Tapusin ang Kwento | Isang Patimpalak

in #steemph6 years ago (edited)

Magandang araw! Narito na naman po ako para sa isa na namang linggo ng patimpalak! Ngayong linggong ito ay naisip kong pukawin ang ating malikhaing pagsusulat. Nakita ko ang istilong ito ng patimpalak sa iba ring steemians ngunit lahat ay sa ingles. Kaya naisipan kong gumawa ng tagalog na bersiyon.

Tapusin ang Kwento

image
Pinagkunan

Ako ay gagawa ng panimulang bahagi ng kuwento at ibibigay ko sa inyo ang pagkakataon na bigyan ito ng katapusan ayon sa inyong interpretasyon.

**Narito ang mekaniks ng ating patimpalak:

  1. Tapusin ang panimula ng kuwentong ibibigay ko gamit ang wikang tagalog.

  2. Ang iyong akda ay hindi dapat bababa sa limandaang (500) salita at hindi rin bababa sa limandaang (500) salita at hindi rin lalampas sa walong daang (800) salita.

  3. Maaaring gumamit ng kahit na anong genre o tema.

  4. Orihinal na katha lamang ang aming tatanggapin.

  5. I-upvote at i-resteem ang post na ito para marami tayong mayakag na sumali.

  6. Gamitin ang tags na #steemph at #tagalogtrail sa iyong akda.

  7. Isang entrada po lamang sa bawat isang Steemian.

  8. Kung gagamit ng larawan ay lagyan ng nararapat na credit kung hindi iyo.

  9. I-comment ang link ng iyong akda para maisali sa patimpalak.

  10. Ang deadline ng pagpasa ng mga akda ay sa September 04, 2018 ng tanghali.

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪

Handa na ba kayo?

Narito ang kuwentong inyong dudugtungan.

Marahang binabaybay ni Gabriel ang kahabaan ng dalampasigan gaya ng nakasanayan niyang gawin sa tuwing siya ay nahahapo sa magulong daloy ng mundo sa kaniyang paligid. Malumanay ang hampas ng alon sa dagat na hinahayaan niyang bahagyang humalik sa kanyang mga binti. Salungat sa daloy ng diwa niyang tila daluyong ng samo't-saring isipin na bumabagabag sa kaniyang kalooban. Gusto niyang malunod sa kaniyang sariling mga emosyon kaya mas ninais niyang mapag-isa. Hindi niya rin maunawaan kung ano ba talaga ang kaniyang hinahanap. O kung mayroon ba siyang hinihintay.

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪

Ngayong linggo ay kumuha ako ng tutulong sa akin sa pagpili ng mananalo.

  1. @romeskie
  2. @twotripleow
  3. @tagalogtrail

Pipili kami ng tig-iisang may-akda na magkakamit ng tig-iisang SBI (Steem Basic Income) shares. Ano kamo ang SBI? Ito ay isang social experiment na naglalayong tulungan tayong mga steemians na mas kumita pa sa steemit. Maaari niyong basahin ang tungkol dito sa kanilang FAQ

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Hihintayin namin ang inyong mga akda!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.27
JST 0.041
BTC 104021.29
ETH 3869.26
SBD 3.33