Monday Short Stories and Poetry

in #steemph6 years ago

image

"Filipino: Wika ng Saliksik.”

Ito ang ibinigay na tema mula sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na siyang naglalayon upang ang wikang Filipino ay gamitin bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.

Malayang ipinapagamit sa alin mang institusyon ang nasabing larawan kaya hindi ko na kailangan pang banggitin ang pinagkuhanan nito. Alinsunod sa nasabing tema, nagbigay din sila ng mga sub-themes para sa lingguhang aktibidad na sinang-ayunan naman ng ating gobyerno.

a. Filipino: Kasangkapan sa Pambansang Karunungan
b. Kayamanang Kultural: Saliksikin Gamit ang Sariling Wika Natin
c. Filipino, Isang Dakilang Pamanang-Bayan
d. Intelektuwalisasyon ng Filipino, Para sa Kaunlaran ng Bansa

At para naman sa mga naganap na at magaganap pa na mga proyekto at seminars, narito ang kalendaryo ng mga activities para sa kabuuan ng programa.

Hindi lamang sa mga paaralan limitado ang mga programang ito ng ating pamahalaan. Ang lahat ay inaanyayahang makilahok at makinig sa mga ganitong pagtitipon. At hindi lang din para sa paaralan ang pagpapalaganap ng wikang Filipino bilang wika ng saliksik. Lahat tayo ay may kanya-kanyang responsibilidad na dapat gampanan upang pagyamanin at paglinangin ang ating sariking wika.

At dito sa Steemit, nawa'y marami pa ang sumulat sa wikang Filipino. Gamitin natin at ipagmalaki ang sariling wika. Suportahan natin ang mga komunidad na nagbibigay parangal sa mga sumusulat sa wikang Filipino. Isa na dito ang Steemph. At syempre, ang weekly curation ng mga akdang isinulat sa wikang Filipino.

Pagtulong ~ Orihinal na tula

Isang simpleng tula ng pagpapaalala ni @khat.holanda23 at nagsasabing sa mga pagkakataong kaya mong tumulong, gawin mo anumang bagay na makakaya mo. Tinalakay din niya ang ilan sa kaugaliang Pilipino tungkol sa pagtulong. Ang Mañana Habit o Mamaya na Habit ay isang uri ng kaugalian na nagpapabagal o naglilimita sa atin para makakilos agad at makapagbigay ng tulong. Dapat nating mabago ang maling kaugalian na ito.


FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE IX: WAKAS NA BAHAGI NG UNANG PANGKAT

Napakahusay talaga magkwento ni @beyonddisability at marami ang napahanga sa kanyang pagtatapos ng kwento sa isang dugtungan-seryeng patimpalak. Sa tema na horror at romance, napagtagpi-tagpi niya ang mga ibinigay na prompts at naisaayos ang mga iyon upang lalo pang pagandahin ang takbo ng istorya. Hindi madali ang kanyang ginawa dahil bukod sa kailangan niyang basahin ang mga akda ng nauna, kailangan din niyang bigyang-linaw ang mga kaganapan at ang mga pagpapaliwanag kung bakit nangyayari ang mga ito. Sa aking rekomendasyon, kailangang basahin mo ang kwento bago ka matulog sa gabi.


Word Poetry Challenge #13 : Pilipinas

Ito ang entry ni @annazsarinacruz sa patimpalak ni ginoong @jassennessaj at may paksa na Pilipinas. Gumamit ang awtor ng ilan sa malalalim na Tagalog upang bumagay sa rima ng tula. Napuna ko lamang ang hindi wastong paggamit ng salitang ng at nang sa kanyang likha subalit malinaw pa rin naman ang mensahe na kanyang nais ipaabot. Tunay ngang makasaysayan ang ating bansa at napakaraming napagdaanan bago ito tuluyang naging malaya.

Marami ang nagtatanong, "paano ba kami makakasali sa pini-feature mo na artikulo tuwing Lunes?" Simple lamang po, basahin po ninyo ang mga patakaran sa ibaba.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@webcoop
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayArts & Crafts@olaivart

Disclaimer: All post pics from the respected authors’ post.

Sort:  

Maraming salamat po @steemph at ginoong @johnpd. Hindi ko po itatanggi na hanggang ngayon po ay nahihirapan pa din akong gamitin sa tama ang Nang at Ng. Maraming salamat po sa pagpili sa kabila ng mga pagkakamali ko sa aking akda :)

Mabuhay po kayo!

maraming salamat po @steemph at G @johnpd sa pagpili ng aking likha.
mabuhay ang likhang Filipino sa steemit haha

Napakahusay ng iyong kathang tula binibining @annazsarinacruz

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.24
JST 0.040
BTC 103447.46
ETH 3313.50
SBD 6.28