samundong 'yon bago ito dumating sa mundo ng mga tao. At wala na tayong oras.”

“Nasa libro na yan ang lahat ng dapat mong malaman. Isipin mo lang ito at pagbuklat mo’y matatagpuan mo na ang sagot.” At tiningnan niya ko na nagsasabing subukan ko.

Nahihirapan man akong paniwalaan siya’y pinikit ko ang aking mga mata at inisip kung ano ba talaga ang gusto kong malaman.

“Sino ako?” tanong ko sabay bukas sa gintong aklat.

Isang larawan kung saan siLolo'ymasayang kinakarga ang isang sanggol at may babae't lalaki na nakangiting nakatingin sa kanya ang tumambad sa akin.

“Ikaw ay pag-asa, Samantha. Ikaw ang ilaw ng dalawang mundong nilalamon na ng kadiliman.” Isang pamilyar na boses ang sumagot sa akin.

Inalis ko ang aking paningin sa larawan at hinanap ang pinagmulan ng boses na'yon.

Nakita kong nakatayo siya sa tabi ko habang nakatingin sa kawalan. Napansin kong wala na ako sa kwarto. Nasa veranda kami kung saan nakikita ang dagat at dalampasigan na nasa baba ng bundok kung saan nakatayo ang bahay. Hawak ko pa rin ang libro.

“Lolo.” Naramdaman ko ang mainit na daloy ng luha saking pisngi.

Lumingon siya sa kinatatayuan ko't niyakap ako.

“Samantha.” Malambing niyang sabi. “Namiss kita apo.”

“Lolo sorry. Sorry di ako umuwi agad. Namiss kita Lo.” Humahagulgol na sabi ko.

“Shhh… Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo Sam. Patawad kung tinago ko ang pagkatao mo’t ang mundong ‘to sa’yo,” tugon niya.

Sa mundong ‘to?

Nilibot ko ang aking paningin at dun ko napansin na kahit nasa bahay kami’y may kakaiba sa lugar na ‘to. Mapula-pula ang kalangitan at magkasunod na lumulubog ang buwan at araw. Sa kabilang dako naman ay may isa pang buwan na papasikat.
“Dalawang buwan? Lolo nasan tayo?”

Ngumiti siya. “Maligayang pagdating sa Nalandangan, Tagabantay. Halika na't may digmaan ka pang dapat pigilan.”

Itutuloy...

O hindi na? Kung nabitin kayo'y huwag mahihiyang mag-iwan ng komento sa baba.

Gusto ko sanang magpasalamat kay Madam @romeskie para sa paggawa ng paligsahang ito. Napukaw ang matagal ng natutulog na hilig ko sa pagsusulat.

Sana'y magustuhan n'yo ang kwentong ito.

Hanggang sa muli.

20180930_074306_0001.png

Sort:  

Ang ganda nito!!! Nabitin ako. Hahahah. Sana ay may karugtong pa! Konting linis na lang ng mga typo pero pangmalakasan ang imahinasyon! Nice one @itisokaye!

Maraming salamat @romeskie 😊 Gustong gusto kong ipagpatuloy 'to. Naattach ata ako sa mundong ginawa ko. 😅 Salamat ulit. ❤️


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

bitin na bitin ako
uh oh oh

Habang sinusulat ko ito'y nabitin din ako. Actually umabot ng 3500+ words ang original draft nito. 😅Makakaasa po kayong may kasunod pa (na wala masyadong typo at mas naayos ang pagkaka-code ng Markdown at html format para di masakit sa mata ). 🙏

yan . ok yan

This comment was made from https://ulogs.org

Hi sis. Ang ganda ng daloy ng kwento. Pangmalakasan ang imagination and creativity mo sa pagbuo ng PLOT. Nagustuhan ko ang smooth na transition from one scene to the next, ang pagkatha sa mga characters, at ang development ng story. Marami kaming nabitin kaya sana ay dugtungan mo ang istorya.

Gaya ni ate Rome, napansin ko lang din na madaming typo. At marahil ay dahil lamang ito sa pagmamadali. Pero sa susunod, nawa'y mas malinis pa ang pagsusulat dahil isa rin ito sa pamantayan ng pagiging mahusay na akda.

Kung maipagpapatuloy ang ganito kagandang daloy ng kwento at nalinis ang mga kaunting typos, may laban ka sa mini curie.

Looking forward to the continuation of this amazing story. ☺ Abangan namin.

Hello @chinitacharmer 👋 Maraming salamat po sa papuri at sa mga paalala. Mas bibigyang oras ko na ang paglilinis ng "final" draft ng mga isusulat ko. At sana'y matapos ko 'to bago mawala ang hype. 😅

PS. Ano po ang mini curie? 🙈

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.033
BTC 94476.03
ETH 3112.49
USDT 1.00
SBD 3.03