NON FICTION: TULIRO AT BALISA.

in #steemph7 years ago

Ilang gabi na akong litong-lito, hindi ko malaman kung ano ang gagawin dahil sa ganitong klaseng panahon. Malungkot na masaya, malungkot kasi hindi makaalis ng bahay at masaya dahil ang bilis tumubo ng tanim kong sili haha. Ang babaw ng kaligayahan ko. Mag-aalas Singko na gising pa ako, tapos papasok nanaman mamayang Alas Dos ng hapon na sabog na sabog sa antok sa kadahilanan na balisang-balisa. Wala naman akong dapat isipin pero isip ako nang isip. Hindi ko na talaga alam kung papaano gagawin o kung paano sosolususiyonan ang ganitong gawain.

ulcvn6rzhs.png

Pixabay

Ayan na nga mag-uumaga na at heto ako paikot-ikot lang sa kama na tila isang harina na minamasa sa panaderya. Ikot dito ikot doon, arte ko habang na sa higaan. Ewan ko ba bakit ganito, sinubukan ko naman isulat mga naiisip ko subalit wala rin akong maisulat. Minumulto ba ako o baliw na talaga ako? Haha. Napaka-rami kong tanong na wala namang kabuluhan, kapag gusto ko namang isulat nawawala naman sa isip. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Daig ko pa ang sinasaniban. Gustuhin ko man magpakonsulta sa espesiyalista, wala naman akong ganoon kalaking halaga. Sakto lang para sa ordinaryong doktor. Hindi pa nga tapos sa isa, heto nanaman. Sinusubukan ko naman matulog nang maaga pero hindi ko talaga kaya. Ang alas Nuyebe ng gabi sa akin ay parang ala Una lang ng hapon. Hanep na iyan! Ginawa ko naman na ang lahat-lahat ng mga payo sa akin ngunit maski isa ay wala namang epekto bagkus ay napamamahal lang ako sa gastos sa pang ara-araw.

Dati naman nag-bakasiyon naman ako, umigi naman nang bahagya ang kalagayan ko. Pagbalik ko naman sa amin walang-wala ako kasi nga naubos na sa magarbong biyahe. Naisip ko na hindi ako puwede sa ganoong buhay. Ayos lang sana kung mayaman, kaso hindi e normal lang ako na tao. Pala-palaging sakto lang ang lahat. Sana nga pala-palaging makapagpahinga ako nang maayos upang hindi ako masyadong nag-iisip ng kung ano-ano. Doon ako sa lugar kung saan hindi masyadong polusyon at saka lugar kung saan puro pasarap lang ang gagawain ko at pansamantalang kalilimutan ang trabaho. Nakaiinis kasi talaga magtrabaho, mantakin 8 oras magtratrabaho, ang tagal-tagal ng 8 oras. Naku! Kung hindi lang talaga, hindi na ako magtratrabaho haha. Walang pagpipilian kasi. Mahirapa talaga maging mahirap diyos ko! Iyan ang suma-total ng buhay mahirap. Palagi kang walang pagpipilian kung hindi puro hirap, kapag pinili mo ang sarap, maya-maya lang ay hirap na rin ang kasunod. Hindi mo nga nasusulit ang oras, andiyan na kaagad ang mga bagay na magsisilbing daan para malaman mo na hindi ka puwedeng magpasarap sa araw-araw. Tulog na nga lang ang magandang mangyayari sa araw ko, hindi ko pa magawa nang maayos. Wala na talaga. Ang pag-asa ko na lang ay kung mananalo ako sa Lotto. Suntok sa buwan naman yata iyon haha. Ang sarap isipin na marami kang pera at alis lang nang alis at walang iniisip na iba. Sana naman dumating iyong panahon na lahat ng tao ay masaya. Wala naman kasi akong dapat isipin talaga, ewan ko ba bakit ganito. Hay naku! Ayoko na talaga. Huwag niyo akong gagayahin matulog kayo nang maaga. Susubukan ko na lang matulog. O siya hanggang dito na lang ako paalam.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Coin Marketplace

STEEM 0.13
TRX 0.24
JST 0.032
BTC 83904.00
ETH 2099.68
USDT 1.00
SBD 0.63