TAGALOG SERYE X: Ikatlong Bahagi ng Ikalawang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Upang mas maunawaan po ninyo ang akdang ito pakibasa po ang mga naunang akda

larawan po ito ni @toto-ph

Ang Nakaraan

"Tama na yan! Ang dami-dami na natin problema dadagdagan niyo pa!" sigaw ni Vita sa magkapatid.

Bumigat ang dibdib ni Vita, at ito ay nawalan ng malay.

Sa pagpapatuloy

"Anak, gising na. Aalis na si tatay tulog ka pa rin", mahinahon na wika ng isang lalaki
Dahan-dahang bumangon si Ineng matapos na marahang buksan ang mga mata. Kumislap ang mukha ng dalagita dahil nasisilayan niya ang mukha ng kanyang ama. Buong pagtataka man niyakap niya ito,
"Itay aalis ka na naman. Kelan mo ako tuturuang lumangoy?"
"May tamang panahon para diyan. Hayaan mo at balang araw mas madalas na tayong magkakasama. "Pero hindi pa ngayon. May pupuntahan si tatay pero sa pupuntahan ko palagi ko kayong kasama dito sa puso ko", wika ni Oscar at itinapat ang palad ng anak sa kanyang dibdib. "Sa ngayon ang mga kuya mo muna ang magtuturo sayong lumangoy", sambit ni Oscar habang hinahaplos ang buhok ng anak.
"Tay bumalik ka kaagad ha", pagsusumamo ni Ineng
"Aalis ako pero hindi ako mawawala. Damhin mo ang tibok ng puso mo, mararamdaman mo ako." wika ni Oscar at siya'y tumayo tungo sa pintuan ng kwarto patungo sa labas. Kay aliwalas ng kanyang maamong mukha

"Tintatawagan ang bantay ni patient Carina Celerio. Magtungo po kayo sa I.C.U."
"Tintatawagan ang bantay ni patient Carina Celerio. Magtungo po kayo sa I.C.U."

Pumailanlang ang tinig ng nurse on duty sa bawat speaker ng ward. Nagsimula ng mataranta si Raprap. Ang ina niya ay dinala sa emergency room. Si Pol ay naka-confine sa ward at bakit pinapatawag sila sa kwarto ni Ineng.

Sa maiksing saglit bumaliktad ang kanyang mundo. Pinanghihinaan siya ng tuhod. Gusto niyang lumunok pero tila siya ay sinasakal. Halos malunod siya sa di maampat na agos ng luha. Gulong-gulo. Litong-lito.

"Kuya"garalgal na boses ni Pol. "Puntahan mo si Ineng. Ako na ang bahala kay Inay.
Pagkarinig nito, dali-daling tinahak niya ang landas patungo sa I.C.U.

Pagpasok sa ICU ang bumulaga sa kanya ay ang kumpulan ng mga doktor at nars sa kama ni Ineng.
"How did it happen?", wika ng isang boses
"That is medically impossible", pagkamangha ng isa pa
"We need to document this!"

"Ako po yung bantay ni Carina Celerio. Ako po iyon.Ano po nangyari sa kapatid ko", sigaw ni Raprap.
Lahat ng mata ay tumungo kanya.
"Kuya Rap, Kuya nakikita na kita",
"Ineng, Ineng" hinagkan niya ang kapatid sa noo. Nakikita mo ba ako talaga?" magkahalong gulat pagkamangha. Sa gitna masidhing lungkot nagawa nilang ngumiti.
"OO kuya nakikita kita"
Tinitigan ni Raprap sa mata ang kapatid at tila niya nakita ang mga mata ng kanyang ama
"Si Itay, hanggang dito hindi tayo pinapabayaan ni Itay.
Ang mga luha nila na kanina pa umaagos ay tila di mapatid-patid. Nilulukuban man sila ng trahedya ngayon nagkaroon pa rin ng dahilan para magalak.

"Sir, we need to check your sister. Touching her this much may still cause infection. We need you to cooperate with us. Please go back to the ward and we will call you again. We need you to sign this waiver for the test your sister needs", litanya ng Senior Doctor ng ospital.

Ineng, babalik si kuya ha. Babalik ako .
Dama man niya ang pagkapagal ng kanyang katawan ay kumaripas naman siya ng takbo sa emergency room.

"100 joules ready set"
"patient is not responding"
"150 joules, and go"
"patient is not responding , heart beat is dropping, respiration is almost zero, pulse rate is going down"
CPR guys we need CPR
"time of death 7:43pm'

Ito naman ang eksena na bumulaga kay Raprap sa emergency room. Nakita niya si Pol sa isang sulok at dinadagukan ang dibdib

"Kuya si Inay, iniwan na rin nya tayo", humahagulgol at pautal-utal na wika ni Pol.
"Totoo ba ito. Gusto kong masapak at di makaramdam ng sakit para masabing nanaginip lang ako. Pinagloloko mo ba ako", wika ni Raprap sa isip habang sinasalat ang kwintas na may pendat na krus.
Paisa-isang hakbang. Tila may tanikala at ginapos siya. Hindi nya maigalaw ang mga paa. Parang bumibilis ang takbo ng paligid. Kinakausap siya ng doktor pero hindi nya marinig kahit kaharap niya ito. Ang umaalingawngaw sa kanyang tainga ay ang hibik ni Pol. Palakas ito ng palakas. Parang nung mga bata pa sila kapag napagtanto nyang aalis ang mga magulang nila at hindi sila kasama. Lumapit sya sa bangkay ng ina. Gamit ng hintuturo sinalat niya ang pulso sa leeg sa ilalim ng panga. Yung mga luhang di mapatid ay bumuhos na parang bagyo.

"Inay, bakit di mo ako inintay. May ibabalita ako sayong maganda tungkol kay Ineng", wala ng lakas na sabi ni Raprap. Napaluhod na lang sya sa gilid ng kama.

Nahulog ang kanyang cellphone at bumungad sa kanya ang huling text ng kanyang ama. Ito ang mensahe ng kanyang ama matapos nilang mag-usap isang araw bago ang Anibersayo ng mga ito.

"Anak miss ka na ni tatay. Sobrang abala nating dalawa. Sana makadalaw ka kahit sa weekend. Pakituruan mo naman na lumangoy si Ineng. Sa inyong magkakapatid ikaw lang ang naturuan ko. Bukod sa akin ikaw lang makakapagturo kay Ineng na lumangoy. Iintayin ka namin. "
7:43 pm.

Napasalampak siya sa sahig. Habang hawak ang lumalamig ng kamay ng ina. Nakatitig siya sa mensaheng iyon na unti-unting pinapalabo ng mga luhang humaharang sa kanyang paningin.

"Si Pol ba dapat ang sisihin ko sa lahat ng ito. Kung umuwi ako at tinuruan si Ineng lumangoy, mangyayari kaya lahat ng ito?" naghihinagpis at nagugulumihanang pagkongklusyon ni Raprap.

Samantala, sa isang sulok, paulit ulit na umaalingawngaw sa isip ni Pol ang winika ng ina... ang palagi nitong bilin.

"Pol anak, ikaw na ang bahala kay Ineng, alam mo naman na sa kalagayan nya ay dapat na may gumagabay sa kanya. Walang ibang makakatulong sa kanya kundi ikaw. Kapag dumating ang panahon na wala na kami ng inyong tatay kayo na lang ang aasahan ng isa't isa. Tandaan mo, hindi madali ang buhay, kaya dapat ay palagi kayong handa".

Riiinnnggg... Ringggg... Ringgg....

Tatlong beses nag-ring ang selpon ni Raprap bago ito nasagot.

"Hello Tay!" pagkasagot ni Raprap sa selpon.

"Hello, anak! Musta ka na diyan?" pangungumusta ni Oca sa anak.

"Okay naman Tay. Oo nga pala Tay. Mahihirapan po akong makauwi bukas sa anibersaryo niyo ni Inay. Kas- KASI- KASI. Indi tay pupunta po ako magleleave ako sa trabahong isang linggo at tatapusin ko po yung project ngayon araw para makabyahe ako mamayang madaling araw. Darating ako tay darating po ako. Intayin nyo po ako.

"Nak ayos ka lang ba, bakit para kang natataranta. Pero mabuti yan anak. Miss na miss na ni tatay ang panganay niya."

"Darating ako tay, at tuturuan kong lumangoy si Ineng"

"Salamat anak, paano ako ay magsisimula ng magtrabaho"
Mahal na mahal ko po kayo. Pakumusta po kay inay, pati kay Pol at Ineng. Happy Anniversary po."

"Sige anak. Bye."

"Sige po itay."

Naghilamos si Raprap sa banyo at sinasapo ang sarili kung gising na nga ba siya. Panaginip lang ba ang lahat?

Makalipas ang ilang araw

"Pol gising! Bumangon ka na! Mahuhuli na tayo sa paaralan! Wika ni Ineng habang niyuyugyog ang kanyang kakambal.
"Heto na! Babangon na!. Masyado ka namang excited. Porke huling araw ngayon ng eskwela." sagot ni Pol habang pupungas-pungas pa.
"Siyempre. Kasi pagkatapos nito bakasyon na at matutuloy na ang pagtuturo sa akin ni tatay na lumangoy. Naalala mo ba ang pangako nya sa akin?" Usisa ni Ineng.
Napangiti na lamang habang umiiling ang kakambal.

"Bakit parang nangyari na ito?" wika ni Pol sa sarili

...

"Nay, aalis na po kami." Pagpapaalam ni Pol.
"O sya mga anak, mag-iingat kayo sa daan. Gagalingan ninyo palagi sa paaralan." ika ni Vita sabay halik sa magkapatid. Ngunit bago pa tuluyang makaalis ang magkapatid...
"Pol , ikaw na ang bahala kay Ineng, alam mo naman na sa kalagayan nya ay dapat na may gumagabay sa kanya. Walang ibang makakatulong sa kanya kundi ikaw. Kapag dumating ang panahon na wala na sila inay at tatay tayo na lang ang aasahan ng isa't isa. Tandaan mo, hindi madali ang buhay, kaya dapat ay palagi tayong handa". Pagpapa-alala ni Raprap sa kanyang kapaitd.

Napakunot ng noo si Pol. "Parang nangyari na ito"

...

Kinabukasan ay maagang nagpunta sa dalampasigan ang magkapatid. Nagtatakbuhan at naghahabulan sila sa buhanginan habang hinihintay ang kanilang ama. Ilang minuto pa ang lumipas, natatanaw na nina Ineng at Pol ang isang pigura ng matipunong lalaki. Hindi ito ang kanilang ama kundi ang kanilang kuya Raprap.

" Nasaan si itay" Ika ni Ineng
"Bunso, ipagpaumanhin mo ngunit hindi ka matuturuang lumangoy ngayon ni Itay, bigla siyang ipinatawag sa trabaho. Kailangan na kailangan siya ngayon doon." Malungkot na pagbabalita ni Raprap kay Ineng.
"Ang daya mo naman ni itay, Mas importante pa ba ang trabaho mo kaysa sa atin? Palagi na lang walang oras." pagtatampo ni Ineng. Hindi na nakasagot si Raprap sa kanyang kapatid na mabilis na tumakbo papalayo na sinundan naman ng kanyang kakambal.

  • Anong nangyari?
  • Bakit naulit ang mga pangyayari, pero may ilang detalyeng nabago?
  • Mababago rin kaya ang mga susunod na mangyayari?
  • Makakailang gold medal kaya ang team Pilipinas sa Asian games?
  • abangan nyo po bukas ang karugtong at wakas ng kwnetong ito sa panulat ni lodi @oscargabat

  • Sana naintindihan nyo po yung flow ng kwento.
  • Pinush ko talaga. (ikalawang pangkat lang ang nakakaalam, churi po)
  • Paumanhin manong @oscargabat
  • Pusta ako magagawan mo ito ng napakagandang ending
  • bilang ng salitang ginamit: pakibilang na lang po
  • dahil sinimulan ng walang larawan, dinugtungan ko rin ng walang ibang larawan :)

Prompts

Tema : Inspirational Drama

Mga Elemento na kailangang makita sa kwento

  • Dilemma ng mag-asawa

  • Pangaral ng magulang sa mga bata (quote or proverb na bibitawan at ipapaliwanag sa kwento)

  • May mangyayari sa isa sa mga anak nila na magiging turning point ng kanilang buhay

Tragic ending

Mga Kasali

Para sa unang grupo

Miyerkukes - @jemzem
Huwebes - @mrnightmare89
Biyernes - @blessedsteemer
Sabado - @twotripleow[DeShawn Tragnetti]

Para sa ikalawang grupo

Miyerkules - @czera
Huwebes - @iyanpol12
Biyernes - @BeyondDisability
Sabado - @oscargabat
vszs12qtr3.png

Sort:  

Ang husay nito, BD! Lalo kong nagugustuhan ang daloy ng kwento. Dama ko ang pagkakaisa ng mga ideya kaya naging ganito kaganda ang takbo. Tapos 'yung pa deja vu, bet na bet ko rin. Pero dahil tragic ang ending, kailangan nang ihanda ang tissue sa magiging ending nito. 😭

maraming po lodi @jemzem. magaling sumulat yung susunod sa akin.
naaeexcite na ako paano nya ito tatapusin

Omg! Ang galing nang naulit na sandali haha. Bakit naulit? Anong nangyari? Kaabang abang BD! Lalo kang gumagaling sa pagdaan ng mga araw. 😍

maraming salamat boss mam haha.
si manong na magpapaliwanag ng lahat :)

Aba.... talaga nga namang pareho ang kapalaran ng mag-asawa. Achieve na achieve @beyonddisability. Napa-OMG ako sa pagkamatay ni Vita. 😭

Naeexcite ako sa ending ni manong @oscargabat.

Posted using Partiko iOS

magaling si manong sa ganitong tema
may ginawa syang tula noon tungkol sa medalya grabe di ko yun makakalimutan :)

Malaking challenge to ngayon sakin. Naku po! Parang nagsisi ako ngayon na ako ang magtatapos ng istorya! Haha boss BD, ginalingan mo kase masyado. 👍👍 pero gagawin ko pa rin ang aking makakaya mabigyan lang ng hustisya ang kwento. Salamat sa pagpapahirap sakin boss BD. Hahah👌NAYSWAN!

naku for sure yakang-yaka mo ito manong lodi
sabi ko nga may tula kang ginawa noon tungkol sa medalya
ang lakas ng hugost nun ..tiyak mai-aapply mo iyon dito :)

I-play yun background music na Sana Maulit Muli! Kakaiba ang takbo ng pangyayari. Pero ang pinakanagustuhan kong bahagi ay yung sandaling nakakita muli si Ineng. Yang naulit na ang lahat - sana may magturo na sa kanya na lumangoy XD

iiawanan ang ibang bahagi kay lodi manong @oscargabat :)
tiyak na magagawan niya ito ng magandang kadugtong :)

Hello.😊

Congratulations @beyonddisability, your post has been featured at Best of PH Featured Posts.

You may check the post here.😉

wow thank you so much @bestofph :) :) :)

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 96907.08
ETH 3380.66
USDT 1.00
SBD 3.23