LIGHTS.
Ito ang aking ikatlong araw para sa pagsubok pinamagatang "ilaw". Ang ilaw ay masasabi kong liwanag na nagbibigay sa isang lugar kung saan ay madilim. Madalas natin ginagamit ang ilaw tuwing gabi. Masasabi ko rin ang ilaw ay isang aparato na pambugaw ng lamok. May ilaw na nakasisilaw, mayroon namang hindi. Iba-iba rin ang klase ng mga ilaw. Alam niyo naman siguro iyan hindi ba? May mahaba, may maliit. Ang mga ilaw na maliliit ay gamit lang sa banyo o kaya naman kung ang sala ay maliit lang, nang sa gayon ay makatipid sa kuryente.
Ang una nating maiisip sa salitang "ilaw" ay ang ating mga nanay hindi ba? Kasi sila ang ilaw ng mga tahanan. Masuwerte ang mga tao na lumaki na may nanay sa kanilang mga tabi. Paano na lang kami na lumaki sa piling ng ate namin? Mga ate ko na siguro ang nagsilbing nanay ko sa mahabang panahon. Binatilyo na rin kasi ako noong makilala ng tatay ko ang aking pangalawang ina. Gayon pa man kahit lumaki akong walang ina ay busog naman ako sa pagmamahal ng mga kapatid ko at saka ng aking pangalawang ina (step mother.) Hindi ko lang mapagbigyan talaga ang kanilang hiling. Simple lang daw ang kanilang hiling ayon sa kanila. "DeShawn mag-asawa kana at gumawa ng mga anak." Nagmamakaawang sabi nila sa akin. Hay naku! Ayaw ko pa, kahit na sabihin niyo pa na kayo ang magaalaga, kung gusto niyo talaga kayo na rin ang bumuhay. Anas ko sa sarili. Sobrang hirap kaya bumuhay ng isang tao haha.
Ang ilaw ay mahalaga para sa mga manok. Ito ang nagsisilbing init nila. Minsan kasi ay hindi na kaya ng inang manok na bigyan ng init ang lahat ng sisiw niya. Kaya naman nilalagyan namin ng ilaw maghapon at magdamag ang mga manok namin. Mga manok lang pala ng ate ko haha.
Naisip ko rin siyempre ang mga kababayan natin na walang kuryente sa kanilang mga bahay. Ano kaya ang pakiramdam? Sa tingin ko mahirap talaga mabuhay kapag walang ilaw. Unang-una sobrang dilim kapag gabi. Kawawa naman ang mga bata. Sobrang init ang kanilang nararamdaman lalu na kung tag-init. Damang-dama nila ang lamok na kakagat sa kanila. O pati na rin iyong mga ibang insekto na kakagat o dadapo sa kanila. Ayon sa aking katrabaho tuwing gabi lang daw sila mayroong kuryente, sa umaga ay wala, sapagkat malayo na raw sila sa kabiyasnan. Sa bayan ng Poliliio, lalawigan ng Quezon nga pala ang kaniyang probinsiya. Probinsiya rin naman ang tinutuluyan niya, nga lang mas malapit ang Bulacan sa kabisera ng Pilipinas. Ika pa niya madalas din silang walang ilaw sa gabi sa kadahilanang nagkakaroon ng aberya sa pinagkukunan ng kuryente. Kaya madalas ay kandila lang daw ang gamit nila. Sa umaga naman tiis-tiis na walang kuryente o kaya naman daw may generator, kaso uupahan pa ang paggamit ng isang generator. Kaya iyon naisip niya na mamuhay nang malayo sa kaniyang mga mahal sa buhay, nang sa gayon ay makabili siya ng isang generator na pagkukunan nila ng kuryente sa lalawigan ng Quezon.
Importanteng-importante ang ilaw sa mga sasakyan. Hindi puwedeng isa lang ang ilaw, kailangan talaga ay kumpleto palagi. Maraming beses na ang nangyari na nagsalpukan ang mga sasakyan sa mga kalsada sanhi ng walang ilaw. Mangyari lang po sana na bago umalis ay siguraduhin na gumagana ang lahat ng ilaw ng sasakyan, nang sa gayon ay maiwasan natin ang sakuna sa kalsada. Ibayong pag-iingat po sa pang araw-araw na gawain natin sa kalsada. Kailangan din siyempre ang ilaw sa kalsada, makatutulong po iyan talaga sa ating mga tiga-maneho. Mahirap bumiyahe nang madilim ang kapaligiran.
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.