Bedtime Story PART 1 (Ang Crush Ko... Tinuruan Ako...)
Bedtime Story (Ang Crush Ko… Tinuruan Ako…)
Ako si Patrick na taga Maynila at isang 1st year college student na nagaaral sa isang kilalang unibersidad. Isa akong lalaking napaka torpe at palaging nababasted ng mga kababaeng aking nililigawan.
Ang sabi ng mga tropa ko ay napaka gwapo ko naman at nagtataka sila kung bakit ako nababasted ng mga babaeng nililigawan ko. Wala akong maisagot at wala rin akong idea kung bakit ganun nalang ang mga babaeng nakikilala ko at nililigawan.
Isang araw nung pagtapos kong maligo ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin at hindi ko alam kung talaga bang gwapo ba ako o niloloko lang ako ng aking mga tropa. Tinanong ko ang aking ina at ang sabi niya sa akin ay gwapo daw ako.
Tinanong ko naman ang aking kapatid na babae kung gwapo ba ako at ang sabi niya ay kung hindi kami magkapatid ay siya daw mismo ang manliligaw sa akin. So, ang ibig sabihin ng aking kapatid ay ganun daw ako kagwapo.
Nakapagtataka kung bakit ako binasted ng mga niligawan kong mga babae. Alam ko sa sarili kong torpe ako pero hindi naman ako yung tipong sobrang nahihiya talaga pag nanliligaw sa isang babae.
Niyayaya ko naman ang bawat babaeng nililigawan ko na kumain sa labas at manood ng sine kung kinakailangan. Pero wala parin akong maisip na dahilan kung bakit nila ako binasted. Ang alam ko lang sa sarili ko ay marunong akong rumespeto ng mga babae.
Isang araw ay may nakita akong babae na sobrang ganda at sobrang sexy. Nagka crush ako sa kanya nung segundo palang na nakita ko siya sa unibersidad na aking pinapasukan. Gusto ko siyang lapitan pero medyo nahihiya ako.
Sinabihan ako ng tropa ko na lapitan at tanungin ang kanyang pangalan. Medyo bumwelo muna ako at nung lalapitan ko na siya ay bigla siyang napatingin sa akin at ako naman ay hindi na dumeretso sa kanya.
Bigla akong umatras dahil natunaw ako sa kanyang pagtingin sa akin at umatras ang aking buntot dahil sa kanyang kagandahan at naunahan ako ng hiya. Hinintay ko siya hanggang sa tuluyan nang magsara ang unibersidad pero hindi ko siya nakita pang muli.
Naghintay ako ng kinabukasan at nakita ko siya na naglalakad papasok ng unibersidad nung umagang iyon. Nilakasan ko ang aking loob na magpakilala sa kanya at malaman ang kanyang pangalan.
Nung nasa harap na niya ako ay wala akong masabi at nagkatinginan kami. Mga ilang saglit pa ay tinanong niya ako kung ano daw ang aking kailangan. Ang sabi ko naman ay gusto ko siyang makilala at tinanong ko na ang kanyang pangalan.
Napatawa siya sa aking mga sinabi at ang sabi niya sa akin ay kung ganyan ba ako makipagkilala sa mga babae. Nagtaka ako kung bakit niya iyon itinanong at sinagot ko nalang siya na ganito ako makipagkilala.
Natawa siyang muli at ang sabi niya sa akin ay ayusin ko muna daw ang aking sarili makipagusap dahil parang medyo nakakabastos ang aking pananalita. Sinabi niya rin na wala akong sinabing masama pero ibang iba ang dating daw sa kanya ng aking gustong mangyari na makilala siya.
Tinanong ko naman siya kung ano bang klaseng bagay ang aking gagawin upang makilala ko siya. Tinanong niya ako kung gusto ko ba daw na turuan niya ako.
Napaisip ako at ako pa ay nagtanong sa kanya kung paano niya ako tuturuan. Sinabi niya sa akin na magkita kami mamaya after ng aming pagpasok sa unibersidad at pumayag naman ako.
Lumipas ang isang buong araw at dumating na ang oras ng aming pagkikita ay naghintay na ako sa kanya. Ilang minuto lang na ako ay naghihintay ay nakita ko siya sa malayo at naglalakad papunta sa akin. Sobrang ganda ng kanyang paglakad at nakakabighani ang kanyang buong panlabas.
Nung nasa harap ko na siya ay binati ko siya at tinanong niya ako kung ready na daw ba akong matuto kung paano ang tamang way na iconvince ang isang babaeng tulad niya.
Ang sabi ko naman ay game na game na ako at naisip ko na magiging sobrang lupet na tropa ko tong babaeng magtuturo sa akin. Umupo siya sa aking tabi at bago siya magsalita ay tinanong ko siya kung dito sa lugar na ito niya ba ako tuturuan. Ang sabi naman niya ay oo daw.
Ang una niyang tanong sa akin ay kung nag kagirlfriend na ba ako at ang sabi ko naman ay hindi pa dahil pinagbabasted ako ng mga babaeng niligawan ko. Napa “HUH?” siya sa akin at hindi daw siya makapaniwala na hindi pa ako nagkakagirlfriend.
Sinabi ko sa kanya na totoo ang aking mga sinasabi at wala akong tinatago sa kanya. Sinabi ko rin sa kanya na ginawa ko na ang lahat para makumbinse ang mga babaeng niligawan ko pero hindi parin ako makapasa pasa.
Natawa siya at ang sabi niya sa akin ay kaya pala hindi ako makapasa pasa ay dahil narin daw sa paglapit ko sa kanya nung umaga na iyon na walang kadating dating sa kanya.
Masyado daw akong feeling gwapo sa sarili ko at alam niya daw na gwapo ako pero nakakawala daw ng pagkagwapo ang sobrang feeling sa sarili na nagkakagusto ang mga babae sa isang tulad ko. Sinabi ko sa kanya na mahiyain ako. Sinabi niya rin na mahiyain ako pero ang tono ng aking pananalita ay walang dating.
Tinanong ko siya kung ano ang dapat kong gawin upang mapasagot ko ang isang babae na maging aking girlfriend. Sinabi niya sa akin ay ayusin ko daw muna ang aking pananamit dahil karamihan ng mga babae ay ayaw ng medyo madungis tignan.
Dapat daw ay malinis akong tignan pag makikipagkilala sa isang babaeng first time ko na makikita. Dapat daw ay medyo lagyan ng pabango ang aking sarili dahil nakakalakas daw ng appeal iyon.
Ang sabi pa niya sa akin ay ayusin ko daw ang aking pananalita pag makikipagusap sa isang babae. Dapat daw ay very confident ako pag makikipag usap at huwag yung hahaluan ko ng kaba at kung ano ano na daw ang lalabas sa aking bibig.
Pinakinggan ko siyang mabuti at gusto ko talagang matuto pero nung pinapakinggan ko siya at nakatingin ako sa kanyang mukha ay para bang tinatamaan ako dahil sa sobra niyang ganda at hindi ako makapaniwala na isang babae ang nagtuturo sa akin.
Magiisang oras na ang aming paguusap para sa kanyang pagturo sa akin kung paano dumiskarte at kung paano manligaw. Maggagabi na at ang sabi ko sa kanya ay kung uuwi na ba siya.
Ang sabi niya naman ay walang problema dahil dederetso na daw siya sa kanyang trabaho pagtapos niya akong turuan. Tinanong ko siya kung may time pa ba siya bukas dahil kailangan ko nang umuwi dahil gagawa pa ako ng aking mga reports para bukas.
Sinabi naman niya sa akin na araw araw niya daw akong tuturuan hanggang sa matuto ako kung paano ang tamang diskarte. Napangiti ako at sinabi ko sa kanya na sobrang salamat dahil nakilala ko siya at nagpasalamat din ako na tinutulungan niya ako kung paano dumiskarte.
Medyo nahihiya ako dahil isang babae ang nagtuturo sa akin pero wala akong magawa dahil hindi ko talaga alam kung paano ang aking mga gagawin upang masuyo ang babaeng liligawan ko.
Nung nagpaalam na kami sa isa’t isa ay tinanong ko siya kung gusto niya bang ihatid ko siya sa kanyang trabaho at nagulat siya sa aking tanong. Sumagot agad siya na hindi pwede dahil baka daw pagalitan siya ng kanyang boss.
Tinanong ko naman siya kung bakit siya pagagalitan eh ihahatid ko lang naman siya. Wala naman sigurong malisya na ihatid ko siya dahil isa siyang babae at baka mapaano siya sa daan. Sinabi niya lang sa akin na salamat pero hindi na daw kailangan.
Hindi na ako muli nagtanong at sinabi ko nalang sa kanya na magingat siya. Ngumiti siya at ang sabi niya sa akin ay salamat sa concern at kita kits daw bukas sabi niya sa akin. Ganun din ang sinabi ko at nagpasalamat muli ako.
Nung maglalakad na sana ako ay nakalimutan kong tanungin ang kanyang pangalan pero nung paglingon ko ay nawala na siyang bigla. Hinayaan ko nalang at umuwi na ako. Inisip ko lahat ng kanyang mga sinabi at tandang tanda ko lahat ng mga iyon.
Pag dating ko sa bahay ay isinulat ko ang aking mga gagawin at bibilhin upang ihanda ko ang bagong ako. Habang ako ay nagsusulat ay naimagine kong muli ang kanyang mukha na nakangiti.
Sobrang ganda ng babaeng nagturo sa akin at hindi ko makalimutan ang kanyang napakatamis na ngiti. Natulala ako ng ilang minuto at itinuloy ko nang muli ang aking pagsusulat. Nung matapos na akong magsulat ay humiga na ako sa aking kama.
Hindi pa ako makatulog nung nakahiga na ako sa aking kama at iniisip ko na pagkagising ko kinabukasan ay ibang Patrick na ang makikita ng aking mga tropa at siguro ay magugulat na rin si tropang babae pag makita niya akong muli.
Parang ang ganda ng magiging istorya ko nito. Napaisip ako at nakatuwaan ko lang na tawaging “Bedtime Story” ang aking magiging bagong anyo kinabukasan at sana ay maging successful ang mga itinuro ng bagong kong tropa na napakaganda.
ITUTULOY……
Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work!
Dear reader, Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.me/esteem
You naughty boy 😏
Posted using Partiko Android
Hahahah! That's not what you think it is! Hahah! It's a love story! :D
P.S.
Thanks for the tip! :D