Panaginip

in #tagalogblog6 years ago


image source

Paniginip..Minsan maganda, minsan hindi, minsan nakakatakot at minsan nakakaiyak, minsan din nakakalito, minsan naman parang totoo..Bakit nga ba may ganito?? May panaginip din na parang ayaw mo ng magising, ang masaklap minsan gusto mong mapanaginipan ang isang tao pero di nangyayari..Bakit ganun, gaano man kaganda o hindi kaaya-aya ang panaginip, napansin mo ba na pag gising mo 10% lang ng panaginip mo ang naaalala mo?? Yung 90% ang magiging sagot mo na lang ay EWAN di ko naalala..Ang creepy lang noh? parang ung kaluluwa mo, umaalis sa katawan mo, at gumagawa rin ng sariling kwento..😀 parang naglalakbay din, at sa bawat paglakbay nya, meron ding mga negatibong nangyayari kaya minsan akala mo tumatakbo ka, napapaihi ka, napapaiyak, minsan para kang nahulog at minsan naman gusto mong humingi ng tulong...
Totoo ba ang mga panaginip?? Minsan kasi may mga pangyayari sa buhay na parang masasabing mong nagyari na, o minsan parang nakita mo na, di mo lang alam kung saan.
Maraming kasabihan ang panaginip, pero para sa akin ang panaginip ay isang paalala...Kung magandang panaginip, masasabi mong ang sarap mabuhay. Kapag hindi maganda, well ikaw mag decide sa sariling buhay..lumayo ka sa kapahamakan at mabuhay ka ayon sa iyong kagustuhan.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.28
JST 0.042
BTC 104621.15
ETH 3895.38
SBD 3.29