Monday Short Stories and Poetry with @SteemPh

in #steemph6 years ago (edited)

image

“Gising na, bangon na kaibigan! Masarap ang almusal!”

Ito ang kadalasan kong bungad na pambati tuwing umaga. Halaw ito mula sa~
“Gumising ka na at maghilamos, Pilipinas! masarap ang almusal!”

Pamilyar ba? Kung alam mo ang pinagmulan ng pagbati na ito, malamang isa ka din sa panatikong tagasubaybay ng dating tanyag na web developer/online writer/blogger na rin na ngayon ay mas kilala na bilang sikat na manunulat ng libro. Itago na lang natin siya sa pen name na Bob Ong.

Bata pa lamang ako ay hilig ko na ang pagbabasa ng mga maikling kwento, tula at mga sanaysay sa wikang Filipino. Lumalim ang pagkahilig ko sa mga ito nang mabasa ko ang mga akda ni Ginoong Jun cruz Reyes na siyang nagbukas ng aking kamalayan tungkol sa mas mahuhusay pang obra at mga kakaibang teknik sa pagsusulat.

Minsan na rin akong nangarap na maging isang manunulat subalit hindi ko pinursige. Hindi kami iyong tipo ng pamilya na nakakaluwag-luwag sa buhay kaya hindi ko pwedeng piliin ang pansariling interes. Kailangang mamili ng mas praktikal at iyong makakakuha ka ng mas mainam na trabaho. Itinatak ko sa aking isipan na "walang pera sa pagsusulat".

Pero nung nag-aaral ako sa kolehiyo ay mas sumidhi ang aking pagnanasa na magsulat dahil doon ko na nakilala ang isa sa aking iniidolong manunulat, si Bob Ong. Nagsimula na akong kolektahin ang mga libro niya at lalo pang na-engganyo na maghanap ng iba pang babasahin mula sa ibang awtor. Dito ko na rin natuklasan ang mga akda nina Eros Atalia, Bebang Siy, Ricky Lee, Benjamin Pascual, Lourd De Veyra, atbp. At muli, nangarap ako na maging isang manunulat.

Namatay na naman ang aking pangarap nang magdesisyon ako na magtrabaho na dahil kailangang buhayin ang pamilya. Matagal ko naisantabi ang aking hilig sa pagsusulat at inakala na mawawala na lamang ng tuluyan ang aking pagnanasa na makapag-kwento at makapagbahagi ng istorya pampanitikan. Ibinaon ko na sa limot ang aking kagustuhan na magsulat.

Sabi nga nila, kapag may pinto na nagsasara, meron din naman na nagbubukas. Isang oportunidad ang nagbukas sa akin nang maimbitahan ako na sumubok magsulat ng article/blog dito sa Steemit. Salamat sa imbitasyon ni @ruah dahil siya ang nagdala sa akin dito. At sa tulong naman ni @tagalogtrail nakilala ako bilang manunulat ng kwento. Napakasaya ng aking karanasan. Napakadami ko pa naging kaibigan. Napakadaming bagong kaalaman. At napakalaki ng room for improvement.

Muli ay nabigyan ako ng oportunidad nang mapili ni madam @bearone bilang writer/curator ng mga tagalog short-stories, poetry and essays para sa community account ng @Steemph. Isang napakalaking karangalan para sa akin ang mapabilang sa mga magsusumite ng sulatin para sa community. Kaya andito ako ngayon para ilahad ang aking napili na mga akda para ma-feature sa Monday Curation of Tagalog Short-Stories and Poetry

Simulan na natin...

ULAN : A Short Filipino Poetry

image

Ating basahin ang tula ng sentimiyento ni @julie26 na siyang nagbahagi ng nararamdaman niya tuwing umuulan. Mula sa pagkagusto sa lamig ng panahon at mga aktibidad na maaaring gawin kapag umuulan, hanggang sa paggunita sa pagmamahal ng isang tao na kanyang nagugustuhan… na katulad ng isang ulan.


TAGALOG WRITING TIP #1: TAMANG PAGGAMIT NG GITLING

Dagdag kaalaman para sa mga gustong sumulat ng kwento o katha sa wikang Filipino. Kailangan munang linangin ang kasanayan sa paggamit ng wastong mga salita at sundin ang panuntunan para sa mas maayos na paggamit ng mga pananda. Inihahatid sa atin ni @jemzem ang tamang paggamit ng gitling o hypen para sa mga salitang nangangailangan nito. Napakalinaw ng kanyang pagtuturo at madali mong maiintindihan dahil sa ibinigay niyang mga halimbawa.


Buhay Kolsenner

Akmang-akma ang mga dayalogo na nagamit at tunay na sumasalamin sa buhay ng mga call center agents sa Pilipinas ang kwentong naisulat ni @romeskie. Ang pagod, puyat at iba’t-ibang karanasan ng mga empleyado sa ganitong trabaho pati na rin mga pinagdadaanan nila sa buhay ay higit na madamdaming kwento.


Lenie ang Makabangong Estudyante: BUHAY KOMYUTER

Hindi ko na mabilang kung pang-ilan na ito mula sa serye ni Lenie. Ang fiction serye ni @beyonddisability na tumatalakay sa buhay-estudyante na bukod sa puno ng komedya ay kapupulutan din ng aral. Ngayon naman ay ang pagbyahe ni Lenie papuntang Divisoria ang kanyang isinulat sa kanyang diary. May pagka-millenial ang dating ng kwento dahil sa mga salitang nagamit at napapanahon din ang issue na nakasaad sa kwento.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.

Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.

Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.

Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.

Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 4days old)

Hanggang sa susunod na edisyon, heto po muli ang inyong lingkod na si Jampol @johnpd at abangan ang mga susunod ko pang curation. Paalam, kaibigan!

image

Disclaimer: All post pics from the respected authors’ post.

Sort:  

Nice one kuya jampol! Salamat sa pag-feature at congrats sa mga na-feature din!

Maraming salamat sa pag-feature ng post ko, lodi jampol. 😊
Mabuhay ang mga Pinoy na manunulat! ♥

Salamat ng marami @steemph sa pag-feature ng aking tula!

salamat po @steemph sa pagfeature sa aking akda
mabuhay po kayo

Galing ng mga napili! Salamat boss @johnpd.

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Hello @steemph, thank you for sharing this creative work! We just stopped by to say that you've been upvoted by the @creativecrypto magazine. The Creative Crypto is all about art on the blockchain and learning from creatives like you. Looking forward to crossing paths again soon. Steem on!

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.27
JST 0.041
BTC 104021.29
ETH 3869.26
SBD 3.33