Tagalog Poetry#1: MAGKAIBIGAN

in #tagalogtrail6 years ago

image

Ang pagkakaibigan ay makapangyarihan,
Sa lahat ng oras nagtutulungan,
Sa lahat ng bagay nakakaintindihan,
At higit sa lahat nagmamahalan


Saan man magpunta,
Palaging magkakasama,
Nag-iipon ng mga alaala,
Kahit maraming problema


Masaya ako, masaya sila,
Malungkot ako, naaapektohan sila,
Pagpapatibay na mahalaga ang bawat isa,
At sa pagmamahal na parang tunay na kapamilya


Hindi mawawala ang pagseselos,
Nakikita ko yun sa kanilang mga kilos,
Pag-uusapan lang ng maayos,
Mga puso ay parang hinahaplos


May mga pagkakataon talaga
Na hindi kami nagkakaisa
Hindi na namamansin
At masakit 'yun para sa amin


Pero hindi namin hahayaan
Na ito ay aabot hanggang kinabukasan
Kailangan kaagad mapag-usapan
Para hindi maging isang hidwaan


Marami na kaming pinagdaanan
At hindi namin yun kakalimutan
Nakatatak na ito sa aming puso't isipan
Ang pagtibayin ang aming pagkakaibigan


Samahang hinding-hindi mapapalitan
Kahit anong mangyayari sa kasalukuyan
Susubukin man ito nino man
Manatiling matibay hanggang magpakailan paman

Sort:  

Hi Guys! Today I help those peoples who are not earning well on steemit. I will suggest them and help them for earning. I hope you will also earn $100 of dollars on steemit. For suggestions Follow @jkgautam75 and get 50+ free upvotes by joining my community. https://t.me/target1000 So Join & Follow Now...

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 57298.55
ETH 3059.61
USDT 1.00
SBD 2.29