Kwento:" Ang Alibughang Anak"
Kwento at isinasalaysay hango sa talinghaga nang isang alibughang anak na walang hinahangad kundi maging mayaman at magawa ang lahat nang ninanais niya sa buhay.
May isang ama at siya ay may dalawang anak na lalaki, namumuhay nang sagana at maayos sa malayong lugar. Walang ninanais ang kanyang bunsong anak kundi ang makuha na ang kayamanang mamanahin sa kaniya, kahit na siya ay nabubuhay pa. Sa panahon noon at ngayon karamihan ang kayamanan ay ibinabahagi pag pumanaw na ang tagabigay ng mana. Subalit ang bunsong anak na ito, buhay pa ang kanyang ama ngmamadali at nangungulit na mapasakanya agad ang bahagi na kanyang mamanahin.
Isang araw kinausap niya ang kaniyang ama na ibigay na ang kanyang mana. Dahil sa taglay nitong mahabaging puso at kabaitan ibinigay sa bunsong anak ang hinihiling nito. Tuwang tuwa naman ang anak at kinabukasan din dala ang lahat na minanang kayamanan nagpakalayo layo. Doon namuhay siyang mag isa, araw araw na nagpapakasaya, namuhay ng marangya , sinunod lahat nang luho, at nilustay ang lahat ng salapi.
Pagkalipas ng mga panahon napansin niya na nauubos na ang kanyang dalang salapi. Naranasan niya ang matinding paghihirap. Dahil sa hiya na babalik pa sa kanyang pamilya, napilitan siyang mamasukan sa bayang kung saan siya pumunta at winaldas ang dalang niyang pera . Naging utasan sa bukid, nagpapaalila at nagpapakain ng baboy . Naghihikahos na nang husto sa buhay, hindi na halos makakain at wala na ding damit na maisoot. Siya ay naging isang pulubi. Lahat nang paghihirap naranasan niya samantalang sa lugar ng kanyang ama di nya naranasan na maging isang utusan. Hanggang sa nagdesisyon siyang bumalik na lang sa kanilang lugar kung saan siya nanggaling.
Dali dali siyang nagligpit nang kanyang mga natitirang gamit at dagling umuwi. Nang dumating siya sa kanilang lugar halos ayaw niya pa mgpakita sa kaniyang ama dahil sa subrang hiya at pagsisi sa maling nagawa.Nang makita siya ng kanyang ama , sinalubong siya nito na puno nang papanabik , humingi siya nang tawad sa kanyang ama sa mga nagawang mali. Iniutos niya agad sa kanyang mga alagad na mag handa at magkatay ng mga hayop baka at kambing para ipagdiriwang ang muling pagbabalik ng kaniyang anak.
Dumating ang nakakatanda niyang kapatid nang makita siya, ito ay nagalit.Sinumbatan niya ang kanyang ama, hindi daw patas ang turing niya sa kanilang dalawa. Siya na panganay ay mabait at hindi nag bigay nang problema sa kanilang ama, ni hindi man lang daw niya naranasan katayan kahit isang kambing man lamang.Ipinaliwanag ng kanyang ama ang lahat, sinabi ginawa niya iyon dahil ang anak niya na bunso ay nagpakalayo layo at muling bumalik, namatay ngunit muling nabuhay sa kanyang paningin at pakiramdam.Naging masaya sila ulit at tinanggap siya nito ng buong puso at walang panunumbat.
Lucas 15:11-32 SND - Ang Talinghaga ng Alibughang Anak -
♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥
wakas
Ang kwentong ito ay tumutukoy sa isang ama na kahit kelan hindi matitiis ang anak.Gaano man ito kasama, katalipandas, gaano man kalaki ang nagawang kasalanan ang pagmamahal ng ama sa isang anak kahit kelan ay hindi kukupas .
Ang talinghagang ito ay nangangahulugan na minsan naligaw tayo ng landas at tumalikod sa Dios, dahil sa nakagawa tayo nang mga paglabag at mga pagkakasala. Subalit magpaganun pa man kung kusa tayong magsisi at nakahandang magbalik loob, hinding hindi tayo itatakwil ng Dios sa halip buong puso Niya tayong patawarin at tatanggapin.Huwag tayong mag alinlangan na lumapit sa Ama kahit kelan hindi Niya tayo matitiis basta nakahanda tayong pasakop at sundin ang Kanyang mga utos.
Natuto tayo sa mga pagsubok at pagkakamali na ating pinagdaanan. Gawin natin itong isang inspirasyon sa patuloy pang pakikipagbaka habang tayo ay nabubuhay.
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @cloh76.witness, @ausbitbank and @curie who have been adding an invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

Salamat po sa pag babahagi ng kwentong ito. Tunay nga po na kapag tayo ay humingi ng tawad sa ating Ama tayo ay kanyang yayakapin at patatawarin sa ating mga sala.
Labis ko pong naiibigan ang inyong likha
Pagdamutan mo nalang ang aking munting upvote, resteem at pag feature sa iyong gawa sa aking arawang "curation"
Ika-Limang Edisyon ni Tagalog Trail
Maari nyo pong bisitahin ang aking akda para makita pa po ang ibang magagandang likha na gawa ng ating mga kababayan.
Maraming salamat @tagalogtrail sa pag appreciate ng aking gawang kwento.God bless us..
Wala pong anuman. Napapanahon po kasi ang inyong likha rin lalong lalo na po at malapit na ang Semana Santa po.