Panulaan ng Diwa # 6 - Palo Sebo (Larong Pilipino)

in #steemph6 years ago

Inspiration/Inspirasyon

This poetry is part of a series to immortalize my fond memories of Filipino games of my younger years. The games I feature in this series are hardly being played by today's Filipino youth, as most of them are more inclined towards playing computer games. Palo Sebo is believed to be a game inspired by the Spanish cucaña. It is our local version of greasy pole.                                                                                                                 The game was usually played in the many festivals in the Philippines. The game play involves climbing a polished and greased long bamboo pole with the goal of getting a prize in a bag or in form of a small flag the fastest. Because of the physical and rather tiring nature of the game, the participants were usually young energetic boys. Like shown in the photo below, they take usually take out their shirts and use it to wipe some of the grease out of the bamboo to avoid sliding back down.                                                                    
Ang tulang ito ay parte ng isang seryeng naglalayong panatilihing buhay ang masasaya kong alala tunkol sa mga tradisyunal na laro sa Pilipinas. Ang mga tampok na laro ditto at madalang nang nilalaro ng mga kabataang Filipino sa ngayon. Ang Palo Sebo ay larong pinaniniwalaang hango sa cucaña ng Espanya. Sariling bersyon nating ito ng posteng malangis.                                                                                                         Ang Palo Sebo ay karaniwang nilalaro nuon sa mga kapistahan sa Pilipinas. Kinakailangang akyatin ng mga manlalaro ang kininis at nilangisang mahabang kawayan ng may hangaring makuha ang premyo sa dulo ng kawayan ng pinakamabilis. Dahil nga sa nakapapagod ang larong ito, karaniwang mga kabataang lalaki ang sumasali. Tulad ng pinapakita sa larawan sa baba, hinuhubad ng mga manlalaro ang kanilang kamiseta upang gamiting pamunas sa langis ng kawayan.

Image Source: Mark Vincent Aposaga Flickr, CC BY 2.0

Palo Sebo - Larong Pilipino

Mahabang kawayan na nilangisan pa,
Sa dulo ay patpat na may'rong bandila.
Sa paguunahan magkakandudulas,
Magkakandahulog kapag minamalas.

Ang buong katawan nila'y ikakapit,
Mumunting bandera'y aabuting pilit.
Ang kamay at bisig, binti't talampakan,
Silang gagamitin sa paguunahan.

Hindi alintana ang init ng araw,
Patak man ng ulan sigla'y pinupukaw.
Maunahan lamang ang mga kaagaw,
Magiging 'sing lakaw ng mga kalabaw.

Karaniwang suot ay pangbaba lamang,
Kamiseta'y pamunas ang s'yang malamang.
Kinis ang kawayan at hindi magaspang,
Pagkat sa salubsob mawawalang tapang.

Sa tuktok ng tubo ay may gantimpala,
Salapi o bagay na may'rong halaga.
Pagiibayuhin ang pagtitiwala,
Ang pagsisikap nya'y alam ng bathala.

Video Source: UNTV - YouTube

gvemqe45ab.png

xl5pdbviot.gif

Sort:  

By steemitph.... Please help me to grow my page... Ur up likes and comments my post will help to do so🙏🙏🙏

Interesting! Really great idea for creating game like this; the participants would get a lot of exercise. They would be strength and have healthy body. And this looks very fun game as well. Thanks for sharing. ;)

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.21
JST 0.036
BTC 98020.03
ETH 3358.93
USDT 1.00
SBD 3.29