Tagalog poetry "Sugat"

in #tagalog-poetry7 years ago

Sugat

Sa pait lalong naghihigpit
Sa sakit lalong pumapait
Sa pagpikit lalong sumisikip
Sa pagpilit lalong naiipit
Pusong nasanay ng paghagupit
Di inaasahang paglapit
Sabay layo at kumapit
Sa kahit anong bingit
Na nagbibigay ng magandang pagsapit
Ng araw nagbibigay awit
Sa pusong nasugatan at namanhid
Sadyang napakalupit
Sa tulad ng ganitong sinapit
Puot at takot ang bumatid
Lungkot ang syang unang gumamit
Sabay sa paglipad ng galit
Ang pagpapatawad ang sadyang malupit
Kahit di mo kaya ngunit
Utos ng Diyos ang mananaig

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.24
JST 0.033
BTC 92022.75
ETH 2504.18
USDT 1.00
SBD 0.67