International Coastal Clean Up 2017

ICC 2017 Noon araw ng Linggo, Setyembre 17, 2017 ay muling lumahok ang Samalahat Advocacy at ang Brgy. Mataas na Pulo sa Taunang at pangdaigdigan aktibidad na may pinamagatan ICC o International Coastal Clean Up na may temang “Together for the Ocean”.

Ang aktibidad ay nilahukuan ng iba’t ibang sector, grupo at indibwal ng Mataas Na Pulo, sa pangunguna ng kanilang lokal na Pamahalaan kabilang ang kanilang mga Brgy. Tanod, mga Guro, Estudyante, mga Kabataan at mga Magulang. Lumahok din sa pangalawang pagkakataon ang YES-O Tumalim o Youth Environmental Students Organization sa pangunguna ng kanilang Guro at Punong Tagapayo na Si Mercedez Martinez. Lumahok din sa pangalawang pagkakataon ang mga Guro at estudyante mula sa Tumalim National High School na nasasakupan ng Brgy. Tumalim Nasugbu Batangas at karatig Barangay ng Mataas na Pulo.

Lumahok din ang grupo ng mga kabataan a Brgy. Mataas na Pulo na Samahan Bantay Kalikasan o SABAKA na kinabibilangan ng mga kabataan mula sa elementarya at sekondarya sa pangunguna ni Chin B. Espirito na isang magaaral sa ika-6 na baiting ng Mataas Na Pulo Elementary School. Lumahok din ang mga kaibigan namin na mula sa laragan sa pag-akyat ng bundok sa pangunguna ni Jeffrey Medrano ng grupong Bagong Sibol na nag tanim din sa Reforest Site ng Mt. Apayang pagkatapos sa parehong araw. Aktibo din lumahok ang mga magulang mula sa 4P’s, Barangay Health Worker o BHW, mga Tour Guide sa Apayang, Magsasaka, Maghahayupan, Mangingisda, Tricycle Driver, Jeepney Driver, Fishball Vendor at mga senior citizen gaya na lamang ni Lola Genoveva kung saan ito’y naging isang magandang halimbawa sa lahat na maaari pala tayo’ng lumahok sa mga makakalikasan at mga pangkomunidad na gawain na nakabatay ang ating pakikiisa sa ating kakayahan lamang.

Mula sa lahat ng lumahok ngayon araw na ito ay nagkaroon sila ng tatlong grupo na kung saan napagpasyahan na magtalaga ng kanya kanyang mga makakasama na maglilinis sa bawat sitio na na kanilang nasasakop. Mula sa Sitio Sentro Mataas Na Pulo, Sitio Boluntaryo, Sitio Babuyan, Sitio Sentro Bautista at sa Pasong Iro ay nagkaroon ng kanya kanyang inisyatiba at sabay sabay na naglinis ang mga kalahok upang isagawa at maisakatuparan ang nasabing aktibidad. Sa higiit ilang oras na paglilinis nila, ay nakakolekta sila ng tone-tonelada ng basura na maaaring mag dult ng sakit ay direktang nakakaapekto sa kanilang kapaligran.

Ang lahat ng ito’y isang kaganapan na kung saan sumasalamin na lumalawak at lumalalim na ang kaisipan makakalikasan sa kanilang komunidad at nakakapag impluwensya na sila sa mga tao mula sa ibang karatig Barangay, upang mas mabigyan pansin ang siryosong problema na ating kinahaharap sa usapin pangkalikasan. Ipinapakita din ng pangyayaring ito na mas mataas na ang pagmamalasakit ng komundidad sa kanilang kapaligran kaya sila ay nagsasagawa ng mga direktibong aksyon upang hilumin ang sugat na tinamo at tinatamo ng kalikasan araw araw dulot na din ng mga ganid, dominante at iresponsableng mga kumpanya at tao.

Ito’y isang pagpapatunay din na ang isang komunidad na nagtutulungan na hindi nakabatay sa pangsariling interest ang pagkilos ay may malaking magagawa at lubos na magkakaroon ng kakayahan upang protektahan at alagaan ang ating Inang Kalikasan na patuloy na nagbibigay ng buhay sa lahat ng organismo sa mundo kasama na tayo’ng mga tao.

Subalit sa patuloy na pagusad ng panahon at patuloy na pagsusumikap ng mga tao, grupo, institusyon at ng pamahalaan para resolbahin ang krisis na ito ay tila hindi nababawasan at mas nadadagdagan pa araw-araw ang ating mga sulinarin sa ating kalikasan partikular na sa problema ng basura na siyang nagiging malaking banta sa ating kalusugan, kapaligiran at iba pang buhay ilang sa mundo. Ito’y isang naging malaking dagok sa kasalukuyan henerasyon na kung saan sa sibilisadong panahon ay laganap ang iba’t ibang problema sa lipunan at sa buong mundo partikular na sa problema ng kalikasan.

Ito’y isang katotohanan pilit na ikinukubli ng sistemang umiiral na sa sibilisadong panahon, sa ilalim ng sistemang kapital ay lumolobo ang problema sa basura na pumapatay sa iba’t ibang anyo ng tubig,lupa at hangin na ang unang naaapektuhan ay ang mga buhay ilang na nagiging dahilan kaya nawawala na ang balanseng buhay sa ating planetang kinabibilangan na nakakaaepkto sa pangaraw araw na pamumuhay natin din mga tao. Isang malaking katotohanan na ang kasalukuyan henerasyon na taglay ang mga makabagong teknolohiya ay siya pa palang unang magiging sanhi na yumuyurak sa kinabukasan ng ating mundo na maaaring maghatid sa huling himlayan o yugto ng tao.

Malinaw na ang mensahe ng kaganapan ito ay kasalukuyan tayo’ng nabubuhay, napapabilang at napapaloob sa isang sibilisadong panahon na tumatandang paurong maliban na lamang sa mga katutubo na mas pinili na yakapin ang sinauna nilang kinagawian pamumuhay. Naniniwala kami na sa kabila ng ating pagsusumikap at pagnanais na muling maibalik ang dating ganda at sigla ng ating mundo at kahit araw araw tayong mag linis ng ating kapaligiran ay patuloy na lolobo ang problemang kinahaharap natin sa basura na magiging isang malaking banta sa ating kinabukasan lalo na sa ating kalikasan hindi lamang dito sa loob ng ating bansa, ngunit maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Malinaw na hindii pag-segregate ng basura ang sagot para sa krisis na kinahaharap natin sa kasalukuyan, Ngunit ito’y isang malinaw na alternatibong pamamaraan lamang at isang direktibong aksyon upang problema sa basura ay mabawasan at tayo ay makatulong sa ating kalikasan. Kaya naman sa kabila ng lahat ng mga pangyayaring ito ay mabuti siguro na ating na pagnilayan at ugatin natin ang problemang kinahaharap ng bawat isa sa pagkasira ng ating kalikasan partikular na sa problema ng basura.

Marahil panahon na talaga para buksan natin ang ating mga mata, isipan at pukawin ang kamalayan na maghahatid sa hubad na katotohan upang matanggap natin ang nagdudumilat na riyalidad sa problemang kinahaharap ng bawat isa at ng kabuuan. Mula sa isang basura na makikita natin sa kalsada, ano nga ba ang unang tanong na pumapasok sa ating isipan kung tayo ay may malasakit sa kalikasan. Marahil katulad ng iba, ang tanong natin ay sino kaya ang nagtapon nito. Siguro ito ay isang normal na reaksyon ng mga taong naglalagay ng basura sa tamang lalagyanan.

Tama din lang siguro na magtanong tayo ng ganun kung tayo ay nabibilang sa mga taong nagmamalasakit sa ating paligid. Ngunit sapat na nga ba na malaman natin kung sino ang nagtatapon ng basura sa hindi tamang lalagyan? Tama at normal din kaya ang magtanong tayo, pagnilaya at suriin kung sino ang direktang lumilikha ng mga basura sa ating mundo? Halimbawa na lamang, Dati ang shampoo ay nakalagay sa bote o garapon lamang, Kaya isang garapon ng shampoo ang magiging basura mo sa araw na ito’y maubos. Subalit dahil may ilang kapwa o mamamayan na hindi kayang bumili ng shampoo na nakalagay sa garapon ay magiging limitado ang kikitain ng mga kumpanya na lumilikha nito.

Bilang isang Kumpanya ano nga ba ang dapat na gawin mo? Ibababa mo ba ang presyo ng iyong produkto o magiisip ka ng paraan kung paano matatangkilik ng mga tao na walang kakayahan bilhin ang nasa garapon shampoo o produkto. Marahil dito natin makikita na may malaking pinagkaiba ang pagtulong sa negosyo.

Ang isang kumpanya ay hindi gagawa ng paraan na papabor sa sambayanan, sa pagkat para magpatuloy ang isang negosyo ang kailangan mong gawin ay hanapin araw araw kung paano ka tutubo o kikita dahil ito ang tanging dahilan kung bakit sila nag nenegosyo.

At paano naman nila ito maibebenta? Kailangan nilang idikta sa bawat tao sa pamamagitan ng telebisyon,radyo,pahayagan, iba’t ibang klase ng mga babasahin o ADS, na kailangan ninyo itong produkto ko sa pang-araw araw ninyong pamumuhay upang ito’y magustuhan, tangkilikin, bilhin at sundan ng tao ang mga produkto na makikita natin sa mga maliliit hanggan sa mga malalaking tindahan o pamilihan.

Ito’y isang paraan para bigyan tayo ng bagong perspektiba na papabor sa kabuhayan nila. Kaya naman mula sa isang simpleng sinaryo na ito ay makikita natin na ang halos lahat ng dambuhalang kumpanya partikular na sa gumagawa ng sabon, shampoo, toothpaste ay nagkaroon ng mga tinatawag na “SACHET”, upang magkaroon ng kakayahan na tangkilikin ito ng mga maliliit na tao, Makikita natin mula sa sinaryong ito na hindi ang pagbababa sa presyo ang naging sagot nila dito, ngunit ang naging tugon ay makaiisip kung sa paanong pamamaraan nila ito maibebenta sa mga simpleng mamamayan, at ang pagbebenta ng patingitingi ay may malaking kaugnayan at partisipasyon sa paglobo ng ating basura. Minsan pa nga kung inyong mapapansin ay may mga produkto na sobrang laki ng lalagyan, pero halos wala naman laman.

Ganito nila tayo niloloko, dinadaya, at malinaw na hindi tinutulungan. Ngunit kung ating iisipin, sino nga ba ang nagsabi at nagpakilala ng lahat ng kagamitan meron tayo sa kasalukuyan? Paano nabuo at sino ang nagdala ng mga perspektibang ito na araw araw ipinamumudmud sa atin. Ano nga ba ang tunay nilang pakay at ano ang mga naging kapalit, Ito ng ba ay dala na lamang ng progresos ng tao sa mundo? Marahil sa lumang sibilisasyon na sinasabi ng kasalukuyan ay walang ideya ng mga sabon, toothpaste, plastic at iba pang mga produkto na sumasalamin o nagrerepresenta kung sino ka at ano ang estado mo sa lipunan iyong kinabibilangan.

Sa halip malinaw ang mensahe ng nakaraan sa kasalukuyan, na ang pamumuhay na kung saan tanging pagkain at bahay lamang ang pangunahin materyal na kailangan ay isang makakalikasan pamumuhay. Ang damit ay nalikha nuon dahil sa kondisyon na mayroon sila, isa sa dahilan kung bakit lumabas ang ideya ito ay dahil sa klima na mayroon sila at kailangan nilang protektahan ang kanilang katawan mula sa klima ng kanilang kapaligiran.

Kung ating iisipin malaki na talaga ang pinagkaiba ng kasalukuyan sa nakaraan kung tayo ay magkukumpara sa mga dahilan kung bakit nalilikha ang isang bagay.Kung dati ay dahil sa tawag ng pangangailangan, ngayon mas matimbang na tawag ng kagustuhan. Sapagkat sa ngayon nakabase ang paglikha natin ng damit hindi sa pangangailangan ngunit para sa mas malaking tubo, sa pag-aaliw, okasyon dadaluhan at higit sa lahat para sa pagkakakitaan o pagkakatuuan sa pangunguna ng mga dambuhalang kumpanya. Kung ating iisipin, hindi pa man naluluma ang bago mong biniling damit ay lumilikha na tayo ng basura mula dito, sa pamamagitan na lamang ng mga pinaglagyan ng mga damit na ito hanggan sa plastic pa na maaaring paglayan nito sa oras na bumili ka ay magiging basura na. Halos ganito araw araw ang eksena sa mga pamilihan at sa lahat ng produkto na ating tinatangkilik, mula sa mismong lalagyan at paglalagyan pa muli sa oras na binili mo na ito ay laging may kaakibat na basurang malilikha.

Naisip ba natin na ang riyalidad na ang lahat ng produkto sa huli ay magiging basura? Magandang ang intensiyon ng mag “Recycle at mag Reuse” tayo ng mga produkto, Ngunit ito nga ba ang sagot para sa problema natin sa basura? Para sa amin ay masasabi namin na magandang alternatibo at direktibang aksyon ito sa kasalukuyan, ngunit ang katotohanan sa huli ito ay magiging isang ganap basura din lamang. Siguro ang isa pinaka pwede at magandang gawin ay ang mag reduce ng mga maaaring maging basura na sisimulan sa pagkokontrol ng ating pamahalaan sa mga dambuhalang kumpanya na direktang lumilikha ng malawakang produksyon,mahalaga na limitahan ang paggawa ng kanilang produkto kung saan nakabase lamang ang paglikha sa sapat na pangangailangan ng tao at hindi sobra sobra ng sa ganun ay maipreserba pa ang mga likas yaman gagamitin sa mga sobrang produkto na maaaring kailanganin ng mga susunod na henerasyon. Isang magandang halimbawa nito ay ang mga kumpanya ng mga delatang pagkain. Na kung saan ayon sa dating pag-aaral ay 20% lamang nito ang nabibili at 80% percent ang nasasayang o naexexpired na nagiging basura lamang.

Ang mga dambuhalang kumpanya na ito partikular sa mga sardinas ay walang tigil na sinasaid hanggat kaya nila ang lamang dagat partikular sa isda na may malaking epketo sa pagkawala ng balanse ng ating karagatan. Na kung saan dahil sa walang pagkontrol sa malawakan produksyon ay nasasayang lamang ang mga bagay na nagiging basura na maaari pang sanang pakinabangan ng mga maliliit na tao sa kasalukuyan at ng mga susunod pa salinglahi kung nagiging masinop lamang tayo sa paggamit at pagkuha ng likas na yaman. Ang isang sinaryo pa ay ang mga tiles sa malalaking hardware, mga pagkain, damit, school supplies, sabon at iba’t ibang uri pa ng produkto na nakikita natin naka 10-90% OFF.

Mula dito ay makikita natin na may kakahayan palang ibigay ng mga kumpanya ng ganun kababa ang presyo ng kanilag mga produkto kung saan sa 10% mula sa dating presyo ay may tutubuin pa din sila. Pero bakit hindi nila sa una pa lamang ay gawin ganun na ang presyo na kung saan ito’y isang malaking kaginhawaan sa buhay ng mga maliliit at simpleng mamamayan?Simple lamang, dahil hanggad ng bawat kumpanya ang malaking tubo, Ngunit hindi lamang ito sa usapin ng presyo ngunit sa halip ito ay dahil sa sobra sobra ang kanilang nililikhang produkto at wala na halos bumibili dahil ang iba ay mayroon na, ang iba ay may sobra-sobra na, at ang karamihan ay hindi kailangan o walang perspektiba ng kanilang produkto.

Habang ang ibang dahilan bakit nagkakaroon ng “SALE” o pagbaba ng presyo ng mga produkto sa merkado ay dahil malapit ng maexpired ang kanilang produkto o kalakal partikular sa produksyon ng pagkain.. At imbes sana na ipamahagi ito sa mga kapuspalad na mamamayan ay mas pipiliin nilang isugal pa din ito na ibenta sa tao na ang nagiging kapalit kapag hindi nabili o naubos ay ang pagkasira ng produkto na itatapon na lamang at magiging basurang hindi napakinabangan. Muli, Kung magiging masinop lamang ang mga tao sa ilalim ng sistemang umiiral sa paggamit ng mga likas na yaman ay maaari pa itong pakinabangan ng mga susunod na salinglahi. At ito’y mangyayari lamang kung ang mismong pamahalaan o gobyerno ay gagawa ng mas pinaigting na batas tungkol dito at higit sa lahat ay sisiguraduhin nilang ito'y maipapatupad.

Subalit paano nga ba ito masosolusyunan kung mismong tayo'ng mga tao ay aliw na aliw sa iba't ibang klaseng produkto? Sa umiiral na kasalukuyan ay walang humpay na dinidiktahan tayo ng sistemang ito bente kwatro oras, pitong araw sa isang linggo (24/7) na ito ang kailangan mo, ito ang maganda para sayo, ito ang nababagay sa inyo,ito ang uso, at higit sa lahat ito ang dapat na meron ka upang maging katangaptangap ka at makasabay ka sa lipunan ating kinabibilangan.

Kung ganun pala ang takbo ng ating sistema, Ibig sabihin sa kasalukuyan ay palaging may nangunguna at ito ang dahilan kung bakit may nahuhuli o napupunta sa sinasabi nilang laylayan ng lipunan, walang perspektiba ang kasalukuyan ng sabay-sabay, kaya walang pagkakapantay-pantay, Walang pagtingin na kung saan walang aabante at walang magiging atrasado sa pag-asenso sa buhay na kung saan ang progreso ay nakabatay sa pagrespeto sa kapwa at kalikasan na kung saan naisasapraktika muli sana ang natural na proseso ng ekolohiya sapagkat paikot ang ugnayan kaya walang mauuna at mahuhuli.

Malinaw din na ang mga pagdidikta na ito ay isa lamang sa taktika ng sistemang kapital sa utos at paraan ng mga kumpanya sa tulong ng pamahalaan na nagbibigay permiso sa kanila upang maipagpatuloy nila ang kanilang mga operasyon para sa malawakan produksyon at magtuloy-tuloy ang bentahan ng kanikanilang produkto na hindi nakabase ang paglikha dahil sa pangangailangan ng tao ngunit sa halip ay sa mas mabilisan at mas malawakan tubo na nagiging sanhi ng mga malawakan pagkasira ng ating kalilkasan sa pangunguna ng mga minahan at logging at sa paglobo ng basura sa ating mundo araw-araw. Ito ang mas maganda, Ito ang mas bago, Ganun kasimple nila tayo dinidiktahan at ang kanilang mga prodkuto ay ibinebenta sa atin sa pangunguna ng mga komersiyal sa telebisyon, pahayagan, radyo,sa internet at maging sa mga lansangan ito ating masasaksihan. Subalit napapansin ba natin kung anong klaseng kaisipan ang gusto nila sa ating hubugin?

Para sa amin malinaw na hinuhubog nila ang kaisipan natin upang tayo ay maging tao na umiikot ang buhay sa mga materyal na bagay, maging isang ganap na materyaliskong tao na kung saan sa produkto nila nais ibatay ang ating moral, aksyon, kaugalian, pagiisip, pagtingin, pananaw at higit sa lahat ang kasiyahan o kaligayahan. Isang kaisipan na nagiging sanhi kung bakit patuloy na nasisira ang ating kalikasan, isang kaisipan na sumisira sa kultura ng pamumuhay na ang paggamit ng likas yaman ay nakabase sa pangangailangan lamang. Isang uri ng kaisipan kung bakit tambak tambak ang problema at basura sa ating lipunan. Isang materyaliksong kaisipan na kung saan ito ang nagiging dahilang kung bakit tumataas ang pagkonsyumo sa mga likas yaman sa lahat ng panig ng mundo.

At dahil sa konsyumerismo ng tao sa mga bagay-bagay dulot ng materyaliskong kaisipan, ay patuloy na maghuhukay ang mga dambuhala at ganid na kumpanya para sa hilaw na materyal sa pangunguna ng mga dambuhalang kumpanya ng minahan upang kunin ang mga sangkap na kakailanganin para makalikha ng isang produkto.
Mula dito ay makikita natin na mayroon ng malawakan pangwawasak at pangaabuso na ginagawa ang tao sa kanyang paligid sa simula pa lamang.
Ang pag dodomina at hindi masinop na paggamit ng tao sa likas na yaman ay ang araw araw na pangyayari sa kasalukuyan, na kung magpapatuloy ay maaaring manahin ng susunod na henerasyon o salinlahi. Malinaw na ito ay bunga ng sistemang umiiral, Ang sistemang Kapital, na kung saan tanging “TUBO” ang tanging prayoridad at hindi ang ikaaayos ng ating kalikasan at ikabubuti ng ating kapwa.
Ang sistemang kapital na kung saan mas ititinago ang panghuhuthot ng tao sa kapwa niya at kung saan mas laganap ang malawakan panggagahasa ng tao sa kalikasan.
Malinaw na ang sistemang ito ang ugat ng iba’t ibang problema sa ating lipunan gaya na lamang ng kagutuman, kahirapan, kawalan ng bahay, trabaho edukasyon, at sa krisis natin sa kalikasan partikular sa basura, Sapagkat habang ang iilan ay nagkakamal ng sobra sobra sa kanilang pangangailangan ay ang karamihan naman ay namamalimus ng mga latak o ng tira-tira. Habang ang iilan ay kumukuha ng sobra sobra, ang karamihan naman ay nauubusan at nawawalan, habang ang karamihan ay nagkokonsumo ng mga bagay na dikta ng sistemang at ang dahilan ay ang kagustuhan o luho lamang ay patuloy na may magaganap na kasiraan ng ating kalikasan at patuloy na lolobo ang problema sa basura. Mahalaga na magpakita tayo ng diskontento sa mga nangyayari, at bilang isang demokratikong bansa mahalaga din na kondinahin natin ang mga taong pinahiram natin ng kapangyarihan at pinagkatiwalaan para tayo ay pamahalaan.

Importante din na sa likod ng pagkondena at pagpapakita ng pagka diskontento sa mga di makatarungan pangyayari sa ating kapwa at kalikasan ay gumagawa tayo ng mga direktibo at mga alternatibong aksyon at pamamaraan na nakabase sa ating kakahayan upang mabawasan kahit papano ang mga problema na kinahaharap natin sa kasalukuyan partikular na sa problema sa basura. Importante na gawin at ipakita na natin sa iba na kaya tayo gumagawa ng mga ganitong klaseng aksyon ay para ipakita na ganitong klaseng mundo ang nais natin masilayan o makita.
Mahalaga din na nauunawaan ng bawat isa na nagsasapraktika at nagsasabuhay ng mga alternatibong pamamaraan na nakakatulong sa ating pamayanan at kalikasan na ito ay ginagawa natin hindi para ihiwalay ang ating mga sarili sa iba lalo na sa kalikasan o para lamang sagipin natin ang ating mga sarili. Higit sa lahat mahalaga din na gumagawa tayo ng mga alternatibog pamamaraan, hindi para pagtakpan ang problema na dulot ng iilan, sa halip gumagawa tayo ng mga alternatibong pamamaraan na nakakatulong sa kapwa at kalikasan upang sabihin, ihayag at ipakita na may problemang kinahaharap ang ating kasalukuyan.

Ang lahat ng mga direktibong aksyon na nagaganap at nakakatulong sa kapwa at kalikasan ay magandang paraan para direktang ipahatid ang mensahe na may siryosong krisis na kinahaharap ang ating lipunan sa iba't ibang aspeto na ang tanging makakapagresolba ay hindi isang tao, institusyon o organisasyon, sa halip ang bawat partisipasyon ng mga mamayan. Ang ilang magandang halimbawa na lamang nito pagdating sa usapin at problema ng basura ay ang pagsasapraktika ng pag segregate ng basura at higit sa lahat ang pagsasapraktika araw –araw ng kaisipan sa pagpili ng "KAILANGAN" at hindi ang "GUSTO" lamang.

At sa huli mahalaga na makalikha tayo ng isang bagong sistema na ipapalit sa sitemang umiiral, kung saan ang bagong sistemang malilikha din ng mga tao ay siyang maghahatid sa ating bagong mundo, Isang bagong mundo na walang panghuhuthot ng tao sa kapwa niya at walang pagdodomina ng tao sa kapaligiran niya. Isang sistema na muling maghahatid at mas huhubog sa ating kaisipan upang tayo ay mas higit na tumingin ng pantay sa ating kapwa at may pagrespeto sa ating kapaligiran bilang parte at maliit na bahagi lamang ng kalikasan.

Isang sistema na maaaring maghahatid sa atin sa isang mundong nanunumbalik ang dating balanseng buhay, may kapayapaan, may pagrespeto at pagmamahal sa bawat organismo o nilalang, sapagkat ang relasyon ng tao sa kapwa at paligid niya ay kaugnay at hindi kasangkapan. Maraming salamat sa lahat ng lumahok sa ICC 2017 sa pangungna ng Komunidad ng Mataas Na Pulo Nasugbu Batangas, Tumalim National High School, sa mga kasama at kaibigan namin sa larangan ng pagakyat ng kabundukan, at sa inisiyatiba ng aming Punong Abala sa gawain Pangkalikasan na si Kapatid Isagani “Gani” Botabara na ito’y tulungan bigyan katuparan.

21272772_2000742596838312_4088662787098467034_o.jpg
21617491_2000741456838426_9124611724862682743_n.jpg21617526_2000741783505060_1645748304008167296_n.jpg21640930_2000742620171643_2970364647753527442_o.jpg
21686446_2000741350171770_1006830375782636738_n.jpg21687804_2000741403505098_3226664194222205333_n.jpg21687826_2000741100171795_8620159984038952459_n.jpg21752433_2000742066838365_7041554934188840625_n.jpg21687804_2000741403505098_3226664194222205333_n.jpg21752433_2000742066838365_7041554934188840625_n.jpg21765038_2000741120171793_5704765727090446355_n.jpg21949764_2000741046838467_7994741423285822496_o.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 104568.21
ETH 3321.33
SBD 4.07