FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE X: ANG PANGWAKAS NA BAHAGI NG UNANG PANGKAT.

in #tagalogserye6 years ago (edited)

6ew1v7a7ni.png

ANG NAKARAAN.

May sumigaw sa hindi kalayuan na "MGA NBI KAMI, ITAAS ANG MGA KAMAY AT HUWAG NA KAYONG LUMABAN"! Nagulat ang intsik at mga tauhan nito at pati na rin si Vince.



Nataranta ang lahat sa sigaw na narinig kaya naman naisip ni Genaro na ihagis ang 2 niyang flash bomb, nang sa gayon ay walang makita ang mga NBI. Kaniya-kaniyang sibat ang mga tauhan ng negosyanteng intsik, sa sobrang taranta ni Vince ay sumakay siya sa compartment ng kotse. Kasabay nito ang pag-start ng sasakyan. Habang umaandar ang sasakyan ay pilit na binubuksan ni Vince ang compartment ng sasakyan subalit bigo siya. Naka-lock na palang maigi ang compartment. Walang nagawa ang pobreng Vince kung hindi hintayin na lang magbukas ang sasakyan sa sobrang takot ay naihi na sa salawal ang kawawang bata. Nang makarating sa hide out ang grupo ay biglang nagtawanan ang mga mokong, subalit may narinig silang kaluskos na tila galing sa compartment.

"Ano iyon? Saan galing?" Doon sa may compartment may tao yata.

"Mga bata palibutan niyo ang compartment ng sasakyan, dumistansiya lang kayo nang bahagya. Kapag nakita niyong kahina-hinala ay putukan niyo agad." Sabay pindot sa sa isang aparato na makapagbubukas ng compartment.

Dahan-dahan lumalapit ang isang tauhan ni Genaro at nang makalapit, tumambad sa kaniya ang isang binatilyong basang-basa ang salawal.

93p4x4lakb.png
Larawan

"Boss Genaro siya iyong bata kanina. Ano gagawin natin sa kaniya? Tatapusin ko na ba siya? Baka kumanta pa ito. Asset yata siya ng NBI". Tanong ng isang tauhan ni Genaro.

"Huwag muna, tatawagan ko lang si boss. Tatanungin ko lang kung ano ang magandang gawin diyan sa batang iyan." Sagot ni Genaro.

Nag-usap sina Genaro at 2K sa telepeno at napagpasiyan na ibigti na lang nang patiwarik si Vince habang pinapaamin kung sino ang amo niya at kung ano ang ginagawa ng NBI sa naturang lugar. Maya-maya pa ay dinala sa isang bodega si Vince at nilagyan ng duct tape ang kaniyang bibig, nang sa gayon ay hindi makasigaw ang kawawang bata. Inutos ni Genaro na kumuha ng lubid na matibay at ibigti nang patiwarik ang pobreng bata.

Takot na takot si Vince nang narinig niya ang sinabi ni Genaro kaya naman hindi pa man siya binibigti ay sinabi niyang "Napag-utusan lang po ako bossing ni officer Santos na dalhin sa Balete Drive ang epektos, maliban doon ay wala na po akong alam paano nakarating ang mga NBI roon." Paliwanag ni Vince sa nag-iinit na si Genaro.

"At sino naman iyang lintek na pulis na iyan? Aba at balak pa yata kaming i-double cross." Tanong ni Genaro.

Tinawagan ulit ni Genaro ang boss niya at nag-usap sila. Napagpasiyan nila na ikulong na lang muna ang bata sa bodega at bantayan mabuti. Inutos din ng boss niya na itumba na ang pulis na nakatransaksiyon nila.

Sa NBI sa UN Avenue ay sinabon ni Dir Stellar ang mga tauhan niya sa palpak na operasiyon.

Sa istasyon naman ng pulis sa Novaliches ay tinawagan ni detective Santos ang mga magulang ni Val at sinabi nito na ililipat daw si Val sa isang Mental Hospital. Sa gagawin nilang ito ay mas ligtas ang bata sa pagmamalabis sa loob ng bilanguan.

"Bata ito lang ang magagawa ko para sa'yo. Sana ay buhay ka pa" Anas ni detective sa sarili.

Pagkatapos na pagkatapos ng proseso ay agad-agad namang ililipat si Val sa Mandaluyong. Inihatid ni officer Cradle ang buong pamilya ni Val patungo sa Mandaluyong kung saan naroroon ang Mental Hospital. Nang makarating sa ospital ay biglang inatake sa puso ang nanay ni Val. Hindi magkamayaw ang mga tao sa ospital nang makita na nakahalindusay sa sahig at nangingisay ang kawawang si aling Marta. Lumipat kaagad ang dalawang nars at isinakay sa strecher si aling Marta at dinala ito sa isang kuwarto kung saan nandoon ang doktor. Nang madala sa silid gamutan si aling Marta ay wala namang sinayang na oras ang doktor at ang mga nars. Pilit nilang isinasalba ang buhay ng kawawang Marta, subalit hindi sapat ang kaalaman ni doktor. Ang kailangan kasi ay isang doktor na dalubhasa sa puso. Walang magawa sina Val at officer Cradle kung hindi maghintay lamang sa labas ng pinto at hintayin ang resulta.

Maya-maya ay lumabas na ang doktor at sinabi niya na kaunti lang ang pag-asang mabuhay ni aling Marta. Tila pinagsakluban ng langit at lupa itong si Val at halos masira na rin ang ulo niya dahil hindi niya matanggap ang sitwasyon. Nawindang ang lahat nang inagaw ni Val ang nakasukbit na baril ni officer Cradle at itinutok ito kay officer Cradle.

"Gamutin niyo ang nanay ko kung ayaw niyong mamatay itong pulis na ito at pati kayo na rin. Tumawag kayo ng magaling na doktor ngayon din dahil kung hindi ay papatayin ko kayong lahat at saka ikandado niyo nang maigi ang lahat-lahat ng pintuan para walang makapasok. Mga cellphone niyo ibaba niyo nang nakapatay, huwag na huwag niyong tatawagan ang mga pulis hangga't hindi ko sinasabi." Pahayag ni Val sa mga tao sa nasabing ospital.

Nagkukumahog ang lahat ng tao na nasa loob ng ospital. Ikinadena ang bawat pintuan ng ospital gaya nga ng sabi ni Val.

Nang maayos na ang lahat, dinala ni Val si officer Cradle kung saan silang dalawa lang ang tao. "Officer Cradle sir pasensiya kana sa ginawa ko, alam ko natakot kita. Kaya naman ngayon sana ay makisama ka na lang. Tatanggalin ko ang lahat ng bala nito. Bali baril na lang ito at walang bala. Mahal na mahal ko si inay at ayaw ko pa siyang mamatay Kung ikaw ang nasa kalagayan ko ano ang gagawin mo? Porke mahirap lang kami ayaw nilang gamutin ang inay ko. Hayop silang lahat." Nagluluhang paliwanag ni Val.

"Hindi ko alam iho, pero sige magpapanggap ako na hostage mo. Hanggang sa may dumating na doctor." Ika ni officer Cradle.

"Sige sir lumabas na muna tayo."

Nagtungo si Val kung saan nakaratay ang kaniyang ina. "Ina huwag mo kaming iiwan ni kuya. Naaalala mo pa ba nay kung ano ang payo na sinabi niyo sa akin noong bata pa kami ni kuya? Ang sabi mo turuan mag-isip ang mga bata at mangatuwiran nang magalang at huwag pagbawalang magsalita. Iyan ang sabi mo inay sa amin ni kuya noong bata pa kami. Kahit alam kong mas mahal mo si kuya sa akin ay hinding-hindi kita iiwan. Kaya naman gagawa ako ng paraan para humaba pa ang buhay mo. Ipaglalaban kita inay sa kahit anong paraan. Wika ni Val sa nakaratay na nanay.

84utxjk4e9.png
Larawan

Nakarating na nga sa Mandaluyong Police District ang sitwasyon sa naturang ospital. Bumaba ang negosyador na si inspector Rafael Ursal at nagsalita sa malaking mic "kaibigan ano ba pag-usapan natin ito, para walang madamay na iba. Napalilibutan na namin ang buong ospital. Kaya naman nais namin na makipag-usap nang maayos sa'yo. Isang kabaro pala namin ang hostage mo riyan."

Hinack ng IT ng Mandaluyong Police District ang CCTV sa loob at pati na rin ang telephone wire. Nang sa gayon ang lahat ng tatawag ay sa kanila mapupunta at sila na rin mismo ang sasagot.

Nagtungo si Val na kasama si officer Cradle sa may pintuan at sumagot sa tanong ni inspector Ursal. "Inspector Ursal ang nais ko lang mangyari ay magdala kayo rito ng pagkain at higit sa lahat isang doktor na dalubhasa sa puso. Isang oras lang ang ibibigay kong palugit dahil kung hindi ay papatayin ko lahat ng tao rito sa loob ng hospital". "Sabay sarado ulit ng pintuan at balik sa loob."

"Huwag ka mag-alala kaibigan masusunod ang gusto mo. Ingatan mo lang ang tao riyan iyan lang ang gusto namin." Sagot ni inspector Ursal.

Tumawag si Ursal sa kaniyang hepe at sinabi ang sitwasiyon. Pinagbigyan naman siya ng kaniyang hepe subalit kapag hindi siya nagtagumpay ay ang hepe niya mismo ang gagawa ng paraan para maisaayos ang lahat-lahat.

Makalipas ang isang oras ay dumating na nga ang mga hiniling ni Val. Una ang mga pagkain na galing sa Mc Donalds (birthday kasi ni Aya, kaya sa Mc Do tayo) at siyempre ang pinaka sikat na doktor sa Pilipinas na walang iba kung hindi si doktor John D. Paul.

Pinapasok ni Val ang doktor at sinabing "Salamat inspektor Ursal". May takot na nararamdaman ang doktor kasi ito ang kaunaunahang paggagamot niya na kakaiba ang sitwasiyon. Sa kadahilanang busilak ang loob ni doktor John ay tinanggap niya ang hiling ng Mandaluyong Police.

Dumiretso si doktor John sa lugar kung saan nakaratay ang nanay ni Vince. Samantala lumapit naman kay Val ang tatay niyang si mang Tonyo at sinabing "Anak paano mo nagawa itong lahat? Hindi mo ba alam na maaari kang makulong sa ginawa mong ito?".

"Itay wala akong pakielam basta ang importante ay maisalba ko ang buhay ng pinakamamahal kong ina." Ani ni Val.

Habang nasa loob ng silid gamutan si doktor John ay pinakiusapan niyang lumabas muna ang lahat at sila lang ng nars ang dapat ay nasa loob. Naintindihan naman ni Val at mang Tonyo ang sitwasyon kaya naman lumabas na agad ang dalawa at hindi na nagpatumpik-tumpik pa.

Pumunta sina Val at mang Tonyo sa lugar kung saan andoon pa ang ibang pasiyente at mga mahal nito sa buhay. Takot na takot ang mga pobreng tao subalit nagpaliwanag si Val nang maayos sa mga taong nandoon sa loob ng ospital.

"Huwag po kayong mag-alala. Nakita niyo po ba itong baril na hawak ko? Wala po itong bala. Kita niyo naman puro bunganga lang ako at hindi ko pa talaga kayang pumatay ng tao. Pasensiya na po kayong lahat sa nagawa ko, nagawa ko lang po ito dahil hindi nila kayang gamutin ang nanay ko. Mahal na mahal ko po kasi ang nanay ko." Pahayag ni Val sa mga takot na takot na tao.

Sa kabilang dako naman. Natagpuang matigas na ang katawan ni Vince sa bodegang pinagkukulungan nito. "Boss Genaro patay na ito. Ano gagawin dito?" Ika ng tauhan.

"Ganoon ba? Hayaan mo na lang diyan. Magmadali na tayo at sumibat na tayo. Hindi siguro nakayanan ng katawan niya ang droga na nasa katawan niya kaya siya namatay. Dalian niyo at sumibat na tayo rito. Sa Masbate muna tayo". Sagot ni Genaro.

Samantala na-carried away naman ang mga magulang ng mga pasiyente sa ospital. Hindi kasi nila akalain na sa sobrang pagmamahal ay magagawa ng isang binatilyo na mang-hostage para sa kaniyang ina. Nagsiiyakan na lang ang mga kawawang tao at sinabing tutulungan nila si Vince sa kahit anong paraan. Umiyak na rin si officer Cradle. Tila hindi makapaniwala na may sira sa ulo itong si Val, kahit alam niyang may tama talaga sa utak kasi hindi gagawin ng normal na tao ang mang-hostage.

Maya-maya pa ay lumabas na si doktor John sa silid gamutan at ipinatawag sina mang Kevin at Vince. "Sir we need a heart transplant immediately, kasi kung hindi natin mapapalitan ang puso niya ay baka hindi kayanin pa ng iba niyang mga organs." Ani ni doktor John.

Nagmamadali papunta sa pintuan si Val para kausapin si inpektor Ursal. "Inspektor Ursal, kailangan ko ng heart donor para sa nanay ko. Dalian mo kung ayaw mong makitang patay lahat ng tao rito." Ani ni Val.

Napakamot na lang sa ulo si inspektor Ursal. Maya-maya ay dumating na ang media. Naisip ni inspektor Ursal na makatutulong ang media para sa hinaing ni Val. Kaya lumapit si inspektor Ursal sa media upang sabihin at malaman ng buong Filipino kung ano ang ibig ni Val.

"Ako po si inspektor Ursal ng Mandaluyong Police Disctrict. Ako po ngayon ay naghahanap ng heart donor para sa pasiyente roon sa loob ng hospital. Mangyari lamang po ay tumawag sa hotline ko. Ito pong number na nakikita niyo sa telebisyon niyo ang aming hotline, kaya kung mayroon mang mag-do-donate ay makipag-usap po sa lalung madaling panahon." Pahayag ni inspektor Ursal sa telebisyon.

Habang naghihintay si doktor John ng donor ay nagprisinta si Val na puso na lamang niya ang ibibigay niya para mabuhay ang kaniyang ina.

"Sigurada ka ba riyan iho?"

"Opo dok."

"Sige, humiga ka riyan at i-e-examine namin ang puso mo"

Humiga si Val at chineck up na siya ni doktor John at nang matapos na ay "Iho hindi maaari ang puso mo na maging kapalit sapagkat parehas lamang ang inyong puso. Masasabi kong namana mo ang sakit ng iyong ina. Hindi rin puwede ang puso ng iyong ama sapagkat matanda na siya at mahina na rin ang kaniyang puso. Hindi tayo maaaring sumugal dito. Ang ibig kong mangyari ay mabuhay itong pasiyente, hindi ang patayin kayong tatlo". Paliwanag ni doktor John.

"Naintindihan po namin dok." Ani ni Val.

Samantala nagulat si inspektor Ursal nang nakita niyang dumating ang hepe niya na kasama ang S.W.A.T. Nilapitan niyo ang hepe at tinanong "bakit may SWAT sir?".

"Nagtataka ka pa, e napakabagal mong magtrabaho tapos na ang palugit na binigay ko sa'yo. Ako na ngayon ang mamumuno rito. Maaari ka na rin magpahinga". Ani ni hepe.

Ipinakalat ni hepe ang mga snipers at inutusang kung may clear shot ay tapusin na agad ang kriminal.

Hindi ito nagustuhan ni inspektor Ursal kaya naman gumawa siya ng paraan para makapasok sa loob ng ospital at para sabihin na rin na nanganganib ang buhay nila sa loob.

Pinagmamasdang mabuti ni hepe ang nangyayari sa loob subalit wala siyang marinig na sounds. Kaya pala sila walang marinig na tunog ay pinutol pala ni officer Cradle ang isang wire ng cctv. Inoobserbahan lang mabuti at hinihintay na pumunta si Val sa lugar kung saan may clear shot na ang mga snipers.

Balisang-balisa naman ang mag-amang Val at mang Tonyo dahil alam nila walang paraan kung hindi heart transplant lang.

Sa kabilang dako ulit. Natagpuan ng pulis Novaliches ang bangkay ni Vince sa isang bodega malapit sa may 'di kalayuan. Dali-dali nila itong dinala sa forensic lab nila para i-autopsy. Nang makarating ang bangkay sa lab ay ipinasuri ito sa doktor para malaman nila kung ano ang ikinamatay. Matapos ang masusing autopsy ay napagalaman ng mga pulis na ang ikinamatay ni Vince ay overdose sa droga. Maayos naman daw lahat ng organs ni Val pwera lang ang kaniyang utak.

"Napanood ko kanina sa telebisyon na may nangangailangan ng puso roon sa may Mandaluyong. Total kamamatay lang naman nito, maaari itong pamalit sapagkat maayos naman itong pusong ito". Ani ni doktor.

Hayun na nga. Ibiniyahe na nga ang puso ni Vince patungong Mandaluyong lulan ng isang ambulansiya.

Makalipas ang isang oras.

Nagkukumahog si doktor John sa paggamot kay aling Marta sapagkat nakita niya sa ECG na pahina nang pahina ang matanda. Papasok sana ang mag-ama ngunit pinagbawal ito ni doktor John.

Samantala nakapasok na si inspektor Ursal sa loob ng ospital at hinahanap nang pilit ang salarin. Ang hindi naman ni inspektor Ursal na nakita siya sa camera. Dahil nakita ni hepe na nasa loob si Ursal ay agad niyang inutusan ang SWAT na shoot to kill na ang nang-hostage.

Paikot-ikot si Val at hindi mapakali, habang si mang Tonyo naman ay nagdarasal. Nagtungo si Val sa isang birhen kung saan malapit sa bintana at sinabing "Mama Mary huwag niyo po sanang pababayaan ang nanay ko, iligtas niyo siya sa tiyak na kamatayan. Humihingi rin po ako ng tawag sa mga nagawa ko ngayong araw. Tatangapin ko po ang lahat-lahat ng parusa niyo sa akin ni papa Jesus. Kaya po sana iligtas niyo po ang aking ina. Parang awa niyo na po."

Ang hindi alam ni Val ay hinihintay lang siyang lumapit ng sniper sa lugar kung saan malapit siya sa bintana. Hayun na nga, tinira si Val sa puso at agad-agad siyang bumulagta. Umaagos ang dugo malapit sa may hagdan na malapit sa bintana.

"Target clear". Ani ng isang sniper sa radyo.

Sa labas ng ospital naman ay dumating na ang ambulansiya na lulan ang puso ni Vince. Tinawagan nila ang numerong na sa screen kanina.

"kring kring kring" tunong ng cellphone ni inspektor Ursal.

"Inspektor Ursal here. What can I do?"

"Sir andito na po ang puso na kanina ay hinihingi niyo. Andito po kami sa labas ng ospital."

"Ok copy. Andiyan na ako at huwag niyo ibibigay kahit kanino iyan".

Nagkukumahog si inspektor Ursal nang malaman na nasa labas na ang puso na kaniyang hinihintay. Nang magkita sina Ursal at isa pang pulis ay nagtatalo na pala ang hepe niya at ang isa pang pulis, ayaw kasi nilang ibigay ang puso na nakuha nila sa iba. Ayon pa sa mga pulis doon ay kay Ursal lang nila ibibigay ang nakuhang puso.

Inagaw ni Ursal ang malaking mic at sinabing "nandito na ang puso na hinihintay niyo, kaya naman sumuko kana kaibigan".

"Sir sir ikinalulungkot ko po sabihin nito subalit patay na ang nang-hostage."

"Ano? Bakit? Ano ang nangyari?" Ika ni Ursal.

"Natamaan na po ng sniper ni hepe ang salarin".

"Pukares na iyan. Ayan na nga ba sinasabi ko kapag nakielam si hepe, lahat na lang dinaraan sa dahas."

Nang marinig ni doktor John ang sinabi ni Ursal ay inutusan nito si nars Oscar na kunin kaagad-agad ang puso sapagkat kritikal na ang lagay ni aling Marta.

Samantala si mang Kevin naman ay bumalik na sa lugar kung saan ginagamot ni doktor John si aling Marta. "Dok ano po ang lagay ng asawa ko?" tanong ni mang Tonyo.

"Mang Tonyo dumating na po ang puso. Pangako po gagawain ko ang lahat nang magagawa ko para isalba ang buhay ng asawa mo. Asan na nga pala ang anak niyo mang Tonyo? Paki sabi na rin ho pala na andito na ang puso." Ika ni doktor John.

"Andito lang siguro siya dok." Sagot ni mang Tonyo.

Pumasok na si doktor John sa silid gamutan kasama si nars Oscar na dala-dala na ang puso.

Dinala naman ng mga pulis ang walang buhay na si Val sa ambulansiya. Kasabay pa nito ang pagpasok ng Mandaluyong Police sa loob ng ospital sa pangunguna ni Ursal. Kahit wala siyang pahintulot ng hepe niya ay ginawa na pumasok sapagkat labag sa loob niya na pumatay ng tao. Nais din niyang malinis ang record niya bago siya magretiro.

Nagkagulo naman sa loob ng ospital nang makapasok sa loob ang mga armadong pulis.

"Huwag po kayong mag-alala mabait po kaming mga pulis, hindi po kami kagaya ng mga nasa labas. Ikinalulungkot ko po ang nangyari at hindi po ako ang nag-utos na barilin ang nang-hostage." Paliwanag ni Ursal sa mga tao para hindi mag-panic.

Iyak nang iyak ang mga tao nang marinig nila ang pahayag ni Ursal. Pagkaraan ay pinaalis na sila ng mga pulis. Hinahanap na lang ni Ursal kung nasaan ang doktor.

Sa labas naman ay nagtatalo pa rin ang mga tauhan ni Ursal at ang grupo ni hepe. Kitang-kita sa TV at dinig na dinig din ang pinag-uusapan nila. Kaya naman pilit silang kinontak ni General Bato. Sinabi ni general na mag-withdraw na ang grupo ni hepe at hayaan na lang ang grupo ni Ursal ang magpatuloy. Pinaliwanag kasi ng kanang kamay ni Ursal na dinaan sa dahas ni hepe ang lahat-lahat.

Samantala tinanong naman ni mang Tonyo ang kasamang pulis ni nars Oscar sa labas ng silid gamutan. "Sir sino po ba ang nag-donate ng puso?". Tanong ni mang Tonyo.

"Ayon po sa aming imbestigasiyon ang pangalan ng taong ito ay Vince S. Medina. Natagpuan po kasi namin ang bangkay niya sa isang bodega sa Novaliches." Sagot ng pulis.

"Paki ulit nga po sir. Mahina po kasi ang tainga ko."

"Vince S. Medina ho."

"Kapangalan ng anak ko. Puwede po ba makita ang larawan niya sir?"

"Ikanalulungkot ko po subalit nasa headquarters po ang lahat ng impormasiyon. Kung nais niyo pong malaman ay mangyari po na magtungo kayo sa Novaliches Police Station. Ako po pala ay magpapaalam na dahil ayos na raw po ang lahat-lahat dito. Napatay na raw ang nang-hostage. Sige po alis na ho ako." Sabi ng pulis.

Tila gusto nang magpakamatay ni mang Kevin sa narinig. Mabuti na lang sa paglabas ni doktor John ay may magandang balita.

"Mang Kevin ayos pa ho ang kalagayan ng asawa niyo." Ani ni doktor John.

"Maraming salamat doktor John. Isa kang anghel na nagmula sa langit." Tulo luhang tugon ni mang Kevin.

"Uuwi na ho kasi kaya na po ng mga nars, 100% po ligtas na ligtas na siya. Hanggang sa muli ho."

Sa siyang pagdating ni Ursal ay agad itong humingi sa tatay ni Vince ng tawad. Dahil pakiramdam ni Ursal ay hindi niya nagampanan nang maayos ang kaniyang trabaho. Kaya naman nalaman ni Ursal ay dahil doon sa isang pulis na kaaalis lang. Hindi naman sinisi ni mang Tonyo si Ursal sapagkat alam niyang mali ang lahat. Humingi na lamang siya ng tawad sa may kapal dahil pakiramdam niya na wala siyang nagawa bagkus ay inasa niyang lahat sa kaniyang anak na si Val. Hindi rin magawa ni mang Tonyo na iwan ang asawa kapalit sa pagpunta sa Novaliches Police Station.

LUMIPAS ANG ILANG ARAW.

Lumipas ang ilan pang mga araw ay umigi na ang lagay ni aling Marta. Laking pasasalamat ni mang Tonyo sa panginoong diyos. Nang mabalitaan ni officer Cradle ang makalalabas na si aling Marta ay dali-dali niya itong sinundo para na rin sabihin ang malungkot na balita. Si officer Cradle ay sa Novaliches nakadestino kung hindi niyo pa alam. Nang makarating na nga si officer Cradle ay agad niyang tinunguhan ang mag-asawa.

"Tay ito po bang nasa larawang ito ang anak niyong si Vince S. Medina?" tanong ni officer Cradle.

"Oo, siya nga." "Sabay tumulo ang luha ng mag-asawa sa nakita at narinig na balita mula kay officer Cradle". Napaiyak na rin si officer Cradle.

"Huwag po kayong mag-alala nahuli na po ang drug lord na intsik pati mga alipores niya pati na rin po ang kasabwat nitong pulis na si detective Santos. Lumabas po sa imbestigasiyon na kaya po nagtulak ng droga ang anak niyo ay tinakot po siya ng isang pulis, kapalit ang paglipat nito sa Mandaluyong. Nakakulong na po silang lahat sa ngayon."

Tila hindi kakayanin ng mag-asawa ang mga pangyayari. Kaya naman nagpahatid na lang sila sa bahay. Ni hindi man lang nakit ni aling Marta ang mga anak habang nakaburol ito sa kabaong. Gayon din si mang Tonyo. Tanging ang kapatid lamang ni mang Tonyo ang nag-asikaso ng lahat.

Kinabukasan ay nagtungo sa sementeryo ang mag-asawa para dalawin ang mga anak. Masakit pa rin sila sa kanila ang nangyari subalit alam nila na utang nila ang buhay nila sa dalawang anak. Nangyari na nga ang kinatatakutan nila na mawala ang mga anak. Pinagsisihan na rin ni aling Marta ang nagawa niya sa anak niyang si Val.

Masayang namuhay ang mag-asawa kahit na wala na ang kanilang mga anak.

WAKAS.












Prompts.
Tema: Inspirational Drama

Mga Elemento na kailangang makita sa kwento:

Dilemma ng mag-asawa.

Pangaral ng magulang sa mga bata. (quote or proverb na bibitawan at ipapaliwanag sa kwento)

May mangyayari sa isa sa mga anak nila na magiging turning point ng kanilang buhay.

Tragic ending.

Mga Kasali:
Unang grupo:

Miyerkukes - @jemzem
Huwebes - @mrnightmare89
Biyernes - @blessedsteemer
Sabado - @twotripleow[DeShawn Tragnetti]

Ikalawang grupo:

Miyerkules - @czera
Huwebes - @iyanpol12
Biyernes - @BeyondDisability
Sabado - @oscargabat



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Napagod ako magbasa. Hanep. Isang buong yata ito master 2k

Posted using Partiko Android

Pero nakaraos naman. Congrats po

Posted using Partiko Android

Hindi nya daw forte ang ganitong tema pero ang haba ng nasulat. Hahaha master ka talaga @twotripleow galing mo. Ganda nung maaksyon na part. :)

Posted using Partiko iOS

Ang haba nga boss. 😅
Pero ayos lang at idinitalye mo namang maigi ang mga eksena. Nakalulungkot na silang dalawa talaga ang namatay. 😭

Ay hindi a. Bilang ng mga salita: 1,001 lang lodi PP. Ayos lang naman kahit ganoon buhay naman si aling Marta. Sulit naman ang sakripisyo nilang dalawa.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 106136.38
ETH 3327.24
SBD 4.43