FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VIII: IKATLONG BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT

in #tagalogserye6 years ago

Labis po akong nagagalak na makasama muli sa #tagalogserye ngayong Linggo. Akin pong ikwekwento ang ikatlong bahagi ng ikalawang pangkat. Narito po ang Unang Bahagi na isinulat ni boss @twotripleow at eto naman ang Pangalawang Bahagi na gawa naman ni ate @romeskie sa aming kwento.

74FE3074-ACA1-49DC-A27C-50C0F2B40B96.png

Ang larawan na ito ay galing kay @toto-ph na nagbabalik.

ANG NAKARAAN:

508A96EB-A3CC-4236-9A53-98047914E791.jpeg

Samantala, napatili si Charloise nang makita ang braso nang hubarin ang long sleeves nito.

At nang makita ni Charloise ang kanyang marka sa braso, napasigaw na lamang ito ng, “Ay shet! Tats (Tattoo) na malupit na humahagupit!, Totoo ba lahat ng ito???” Sa sobrang pagkabigla, agad agarang itong naghubad sa harap ng salamin upang suriin kung may tats pa na lumabas sa kanyang katawan. At nang buksan ang zipper, agad itong nagulat nang may makita itong marka sa kanyang kinaingat ingatang bahagi ng kanyang katawan. Agad agad itong kumuha ng sabon upang itoy alisin. Kuskos dito kuskos duon. Agad na lang syang napatawa ng malakas nang mapagtanto nya na balat pala ang nakita nya sa kanyang kaingat ingatang parte ng kanyang katawan, “ Putragis naman eto oh,” wika nya kasabay ng malakas na pagtawa.

“Paano ko ito maitatago? Sobrang laki ng tats na ito sa aking braso, paano ko ito maitatago” kanyang sambit habang ito’y nakaharap sa salamin.

Sa kabilang dako ..

Habang nagkakape si Dr. Jaypian kasama ang isa sa kanyang tauhan ay muli itong inisilaysay kung paano nya lubos na nakilala si Zera.

“Lubos na matulungin itong si Zera lalo na sa kanyang ate na mamatay matay na manganak noon na si Romeskie. Alam mo ba tinawag na lang ako nung pumutok na ang panubigan ng kanyang ate. Sobrang late na at buti na lang nakahabol pa ako.”

ACADCB7F-6F98-4FFA-A707-2C11A96760EF.jpeg

Sa pagkaka alala ko, ako ay nakasisid nuon. Nakahiligan ko kase ang sumisid upang tumingin ng mga magagandang perlas. Ito ang naging kahiligan kasi namin ng aking itay, bukod sa medisina, ito ang kumbaga naging bonding naming dalawa , ang sumisid sa isang karagatan. Tyaka ayun nga sa pagaaral, ang pagsisid ay nakakagamot nga talaga. Oo gamot nga! Ito ay gamot kase sa uhaw ay este sa hika.” (At sabay nagtawanan ang dalawa.) Kwento pa nya, “Pagkarating ko sa bahay nila Romeskie, agad na bumungad sakin ang dalawang hita na nakatuwangwang at ayun nga, ako’y napasigaw ng “Aba! Ang laki laki!!” Oo, malaking ulo na ang nakita kong nakalabas sa kanyang pwerta. Ito ay agad agad kong hinila na tila pati ako ay napapa iri na rin dahil sa lakas ng sigaw ni Romeskie ng “Ahhh AHhhhh hindii ko na kaaayaaa! Ayan na lalabas na!!!” Walang tigil sa pagiiri kasabay ng mala monggo nyang pawis at duon na lumabas ang mala anghel na anak ni Romeskie. Nuong panahon na yun ako’y nagpasya na tulungan ang kanyang kapatid na si Zera dahil aking napagtanto ang pagiging matulungin na tao si Zera”

Sa gitna ng pagkwekwentuhan, biglang tumunog ang cellphone nyang NOKIA 3210 na may antena.

Rinngggg...

9FBD3AC0-15AB-450A-8634-3188C5C38C2C.jpeg

Tumawag si Zera upang ireport kay Dr. Jaypian na nakita nya si Charloise sa isang coffee shop. “Doktor, mayroon akong magandang balita! Mainit init pa! Nakita ko na po ang babaeng matagal mo ng hinahanap!” Wika ni Zera.
“Magaling magaling!” Kasabay ng pagtawa nito ng malakas “Sa wakas!!konting panahon na lang” wika ni Dr. Jaypian na labis ang kanyang tuwa na mangyayari na ang kanyang pinakahihintay na magkaruon ng anak na bikyu kay Charloise. Sabay itong napa cheers ng kanyang kape sa kanyang tauhan. “Alam mo? Sobrang swerte ko talaga sa anak anakan ko na ito” kanyang sambit sa kanyang tauhan.

Sa bayan ng Libas..

E05A0748-FB7C-43B2-9C60-842CE657CA86.jpeg

Alas tres ng hapon nang tumungo si Charloise sa isang manghuhula. Nais nitong malaman kung ano nga ba ang nais ihatid ng mga markang lumalabas sa kanyang katawan. Ito ay kanyang pinapasok sa kanyang munting tirahan na may isang bolang krystal sa gitna ng lamesa. Agad nyang pinaupo si Charloise at inumpisahan muna ito ng isang taimtim na dasal. Mga kamay nila ay pinatong sa bolang krystal habang nakapikit ang kanilang mga mata. Ilang sandali lamang ang lumipas, bigla na lang napabitaw ang manghuhula sa kamay ni Charloise.

5D229663-31E0-4373-A074-E531EB2E1F6F.jpeg

Ito ay balot na balot ng takot sapagkat isang kadiliman ang kanyang nakita sa kanyang pangitain. “Isang malakas na nilalang ang isisilang sa takdang panahon, isang nilalang na sasakop sa buong sanlibutan na magdudulot ng kasamaan sa mundo” sabi ng takot na takot na manghuhula. Mukhang ayaw ng ituloy ng manghuhula ang kanyang ritwal ngunit mapilit si Charloise kaya’t ito ay kanilang itinuloy. Sa gitna ng kanilang ritwal, isang babae ang nagpakita na unti unting nababalot ng marka ang kanyang katawan.

405BB0F0-E350-4758-A7EB-7E913BFDAAFE.jpeg

“Kailangan mong magingat! Magingat ka sa mga taong nakapaligid sapagkat ikaw! Ikaw ang magbubunga sa isang nilalang na kakatakutan ng lahat! Huwag na huwag kang iibig sa isang doktor! Pigilan mo ang iyong sarili, maraming nagmamatyag sa iyo sa lugar na ito kaya maari ka ng umalis sa ating bayan upang di ka na makita.” Wika nitong pasigaw kasabay ng pagkawala nito ng malay. Sa loob naman ng bolang krystal, isang imahe ang nagpapakita na tila may ibig sabihin at nais iparating. Hindi maintindihan ni Charloise kung ano yun, kaya pilit nyang binabangon ang manghuhula kung paano nya mahahanap yung doktor na kanyang sinabi ngunit ito ay nabigo. Kaya sya na ay nagtangkang umalis sa tirahan nito. Habang paalis na si Charloise biglang humangin ng malakas at biglang minulat ng manghuhula ang kanyang mata. Puro puti lahat ang nakikita sa mga mata nya na nagbibigay hudyat na mamamatay na ito dahil sa lakas na nawala sa kanya mula nang makita nya ang hinaharap. Habang bilang na hiningal nito, agad nyang sinabi na “Dalawa kayong itinakdang babae na may nakatagong asong lobo na may siyam na buntot sa loob ng katawan. Hanapin mo ang kakambal mo!”

Totoo kaya lahat ang mga sinabi ng manghuhula?
Ano kayang imahe ang nais magpakita sa bolang krystal?

ITUTULOY ..

Pinagkuhanan ng Imahe :
123456

Narito ang prompt para sa linggong ito.
Mga Karakter:
Hero: Charloise (didiskarte na siya sa susunod na kabanata, pramis!)
Villain: Jaypian Asalor at Zera.

Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakalilito sa mambabasa ang mga pangalan. ( Ang lumagpas sa 5 characters may poknat kay Junjun sa ruler at saka minus points sa buong team)

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

Slavery.
Tattoo.
Rescue.

Tema ng Tagalog-Serye:
Action, Sci-fi, Fantasy, Thriller, Suspense and Adventure.

Unang Pangkat
Username
@johnpd
@iyanpol
@czera
@chinitacharmer
@beyonddisability

Ikalawang Pangkat
Username
@twotripleow
@oscargabat
@blessedsteemer
@romeskie
@jemzem

SALAMAT PO SA PAGBABASA! 😊

4DDAAA26-9A3B-4DC8-A2F3-5234D12659F1.jpeg

Sort:  

Magandang pampainit ito boss haha. Sigurado ako mas mainit ang gagawin ni @blessedsteemer bwahaha

Umpisa pa lang grabe na kaagad ang eksena. Lupit haha.

Haha. Oo boss mainit init na parang pandisal na pwedeng isawsaw pa sa kape. 😂 si @blessedsteemer na bahala sa kasunod.

ang galing ng twist
nice manong

Salamat sir BD .😀

welcome
po manong

@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!

Hahahs mLupet talaga ..ggawin ko ang aking makakaya haha..😄😄

Kaya yan lodi. 😂💪🏽

Ito ang isa sa mga gusto namin nila @junjun-ph at @lingling-ph na parte ng #tagalogserye. Yung hindi namin talaga ine expect ang mga plot twist na nangyayari sa kwento hanggang sa ending maso solb lahat.

Nako may kakambal si Charlois. Sana madaling bigkasin ang kaniyang pangalan para naman di ganun kahirap ang magbasa.

Ginalingan! Pero di ko pa nababasa ang sa kabilang pangkat.

Wow! Maraming maraming salamat sir @toto-ph. Nawa’y ating abangan lahat ang magiging katapusan ng kwento.😁

Ibang perlas at pagsisid ang kinahiligan ng mag-ama. Hahahha. Oscar yata ang pangalan ng tatay ni Jaypian. Hehehhe.
Anyway, same tayo ng naiisip sa dulo manong. Ganoon din sana ang gusto kong mangyari. Pero basahin ko pa yung dugtong na kasunod nito kung mangyayari ang dapat na mangyari. 😁

Haha kaya nga di ko na pinangalanan eh Haha. Kaw na bahala Ma’am @jemzem. Alam ko naman na mapapaso kaming lahat sa init na magiging katapusan neto😂

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 103669.72
ETH 3277.33
SBD 4.08