Hungkag

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

pinagmulan

Pinilit kong ilabas subalit ayaw. Blangko ang kaisipan. Wala ni isang guhit na ideya.

Paano ko ba sisimulan???

Saan ako mag-uumpisa???

Paikot-ikot ang panulat sa daliri. Lahat na yata ng posisyon nagawa na ng bolpen sa mga kamay na kating-kating magluwal ng akda ngunit ni isang pangungusap ay hindi makabuo.

Kawalan.

Bakit ayaw magniig ng tinta at papel na dati-rati ay nag-aapoy at di mapigilan ang pagkikiskisan. Ayaw nila noong papigil at nais pang umindayog sa saliw ng musika ng pagkamalikhain kahit laspag na sa isa't isa.

Nasaan na?

Ang mga sandali ng mainit na pagsasama ng daliri at isip ay naglahong gaya ng alaalang pilit mang bungkalin ay di na mawari.

Sagad.

Ibinaon, kinalikot, labas-pasok ang mga salita. Hindi marating ang rurok ng ligaya kaya muling sinimsim ang butas --- ang butas sa puso baka sakaling doon makakuha ng inspirasyon. Subalit wala. Walang mabuong akda.

Bitin.

Kulang ang damdamin. Kahit na magtagpo ang tulis ng panulat, ang pagtulo ng tinta at kadalisayan ng papel ay walang malikhang buhay sa mga letra.

Pawis.

Basa na ang palad. Naninigas na ang diwa. Pero ayaw tumuloy ng naninigas na diwa sa basang palad upang sa wakas ay makabuo ng anak na tatawaging obra maestra.
Hindi magdugtong ang titik at puso.

Hingal

Pagod na ang isip. Kanina pa ito bumabayo ng bagong kaisipan subalit hindi man lang nilabasan ng bagong istorya o tula. Sayang ang oras na nilaan. Labas-masok lang ang ideya pero hindi umabot sa tugatog. Nabitin. Kinapos ng hininga. Hindi lumabas ang inaasahang resulta.

Susulat pa ba?

O hayaan na lang na dumating ang tamang panahon kung kailan muling magkakaroon ng tunay na gana--- yaong gana na totoo at nag-iinit dahil sa mga oras na ito wala ng emosyon.

Mabuti pa kung galit dahil may maisusulat na panunumbat o paninisi
Maigi pa kung malungkot dahil may malilikhang kalumbayan o pagkalugmok ang mga salita
Mainam pa ang takot dahil ang letra ay kusang bubuo ng istoryang magpapatindig ng balahibo. Yaong tipo na lahat ng pwedeng tumayo ay tatayo.

Hungkag.

Bokya ang puso at isipan sa mga oras na ito. Kahit pilitin mang ilabas wala ring patutunguhan... walang destinasyon... walang pupuntahan.

Tinigilan!!!

Sort:  

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
@c-squared runs a community witness. Please consider using one of your witness votes on us here

thank you so much @c-squared

This comment was made from https://ulogs.org

Ganda nito @beyonddisability! Kakatuwa yung struggle para makasulat. Pero kita mo naman, ganda ng kinalabasan. Haha

thank you so much bes. Mabilisang gawa habang inspired :)

This comment was made from https://ulogs.org

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by BeyondDisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.21
JST 0.036
BTC 97939.48
ETH 3363.31
USDT 1.00
SBD 3.31