Fears In Love: Part 3 of 15 (Real Boss)

jpg_20220212_192227_0000.jpg

Brielle’s POV

Napaisip ako sa sinasabi ni Sir Dwayne. Oo nga at nasa 22 na ako pero bakit hindi ko pa rin maranasan ang mainlove?

Siguro kung hindi ko nakita kung paano nasaktan ang papa ko at ang pinsan ko, siguro mas madali lang sa akin ang magmahal. I admit I have some suitors but I'm not entertaining them.

“Oh? What, baka malunod ka sa lalim ng iniisip mo.” I sighed when I heard Mr. Vice President voice.

“2 o’clock later, you’ll be meeting with your first client from Isabela sir. Meeting place at Quins Restaurant.” iyon na lamang ang sinabi ko at tinignan si Sir Dwayne na kanina pa pala naka tayo sa harap ng table ko.

“Okay. You say so.” aniya at naglakad papuntang table niya.

png_20220128_032626_0000.png

Lumipas ang oras at nandito na kami sa Quins Restuarant, hinihintay ang client from Isabela.

“Mukhang napaaga tayo sir.” sabi ko habang tinatanaw ang eleganteng restaurant. Hindi lang sa loob nito ang may kagandahan. Pati rin sa labas, park yata to?

“It’s okay, nasanay naman na akong maghintay.” aniya habang naglalakad kami patungong reservation table.

Nauna siya sa akin at pagdating don ay inayos niya ang upuan at iminuwestra ito sa akin.

“Huh?”

“Huh?” pang gagaya niya sa tono ng pananalita ko “Sit? Will you?” aniya habang inaalalayan niya ako.

“Sir naman. Hindi mo naman ako kelangang i assist.” sabi ko at padabog na umupo.

“Tignan mo to, tinutulungan na nga’t ang dami dami pang sinasabi.” pabulong niyang sabi habang umuupo.

“Tsk tsk. Sir, rinig kita jan.” sabi ko habang nakatingin na sa kanya.

May isang seat pa para sa client pero wala pa siya hanggang ngayon. Ilang sandali pa ay may tumawag kay Mr. Vice President.

Inabala ko naman ang mata ko sa paglingalinga sa paligid. Maraming tao at mukhang mayayaman din ang mga nandito.

Pero bigla akong natigil sa isang babaeng naka black dress, may hawak na purse at mukhang may tinatawagan, nakatalikod ito kaya hindi ko nakita ang mukha niya.

Umiling nalang ako at nag patuloy sa pag gala ng mata. Napapadalas ata ang guni guni ko.

“My client will not coming, may emergency daw na nangyari sa family niya.” panimula ni sir.
So paano? Kaming dalawa lang ang kakain dito?

“Hmm, nagmumukha tuloy na date to oh, sir.” nakanguso kong sabi at natawa naman siya.

“Well date naman talaga.” natigilan ako at nilingon siya.

“Friendly date? Or office mate date? Hahaha I don't know what to call it, just eat.” aniya at itinuro ang pagkaing nasa hapag.

Steak at rice lang ang kinain ko pero nabusog na ako. Uminom nalang ako ng orange juice habang hinihintay si sir na matapos.

“Siguro lagi kayong nagdadate nong ex mo, no, sir?” nakangiwi kong tanong. Sandali naman itong natigil sa pagkain at sumulyap sa akin.

Pero sa halip na sagutin ang tanong, “Didn't I warn you to call me Dwayne or Alfie if we’re outside the office?”

“Ano naman pinagkaiba non? Baka nga masanay pa akong tawagin kitang Dwayne e, hahaha.” pang aasar ko at natigilan nanaman siya, pero sa huli ay napailing at ngumiti.

“Well, it's up to you. Masyado kasing formal kung tawagin mo akong Mr. Vice President o Sir dito. I just want to chill, so stop calling me Mr. Vice President, naalala ko lang ang work kapag.” aniya at natawa nalang ako.

“Okay kuya Dway-”

“Anooo!” ganon na lang kadali ang naging reaksyon niya matapos kong tawaging kuya.

Teka, dapat lang yun no. Mas matanda siya saakin ng dalawang taon e.

“Ayaw mo non? Magalang ako.”

“Pero pinapatanda mo ako, Brielle..”

“Eh? Kung tinawag kitang Dwayne, ako naman ang pinapatanda mo.”

“Okay lang, para magkaboyfriend ka na.”

“Oi anoo? Ako pa talaga ang mag aadjust?”

Sandali siyang natawa at nakatitig sakin.

“Pwede hahaha”

“Parang baliw. Kaya ayaw kong mag ka bf kasi ayaw kong maging tulad mo na nababaliw, Dwayne.”

“Eh?”

“Eh? Engot.”

“Ang cute niyo namang mag away.” pareho kaming napatingin sa nag salita. “Friendly date or what?” taas noong tanong ni Zac at naupo sa bakanteng upuan sa tapat ni Dwayne.

“Well, I didn't know you're here. Naudlot ang meeting with client, so? Kaming dalawa nalang ang kumain.”

“Ah?” sagot lang ni Zac at lumingo sa akin “Hi, Miss Crabby.” nakangiti niyang pagbati.

“Oh hi? Nandito ka pala?“

“Yeah, obviously. Buti nalang nasulyapan kita kanina. I was not expecting to see you both here, Ms. Crabby.”

“Oo nga e, ikaw din Mr. FC.” pero ganon nalang ang gulat ko nang mabulunan si Dwayne, dali dali akong kumuha ng tissue at pinunasan siya sa labi. Natataranta ko ’yong ginawa.

Pero halos kumalabog ang dibdib ko noong hinawakan niya ang kamay kong nagpupunas sa kanya.

Napatingin ako sa kanya at nagulat din sa ginawa ko. Binababa niya ang kamay ko at siya na mismo ang nagpunas non sa labi niya.

“HA!” singhal niya “I did'nt know that you have your endearment ha?” kunot noo pero matunog siyang ngumisi.

“Hahaha, endearment daw?” natatawang sumulyap si Zac sa akin pero bumaling din ito kay Dwayne. “I don't know but, I'm pretty sure I already saw your secretary, Dwayne.”

“Of Course Zacharri, she's my secretary and obviously you saw her inside my office...with me.”

Napatingin ako ng masama kay Dwayne. Kailangan pa bang sabihin yun. E obvious lang din naman. Pareho talagang may topak ang dalawang to.

“No, I mean somewhere else.” biglang naging seryoso si Zac na parang inaalala kong saan ako nakita. “Maybe I saw her in my future.”

“Pinagsasabi neto?” wala sa sariling naibulong ko.

“In my future, I saw you hahaha.” bigla na naman siyang nagbiro kaya napainom nalang ako ng orange juice “My future wife--”

“HUK! HUK!” sa hindi inaasahang salita ay hindi ko sinasadyang mas maitango ang baso, dahilan para malagyan ang ilong ko!

“O...Shut your mouth, Zac. Don't dare to joke like that.” seryosong sabi ni Dwayne. Pero bago ko pa maabot ang tissue ay naramdaman ko nalang iyon sa gilid ng ilong ko, at sa labi ko. Agad akong napatingin sa mga mata niyang madilim ang tingin at ang kilay niyang halos magbanggaan na “Oh Come on Brielle don't you dare stare to me like that. I'm just returning your help earlier.” nagbaba ako ng tingin pero naririnig ko ang matunog na ngisi ni Zac.

__

Dwayne’s PoV

Ilang oras din kaming nanatili sa Quins Restaurant, pinag usapan namin ni Zac ang tungkol sa business. Tahimik namang nakinig si Brielle.

Pero may bumabagabag sa isip ko...

Oo at nakuhang magbiro ni Zac but I know him. I saw how serious he was earlier, nagjoke lang siya after mag seryoso.

“Saan naman niya nakita yun?” sabi ko habang nakaupo sa sofa dito sa bahay.

“The who, brotha?” tinig ni Aeron, ang kapatid ko.

“Si Brielle, palagay ni Zac nakita na niya si Brielle noon. Weird.”

“Weird ka din. Kailan ka pa natutong mangealam sa kung anong iniisip ni Zac? haha.”

“O, shut that mouth up, Aeron. I'm just curious.”

“Okay as you wish, brotha!” aniya at umalis din.

Baka nag meet na sila noong mga bata pa sila. Maybe childhood best friends tapos biglang naghiwalay.

Tch, I'm just wondering, paano kung ganon? Tapos manliligaw si Zac kay Brielle then malalaman nila na childhood bestfriends pala sila tapos ayun at magpapakasal sila.

Pero natawa din ako sa sariling iniisip.

I can't imagine them dating inside my office, it's distracting.

No kidding way!

Naisip ko noong may girlfriend pa ako. Lagi kaming nagkakasundo pagdating sa trabaho then after that, we had our date together.

Pero may chance pa kayang magkabalikan kaming dalawa? besides she doesn't knew what I have done.

I’ll just wait for her to come back in Philippines then I will pursue her again.

Nakatulugan ko pala kagabi ang isiping iyon kaya inaantok pa akong nakaupo dito sa black swivel chair ko.

“Kape?” bago pa ako maka oo ay nailapag na sa mesa ko. “Mukhang hindi ka naka tulog sir a? Pero ayos lang gwapo ka parin naman jan sa lagay na yan.”

“Noon pa, Brielle. Ngayon mo lang napansin.”

“Pasalamat ka at pinuri kita sir, aba e dagdag sa self esteem yun o.”

“Oo nga, sabi ko nga.”

__

Brielle’s POV

Kanina ko pa napapansing puyat si Sir Dwayne, mukhang busy siya sa pagchecheck ng mga papeles pero mukhang nakalutang naman ang isip.

“Brielle, anong oras yung appointment ko kay Mr. Cuego?” tanong ni sir habang nagbabasa naman ngayon.

“Mamayang 4 pm pa po sir, sa Quins Restaurant daw po ulit.”

“Cancel it and all my appointments today, I have to go somewhere.”

“Ha!” mukhang alanganin naman ang sinasabi ni sir! “Baka po--”

“Anong ha? Tss. Just cancel it. We have to go sowewhere.”

“Kala ko ba YOU have to go somewhere? E bat kasama ako?” pagrereklamo ko, pero natigilan ako noong sumama ang tingin neto sakin. “Tsk. Okay Sir.” sapilitang sabi ko.

“Good. Kala ko aayaw ka nanaman. Remember ako ang boss mo, ma’am?”

“Hahaha tas tinawag mo akong ma’am no? Okay Dwayne Alfie” sinadya kong tawagin sa pangalan niya na walang sir.

“Haysst” bumuntong hininga siya ”It's okay. Sanay naman na ako sa ka wierduhan mo.”

“Syempre, tumagal nga ako hindi ba? Haha.”

Minsan nahihiya akong makipagasaran kay sir kasi ang totoo napakataas niya. Vice President ba naman siya ng kompanyang ito? Pero dahil mabait siya at makulit ako, nagagawa ko siyang asarin na parang tropa. Gusto niya ng secretary na totoo sa sarili so I'm just acting naturaly, kaya madalas wala akong hiya hehe.

“Here...again?” kinalas ko ang seatbelt at bumababa ako mula sa front seat. Unang tumambad sa akin ang bughaw na karagatan, mahangin, kaunti lang ang tao sa islang ito. Pero malapit dito ang ancestral mansion nila. “Do you miss her?” tanong ko nang maalala ang huling punta namin dito.

Nakababa na rin siya. “Who?” tanong niya na para bang hindi alam kung sino.

“Sino pa ba? Yung ex mo, diba noong last time na pumunta tayo dito ay naglasing ka?” matagal na noong last time kong pumunta rito, bago pa ata ako noon, siguro mga 3 years ago na rin.

“Ah? Ginawa ko yun?” tanong niya pabalik habang naglalakad, sumunod naman ako sa kanya. “I just miss my grandparents, and I have to visit the land I bought here.”

“You have to visit, pero mamaya isasama mo nanaman ako?”

“Of Course. It's like we are one, anyway.”

We are one, anyway?

Natigil ako sa paglalakad, habang prinoproseso ang sinabi niya. Oo na’t tatlong taon o mahigit ko siyang nakakasama sa trabaho kaya niya siguro nasabi yun.

We are one anyway.

Dahil lahat ng meetings niya nandon ako, at kung may pupuntahan siya, nandon pa rin ako. Not every day but almost everyday of 3 years working with him.

Tumigil ka, Hannah Brielle Fernandez, walang ibig sabihin non.

Sapo ko ang noo at umiiling habang tinitignan ang likod ni Dwayne... Bigla lang akong napatigil sa pag iling noong humarap siya sa akin.


Dwayne Alfie’s POV

I looked back when I saw Brielle, she's shaking his head while looking at me. But she’s stunned when she realized that I saw her.

Anong problema non?

“Anong problema?” naglakad ako pabalik pero bigla siyang tumakbo pabalik na parang natauhan.

Did I say something wrong?

Wala naman ah.

I just said, It's like we are one, anywa-

We are one? Kidding way, right?

Parang ang dating non, we are like m-married?

“Oh, nevermind.” ako naman ang napailing, pero nangiti din ako sa huli.

Good to hear na nabigla din siya sa sinabi ko? Hehe. Ganyan nga, maganda ka kapag nagugulat ka.

I chuckled a bit kaya sinamaan ako ng tingin.

“Baliw, baliw ka talaga kahit kailan.” bulong niya pero naririnig ko naman.

“Ganyan siguro kapag mga broken hearted.”

“Salubong ang kilay pero maya maya maririnig na tatawa-tawa, baliw.”

“Buti di ako gaya non.”

Mga linyang binubulong niya habang naunang naglalad...

“HAHAHAHA!” malakas na tawa ang naibulalas ko matapos siyang pakinggan. Pero mas natawa ako noong nauna siyang maglakad na parang wala sa sarili.

Alam kong alam niya kung saan dadaan papuntang sa ancestral house pero nilagpasan niya ito.

Ako, natigil syempre nasa harap na ako ng bahay. Pero siya naglalakad parin palayo.

“Brielle!” sigaw ko habang natatawang tumakbo palapit sa kanya. “Hahaha!” wala sa sarili ay natatawa pa rin ako.

Noong naabutan ko siya’y marahan kong hinila ang black back pack niya, para matigil siya sa paglalakad.

Ganon nga ang nangyari, natigil siya at salubong ang kilay noong humarap siya sa akin.

Natatawang pinag taasan ko ito ng kilay. Kanina pa talaga ako nagpipigil ng tawa, kaya ituro ko nalang na babalik kami.

“N-nandon ang bahay” turo ko ulit sa nalagpasan niya “Don’t you remember?” pigil tawang tanong ko.

Salubong pa rin ang kilay niya pero halatang nagulat siya. Alam kong ma pride at may pagkasungit siya kaya wala na akong nagawa noong irapan ako at padabog na bumalik.

Focused secretary. Yan ang dahilan kung bakit siya tumagal sa trabaho. Pero naninibago ako kapag nalulutang siya gaya kanina. Gusto kong pagalitan kapag lutang pero paano ako magagalit kapag ako mismo natatawa sa reaksyon niya? Hehe.

“Dwayne Alfie?” sinalubong kami ni lola “Hindi ka nagsabi na dadalaw ka apo!” ani lola, nabigla ata. Lumapit ako at binati siya ng matamis na halik at yakap.

“Hello, magandang araw po ma'am.” pagbati ni Brielle. Nangingiti namang lumapit si lola sa kanya at niyakap si Brielle. Maaring nabigla siya pero malambing talaga si lola.

“Ano ka ba apo, don't call me ma'am, just call me lola. Lalo na’t nobya ka pa ng apo ko.”

“Po!?” literal na nanlaki ang mata naming pareho-

“La, she's my secretary, don't you remember?”

“Oh? Siya ba?” nagulat din si lola “Sorry hija, kala ko nobya ka niya. Pero ang ganda mo hihi” nangingiting hinaplos ni lola ang pisngi at buhok ni Brielle. Napangisi nalang ako.

Nagulat din si lolo noong nakita kami. Ang akala niya’y gf ko si Brielle.

“Good that you visit us, grand son.” si lolo habang nagkakape. Nasa labas kami ng bahay dito sa hardin nila lola, may round table din dito kaya dito na kami nag merienda.

“Yes lo, I miss you both and I need to visit the land I bought here.” nakangiting sabi sa kanila.

Napasulyap ako kay Brielle at abala sa paglalagay ng pancake at dark chocolate sa plate niya.

Hindi na kaya siya nalulutang?

Napangisi ako at umiling na lamang.

“Good to hear na hindi ka mukhang broken ngayon? The last time you both came, you Dwayne, got drunk along the sea side. Buti nalang at may secretary kang maalaga.” dagdag ni lolo at naalala ko naman kung gaano ako nalasing noon.

Napangiti ako habang inaalala ang nag-aalalang Brielle noon.

“Mr. Vice President, tama na yan. Napadami na po kayo.” aniya habang inaagaw ang bote ng alak.

“Mr. Vice President hindi po kayo pwedeng malasing ngayong gabi. Maaga po ang meeting niyo bukas. We need to go back sir!”

“Just shut up, Brielle.” binuksan ko ang isang bote at binigay sa kanya “Here. Just chill, don't think about work for now.” pero hindi niya inabot ang bote sa halip ay pinipigilan akong uminom.

“Kaya mahirap umibig e, hirap maging broken. Diko na kailangang maranasan bago masaktan. Experience of others are the best teachers talaga!”

Rinig kong sabi niya pero ngumisi nalang ako.

Tumayo ako at nagpasyang kukuha ng ibang inumin pero nandidilim ang paningin ko. Parang umiikot ako pero malabo ang paningin ko. Nasusuka ako, nahihilo akong naglakad at mukhang mawawalan na ng balanse kung hindi pa ako inakay ni Brielle.

Nakatulugan ko iyon pero nagising ako na nasa gilid ng kama si Brielle, nakaupo at hinihintay akong gumising. Bigla akong nakaramdam ng hiya noong naalala ko ang nangyari kagabi pero naguguilty ako dahil mukhang napuyat si Brielle.

Sa oras na iyon, nandon siya nag aalala at inalagaan ako.

Parang hinahaplos ang puso ko nang malamang concern siya sa akin.

Well, baka dahil boss niya ako? Tama boss niya ako kaya dapat lang na mag alala siya.

Title:Fears In Love; Part 3/15 (Real Boss)
Author:@joreneagustin
Date Published:02.25.22
Cover photo:Edited in Canva

jpg_20220119_063854_0000.jpg

png_20220119_065609_0000.png

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.21
JST 0.036
BTC 97887.76
ETH 3371.78
USDT 1.00
SBD 3.36