Ika-5 Hamon: Ang Hiwaga ng Atlantika - Ikalawang Bahagi

in #tagalogserye7 years ago
Magandang gabi mga kababayan at mga katropa sa tambayan ni@toto-ph, ako si @jamesanity06, kabilang sa ikalawang pangkat para sa hamon ng dutungan na maghahatid sa inyo ng ikalawang bahagi mula sa aming pangkat. Nawa'y inyong magustohan ang aking munting handog para sa araw na ito.


Ang Nakaraan...


Nagkaroon ng isang pagdiriwang sa kaharian ng mga sireno at sirena, ipinagdiriwang nila ang ika-labing walong kaarawan ng Prinsesa ng kaharian na si Prinsesa Darina. Dumalo sa pagdiriwang ang karamihan sa mga mamayan ng Atlantika kabilang na ang kabiyak ng prinsesang si Aenon, at ang tila may binabalak na hindi magandang si Sabina.

Dito maaaring basahin ang unang bahagi ng kwento mula kay @cheche016 Ika-5 Hamon: Ang Hiwaga ng Atlantika - Unang bahagi



Di pa sumisikat ang araw, nag gayak na si Marco upang sumabak sa isa nanamang araw ng pamimingwit. Inihanda nya na ang mga taga, pain at paglalagyan ng mga isdang mahuhuli, maganda ang pakiramdam nya sa araw na ito, tila bang tiyak siyang makakarami siya kahit hindi naman talaga nya kailangan ng maraming huli dahil bukod sa mag-isa lang sya sa buhay, ay payak lang ang pamumuhay ni Marco. Kasama nya sa bahay ang kanyang alagang si Lala, isang pusang ubod ng puti at tila nauunawaan sya nito. Tuwing dumarating si Marco mula sa kanyang pangangawil ay masigasig na naka abang ang kanyang mahal na alagang pusa sa kanilang bintana, at tuwing makikita sya nitong parating ay sasalubungin sya nito at panay ang lingkis sa kanyang binti. Masaya na si Marco sa kanyang payak na pamumuhay, pag may sobra sa kanyang nahuli ay ipainagpapalit nya ito sa bigas kay aling Toyang na syang nagmamay-ari ng tindahan sa tawid nila Marco at matalik na kaibigan ng kanyang yumaong ina.


Nang makarating si Marco sa kanyang paboritong lugar para mamingwit ay nakasikat na ang araw, at tila ba parang binuhusan sya ng malamig na tubig sa kanyang nakita. Nagulat sya sa dami ng taong naroroon, di nya inaasahan na may ibang makakaalam ng kanyan paboritong lugar kaya nag usisa sya at nag tanong-tanong. "Boss, anong meron? Bakit parang ang daming tao, saka, parang ngayon ko lang po kayo nakita dito>" tanong nya sa isang lalakeng nagmamando sa mga taong nakahanay sa pangpang, "Ah! Yan? Wag mo kami intindihin, saka pasensya ka na kung nakakaabala kami, may shooting kasi, at ito yung pinaka magandang lugar para kunan ng eksena sa gagawin naming pelikula, pero wag ka mag alala, baka mga bandang hapon pack up na rin kami." tugon naman ng mamang pinagtanungan ng binata.


Walang nagawa ang binata kundi kamot ulo na lang na umalis sa kinaroroonan ng mga taong labas at padabog na naghanap ng bagong lugar na paupwestuhan. Napag pasyahan niya lumugar sa isang tahimik pwesto at malayo sa mga taong ubod ng ingay sapagkat alam nyang mabubulabog ang mga isda sa ingay ng mga nandoon sa di kalayuan. Tyempo naman at nakahanap sya ng isang tahimik na luar, agad nyang inayos ang kanyang mga gamit sa pamimingwit, upuan at ang kanyang paglalagyan ng mga sariwang huling isda. Pasipol-sipol pa ang binata habang naghihintay na may kumagat sa kanyang pain nang makarinig sya ng isang tunog. "Pssst!" ika ng tunog. Nagpalinga-linga ang binata sa kanyang paligid ngunit wala syang makitang ibang tao roon maliban sa kanya. "Pssst!" mas malakas pang tawag ng kung sino o ano kay Marco.

Tarantang tumayo sa kinaroroonan ang binata upang igala ang kanyang paningin sa kung saan nanggagaling ang tunog, ngunit wala sayang ibang makita sa ikalawang pagkakataon. At kabado syang bumalik sa kanyang kinauupuan mnang biglang *"Pssst. Hoy dito!"* ika ng isang tinig kay Marco, nang mabaling ang paningin ng binata sa kinaroroonan ng tumawag sa kanya ay nagulat at nanlaki ang mata ng binata. At dahil sa labis na pagkagulat ay nawalang siya ng balanse at nahulog sa tubig. bagamat mahilig mahilig mamingwit ang binata, sa kasamaang palad ay hindi ito marunong lumangoy kaya unti-unting lumubog ang binata sa kanyang kinahulugan.

Habang dahan-dahang lumulubog si Marco, natatawang naiinis sya sa kanyang sarili, "Maswerte pala ngayon ha, Marco?" "Swerte nga siguro kasi makakasama ko na sina Mama at Papa pag namatay ako dito, palagay ko maswerte parin nga ako." at unti unti nang nawawalan ng malay ang binata habang tuloy-tuloy ito sa pag lubog sa tubig. Ngunit bago pa sya tuluyang mawalan ng malay tao may kung anong humawak ng mahigpit sa kanyang kamay at hinihila siya nito paitaas, pinilit ni Marco imulat ang kanyang mga mata ngunit ang naaninag nya na lang ay isang mala-anghel na mukha ngunit hindi ito isang anghel dahil mayroon itong buntot ng isda, isa itong sirena, at tuluyan nang nilisan ni Marco ng ulirat.


Ikinurapkurap ni Marco ang kanyang mga mata, pinilit alalahanin kung ano ang huling nangyrai bago sya nawalan ng malay, naalala nyang may magandang mukha syang nakita. At may nagpupumilit bumalik sa kanyang alaala, buntot, buntot ng isda. "Nakakita ako ng sirena? Hindi, hindi lang ako nakakita ng sirena, niligtas ako ng sirena!" sambit nya sa kanyang sarili na nangingiti ngiting hindi makapaniwala sa kayang naranasan. "Pero hindi ko ito pwedeng ikwento kina aling Toyang, baka isipin nila may toyo na ako't nasisiraan." tugon nya sa kanyang sarili. "Edi ipakilala mo sila sakin, para maniwala sila." sabat naman ng isang boses. "Oo nga noh, dalhin ko kaya sila aling Toyang dun sa may pinaghulugan ko baka sakaling magpakita ulit yung sirena." sabi ni Marco sabay panlalaki ng kanyang mga mata habang dahan-dahang lumilingon sa kanyang tabi. Walang salitang makalabas sa bibig ng binata at napanganga na lang ito sa napakaganda at napaka maalindog na nilalang sa kanyang tabi. "Kamusta taga-lupa? Hindi kita maiwan baka tangayin ka ng alon eh, kaya hinintay kitang magkamalay, ako nga pala si Sabina." sambit ng ubod ng gandang sirena habang nakangiti sa hanggang ngayon ay tulala paring mukha ng binata.

Itutuloy...


Patawarin po ninyo ako kung medyo bibitinin ko muna kayo, umaasa po akong susubaybayan po ninyo ang mga sususnod na kaganapan na ihahatid sa inyo ng aming mga nalalabing mga kagrupo. Muli po maraming salamat sa inyong pag tangkilik sa aming mga gawang pinoy, at maraming salamat din po kay @tagalogtrail sa patnubay nila @toto-ph, @lingling-ph at Junjun para sa patimpalak na ito.

Narito ang prompt para sa linggong ito.

Mga Karakter
Bida : The Siren: Darina - sweet, mabait at magandang sirena
Bida (rin?): Marco, ang ulilang taga lupang mahuhulog pa yata ang loob sa isang sirena.
Kontra-bida : Hindi pa alam if si Sabina nga ba.

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
Cat
Body Painting/Tattoo
Revenge

Tema ng Ika-Limang Serye: Pantasya

Unang Pangkat

@cheche016 - Huwebes
@jamesanity06 - Byernes
@johnpd - Sabado
@romeskie - Linggo

Ikalawang Pangkat

@twotripleow - Huwebes
@chinitacharmer - Byernes
@jemzem - Sabado
@jazzhero - Linggo

Pinagkunan ng mga larawan 1, 2, 3, 4, 5, 6

Bilang ng mga salitang ginamit: 1,181


©@jamesanity06

Sort:  

yung kumain ka sa Inasal pero walang extra rice
Nakakabitin nalalarawan sa isip ko yung binabasa ko haha
Antayin ko yung kadugtong

Maraming salamat naman at nagustuhan mo itong aking munting akda @beyonddisability, at oo, hilig ko talaga mag hain ng nakakabitin na gawa, baka sakaling balikan pa nila ako, di gaya nung bibigay ko lahat kay ex, di na ako binalikan, kaya ngayon nagtitira na ako ng kaunti para may rason kayo bumalik... XD

ang lalim ng hugot umabot sa Marianas Trench.
pero tama nga naman. mag iwan ng para sa sarili mahirap magsimula ulit kapag iniwan ka at dinala nya lahat kahit yung pagkatao mo :)

Nakakabitin nga! Hahaha. But engaging enough for readers to want more! And as usual you are really good at painting vivid pictures into ur reader's mind. 👍👌

Yung feeling na napuri ka ng lodi mo, ahahaha, panalo na kagad...

Waaah. Nakakahiya James 😅 Pero salamat. ☺


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you so much @c-squared for dropping by, upvoting and re-steeming my post.

Ayos yun development ng kwento at yun pagdugtong ng bagong karakter. P.S. Parang ang ganda ng olodi banner pag nakalapag na sa post XD

maganda nga sya lodi @jazzhero, at salamat kay @toto-ph at Junjun sa magandang banner. Nyahaha...

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.24
JST 0.039
BTC 103278.83
ETH 3265.94
SBD 5.82