COFFEE IS LIFE.

in #steemph6 years ago

uycca5tsc4.png

Image Source: Pixabay.


Ang kape ay buhay. Kape na nagbibigay buhay sa mga mata natin na mapupungay. Kape na gumigising sa isipan natin na halos ay gabi-gabing tulog na. Ano ba ang epekto ng kape sa atin? Mayroong masama at mabuting epekto ang kape sa ating mga katawan. May masamang epekto pala sa atin ang kape pero bakit natin iniinom pa rin? Hindi naman ganoon kasama ang epekto. Sa tingin ko nagiging magugulatin tayo sa halos araw-araw, kaunting kibot lang heto at pitlag na pitlag na kaagad tayo. Minsan sa sobrang pagkapitlag ko minura ko iyong kasamahan ko sa trabaho tapos tiningnan ko nang masama. Isa lang iyan sa mga epekto kapag napipitlag ako. Kaya huwag na huwag niyo akong pipitlagin haha.


Ang mabuting epekto naman siyempre alam na alam niyo na, kapag malamig ang panahon puwedeng-puwede na pamapainit ang kape sa ibang paraan huh? Hindi sa iniisip niyo a. Sa tingin ko talaga mayroong pamapaadik itong kape, may caffeine na kapag natikman na hahanap-hanapin na natin. Batid ko na kapag iniinom niyo ay ganiyan din ang nararamdaman niyo. Huwag niyo nang itanggi sapagkat hindi na kayo uulit kapag hindi kayo nasarapan. Normal lang naman sa ating ang ganiyan.


Maraming klase ng kape; Mayroong matamis, maraming gatas at saka mapait (puro kung baga). Sa akin puwede kahit alin diyan. Ang importante kumukulo ang tubig kasi kapag maligamgam ang tubig hindi masarap ang kape. Naintindihan niyo naman siguro ang nararamdaman ko. Ang gusto ko talaga ay halos mapaso na ang labi ko sa init ng tubig. Sa kadahilanang moderno na ang panahon ay may mabibili na tayo tinatawag na 3 in 1. Ito ay kung saan kumpleto na at iinumin na lang. May asukat, gatas at saka kape na kaya titimplahin na lang tapos sabay inom walang kapagod-pagod at kahirap-hirap. Ang dali ng buhay noon kumpara noong araw. Dati halos nilalanggam pa ang mga asukal natin sa bahay. Ngayon hindi na, ora-mismo timpla na. Ang gusto naman ng karamihan ay purong kape at kaunting asukal lang. Umiinom din ang ako niyan kaya nga lang madalang lang kasi hirap na hirap ako matulog sa gabi, tinitira ko rin iyan kapag naglalamay ako. Inuumaga na kasi ako sa harap ng kompyuter kapag itim na kape talaga ang tinitira ko. Hirap na hirap din akong gumising ng Ala-Una para pumasok. Ganoon ang epekto sa akin ng kape na walong halos gatas o creamer na tinatawag na ginawa para lang ihalo sa kape. Normal kong tinitira ay sakto lang kaunting creamer o gatas para sa nagbabagang utak ko at higit sa lahat ang para masolusiyonan ang kaadikan ko sa kape.


Kape talaga ang halos bumubuhay sa akin ngayon, madalas kong makalimutan ang hapunan dahil sa kape ganoon din ang tanghalian minsan kapag naman Alas-Onse na ako uminom ng kape. Ang kapehan ko ay hindi pambata, pangmalaking tao talaga. Sa tingin ko doble nang ordinaryong tasa. Kaya naman talagang hirap na hirap pa rin ako matulog. Marami akong kilala sa rito sa Steemit na adik din sa kape. Hindi man natin aminin sa sarili, ay maraming naitutulong ang kape. Mantakin mo matapos natin ang trabaho sa sandaling oras lang? Oo andiyan na ako dahil masipag tayo subalit hindi natin magagawa iyan kung hindi dahil sa kape. O kayo ano ang uri ng kape ang gusto niyong inumin?


Masarap magkape habang nakikinig sa mga paborito nating mga kanta. Subukan niyo rin gawain at madadaig niyo ang mga iniidolo niyong mga singer o rapper. Hanggang sa muli paalam at magandang gabi.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

O kayo ano ang uri ng kape ang gusto niyong inumin?

Yung kulay brown na kape. 🤣

Adik din ako jan pero wala talagang epekto sakin yung pampagising effect. Kahit gaano kadami ang inumin ko. Nakakatulog pa rin ako agad. Haha

Posted using Partiko iOS

Kailangan mo rin kasi matulog paminsan-minsan para tumalab ang epekto ng kape. Nakatutulog din ako kapag pagod na pagod talagang hindi tumatalab kahit na ano.

Hello, as a member of @steemdunk you have received a free courtesy boost! Steemdunk is an automated curation platform that is easy to use and built for the community. Join us at https://steemdunk.xyz

Upvote this comment to support the bot and increase your future rewards!

This Account @anilkumarb is Now Under Quarantine
It is in The Hand of Hackers / Phishers.
Do Not Up Vote !

Warning! Do not interact with @anilkumarb Account.
Do Not Click , on any of the comment.
It will lead to The Phishing Site.

This Account @anilkumarb is Now Under Quarantine
It is in The Hand of Hackers / Phishers.
Do Not Up Vote !

Warning! Do not interact with @anilkumarb Account.
Do Not Click , on any of the comment.
It will lead to The Phishing Site.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54349.85
ETH 2284.90
USDT 1.00
SBD 2.32