Tagalog Serye IV: Ikatlong Bahagi ng Ikalawang Pangkat

in #tagalogserye7 years ago (edited)

Magandang gabi mga kababayan, narito po muli ang inyong lingkod @jamesanity06 upang tanggapin ang hamon ng #tagalogserye at upang irepresenta ang ikalawang pangkat.



Masukal ang paligid, walang ibang maririnig kundi ang mga huni ng mga kwago at mga kuliglig. Maririnig sa di kalayuan ang kaluskos ng mga dahon. Humahangos ang isang babae, tumatakbo sa kalagitnaan ng kadiliman, tanging ang liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing gabay. Maaliwalas ang kalangitan kaya matatanaw ang mga bituing nagniningning, tila mga dyamanteng matatanaw sa maaliwalas na kalangitan. Patuloy sa pagtakbo ang babaeng halos hindi na malaman kung saan kukuha ng hininga. Sa di kalayuan ay maririnig ang mga yapak ng hindi lang isang tao, di mawari kung ilan sila, maririnig din ang hagalpakan ng mga ito na wari'y tuwang tuwa sa kanilang ginagawa.

"Sige, takbo pa! Marami tayong oras para maglaro munting kuneho, takbo pa! Takbo!"

Kasabay nito ay hagalpakang pagtawa ng lalake at mga kasama nito, parang mga lobong sanay sa pangangaso ang mga kalalakihang tuwang tuwang tinutugis ang kawawang babae. Walang kalaban laban, puro sugat ang mga paa mula sa mga tinik na natatapakan at puro galos ang mga binti at braso mula sa mga sangang sumasagi sa kanya habang siya'y nagkukumahog sa pag takas sa mga kalalakihang tumutugis sa kanya.

Di nag tagal ay dama na ng katwan ng babae ang sobrang pagod mula sa pagtakas sa kanyang mga manunugis, batid ng isip nyang kailangan nya pang tumabok upan makatakas, ngunit hindi na kaya ng kanyang katawan. Pinili nyang magtago muna sa isang masukal na damo at nag dasal na sana'y si sya mapansin ng mga kalalakihang tumutugis sa kanya. Tinkip nya ang kanyang kamay ng mahigpit sa kanyang bibig upang pigilan ang mga hikbing nagpupumiglas mula sa kanyang nangangatal na mga labi. Pilit nyang pinapakalma ang sarili ngunit nangingibabaw ang takot at pagkasindak. Maya maya pa'y nandyan na ang mga yapak ng paang nagmamadali, humahangos din ang mga kalalakihang kanina'y tuwang tuwang naghahagalpakan.

"Saan na nagpunta yon? Nakita nyo ba!?"

Tanong ng tila'y pinuno ng mga kalalakihan.

"Diba magkasama tayo, kung nakita namin, edi sana di mo tinatanong kasi malamang nakita mo rin."

Pabalang na sagot ng isa sa mga kasama nito. Napikon naman ang pinuno nila at nilapitan ang kasamahang pabalang kung sumagot at kinuwelyuhan ito.

"Nakikipaglokohan ba ako!?"

Napipikon nitong tanong sa kasama. Sabay bigwas nito sa sikmura ng lalake, agad namang napalohod ang lalake at muntik nang maisuka ng lalake ang kinain nitong shawarma ilang oras na ang nakalipas.

"Pasensya na boss, nagbibiro lang."

Tila nagmamakaawang tugon nito habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Pipili ka ng oras ng pagbibiro sa susunod, kundi sa mukha mo na tatama yung sunod kong ibibigay sayo!!!" "Hanapin nyo yung lintik na babaeng yun!"

Utos nya sa mga kasama, habang siya din ay hinahabol ang kanyang hininga. Nakahinga ng maluwag ang babaeng nagtatago sa isang masukal na damuhan ilang hakbang lang sa pinagpahingahan ng mga kalalakihan. Tila nabunutan sya ng tinik dahil hindi sya napansin ng mga humahabol sa kanya. Inalis nya na ang kamay sa bibig dahil kumalma na sya ng kaunti at akmang magpapahinga na rin ng biglang...

"Crack"!!!

Nakatapak sya ng isang tuyong sanga na nasa likuran nya, di nya napansin ito sapagkat abala sya sa pagmamatyag sa mga lalakeng humahabol sa kanya.

"Diyos ko po!"

Sambit nito sa sarili habang dumadaloy ang mainit na luha sa kanyang maputlang pisngi, tila nilisan na sya ng kanyang buhay sa sobrang putla nya. Pinapakiramdaman nya ang mga nasa paligid nya, nanduon parin ang lalaking tila pinuno ng mga humahabol sa kanya, tila di parin nakakakuha ng sapat na hininga at nakayukong naka hawak sa mga tuhod at naghahabol ng hininga.

Ng biglaang mag sumunggab sa kanya mula sa likuran, ang lalaking tila pinuno ng mga tumutugis sa kanya at nagpapanggap palang di pa makakilos at naghahabol ng hininga upang di nito maalarma ang babeng nagtatago sa masukal na tumpok ng damo sa malapit, habang ang isang kasamahan nito ay maingat na naglalakad papalapit sa kinaruroonan ng babae. Sinubukan ng babaeng magpumiglas ngunit di pa nanunumbalik ang lakas na naubos dito mula sa tila walang puknat na pagtakbo buong gabi. Sinubukan na nya ang lahat, sumipa-sipa, magpapadyak, sinubukan din nyang hampasin ng mahihinang mga bisig ang dibdib ng lalake, ngunit parang sinapian ng kung anong pwersa ang lalake at tila napakalakas nito. Ilang sandali pa ay nakangising lumapit ang tila pinuno ng mga masasamang loob. Hinawi ang kanyang buhok at nagpunas ng pawis sa noo sabay sabing...

" Sabi ko naman sayo munting kuneho eh, di ka makakatakas sa amin. Sabi ng mga magulang ko noon, masama daw pinaglalaruan ang pagkain bago kainin. Pero anong magagawa ko? Bad boy ako eh, di sumusunod sa sinasabi sakin."

Pagkasabi nito'y akmang nakakalahating luhod ang lalake sa lupa, isang tuhod ang nakasayad habang ang kabilang paa'y naka tapak sa lupa. Inilapat nito ang likod ng kanyang palad at marahang hinaplos ang mukha ng dalagang basang basa sa sariling luha. Unti-unti itong gumagapang patungo sa leeg at papuntang batok, sabay pwersang inilapit ang mukha ng dalaga sa sariling mukha.

"Wala ka pa karanasan diba? Maswerte ka, di malilimutan ang una mong karanasan, makakaasa ka."

Sabay ang malutong na hagalpak. At ang kabilang kamay naman ang dahan-dahang gumapang sa ilalim ng saplot na pang itaas ng babae. Dahan-dahang nilalasap ng mga palad ng lalake ang makinis at balingkinitang katawan ng dalaga, hanggang sa makarating ito sa bandang dibdib. At sumandaling nagbabad duon ang kanyang magaspang at malalaking mga palad, dahan-dahang pinipisil ang kalambutan ng dibdib ng dalaga. Tila napatid ang hininga ng dalaga nang biglang pwersahang hinila ng lalake ang pang ilalim na saplot ng dalaga sa dibdib. At tuluyan nang naganap ang kawalanghiyaan sa kawawang dalaga. Walang ibang marinig sa kapaligiran kundi ang mga atungal ng dalaga habang nalinhinang siyang pinagparausan ng mga walang kaluluwang kalalakiha. At bago nawalang ng malay ang dalagay mayroon itong pangalang marahang sinambit...

"Leo..."



Kasalukuyan...

Biglang napabalikwas si Leo mula sa pagkakaupo, naka tulog pala sya sa kanyang lamesa habang naka-upo at kaharap ang sandamakmak na mga papel patungkol sa mga nangyaring pagpatay sa kanilang nasasakupang lugar, tumayo sya at akmang magtitimpla ng kape nang bigla syang may maalala. Dahil sa mga kaganapan, di maiwasan na bumalik sa alala ni Leo ang karumaldumal na sinapit ng kanyang mahal na kapatid.

Sa sobrang pagod sa trabaho at pangungulila sa kanyang kapatid, nag pasya si Leong umuwi na lang ng gabing iyon, at tuluyan nang magpahinga sa kanyang tinutuluyan.

Habang nakahiga sa kanyang higaan at pili ni Leong pinipigilan ang antok, ayaw nyang matulog, ayaw nyang makita ang panaginip na iyon, ayaw nyang makita ang mga imahe na pilit pinapakita sa kanya ng mga panaginip nya...



Itutuloy


BILANG NG SALITANG GINAMIT: 1,189

Pinagkunan ng larawan: 1 2 3

Mga Karakter
Bida: The Reclusive Genius: Intelligent pero anti-social.( ang makisig na si Leo)

Kontrabida : The Monstrous Adolescent: May taglay na malakas na kakayanan pero lubos na mapanganib.(abangan)

Elemento sa Kwento na ginamit :

Diamond (Elegance, Wealth)

Mga kasali


UNANG PANGKAT

@twotripleow lunes
@chinitacharmer martes
@cheche016 miyerkules
@jemzem huwebes
@johnpd biyernes
IKALAWANG PANGKAT

@itsmejayvee lunes
@romeskie martes
@jamesanity06 miyerkules
@julie26 huwebes
@tpkidkai biyernes

Sort:  

Ibang klase! Pati ako pinagpawisan! At pati ako napa "Diyos ko po!"

Ang galing olodi @jamesanity06!

Lubos akong natutuwa at nagustuhan mo @romeskie ang aking maliit na handog at kahibangan. Hahaha, salamat sa pag basa.

Holy shit James. Girl ang kasunod mukhang maiiba hehe. Kung ako kasunod mo pagpapatuloy ko ang magandang sinimulan bwahahahahahaha. Swerte ng mga lalaking yun.

Nyahahaha, maraming salamat boss @twotripleow at nagustuhan ninyo ang aking mainit na eksena. Pinagpawisan ako sa pagsusulat nyan kakahabol ng oras, aircon na nga sa kwarto baskil parin, nyahahaha...

Hindi lang gusto boss gustong gusto boss James. Sa tingin ko hindi ka lang naginit may nagalit pa haha tapos alam na this. At saka walang ano man. Sa uulitin ulit hehe.

Maraming salamat sa upvote @bayanihan.

Ang galing mo sa "imagery" James! Feeling q talaga andun aq sa pangyayari eh! Isa ka ring #mabusising manunulat! At lang yang kahoy yan! Saklap ng nangyari kay ate! 😭

Maganda rin ang development ng mga pangyayari sa pangkat nu. Makakapag isip ka talaga qng sino at bakit siya pumapatay, at kung bakit may ganung panaginip si Leo. Bakit nga ba? May koneksyon ba un sa patayan? Hmmmm may theory aq. Kaabang abang to!

Hahaha, salamat naman at nagustuhan no ang aking munting akda @chinitacharmer, at isang karangalan na mapuri ng isa ring mabusising manunulat kagaya mo.

parang andun ako sa pangyayari. Napipiit ang hininga ko eh

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.19
JST 0.033
BTC 89479.36
ETH 3038.26
USDT 1.00
SBD 2.80