Monday Short Stories & Poetry with @steemph

in #steemph6 years ago

Papayag ka ba?

...na alisin ang subject na Filipino sa College?

...na pag-aralan sa Grade 11 at Grade 12 ang Korean language?

Iilan lamang iyan sa mga isyu ng ating lipunan sa ngayon. Hindi ako magbibigay ng aking sariling opinyon. Bagkus mag-iiwan na lamang ng isang katanungan na susubok sa pagiging makabayan nating mga Pilipino.

Mahal mo ba ang iyong sariling wika?

Kung gan'on, ano ang maiaambag mo sa lipunan para lalong mapagyaman at malinang ang kahalagahan ng sariling wika?

Simulan na natin ang Curation.

Maria, Ikaw Ba'y Tunay na Malaya?

May angking talino. May angking talento. Mahinhin. Mayumi. Maganda mula sa loob hanggang sa labas. Maraming angking yaman. Kahali-halina. Iyan si Maria. Marami ang naaakit at nahuhumaling sa kaniya.


Word Challenge #:21 'Kalawakan'|Tagalog Edition

Naglalakbay sa kawalan
'di alam ang patutunguhan.
Nakalimutang may kumikinang,
bilyung bituin sa kalangitan.


Word Poetry Challenge #21 : "Kalawakan"

"Mahal kita", aking iwiwika sa iyo sinta
Saksi ang asul na dagat, malalim at payapa
Sa ilalim ng sinag ng buwang kay rikit
Sa saliw ng hangin at tahimik na langit

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ikatlong araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@webcoop
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayTBATBA

Sort:  

Yung mga nagpapakana nyang mga ganyan n alising national language ay yung mga walang pagmamahal sa sariling wika. Pagdating ng araw mas magaling pa yung foreigners mag-Tagalog kesa sa'tin pag ganyan lang. Tsk.

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 106036.78
ETH 3340.02
SBD 4.43