Ikwento mo sa Steemit | Isang Patimpalak

in #steemph6 years ago (edited)

Magandang araw mga kababayan, katropa, kapuso at kapamilya! Nais ko sana kayong imbitahan na sumali sa aking patimpalak na pinamagatang "Ikwento mo sa Steemit!"

image
Pinagkunan

Ang patimpalak na ito ay naglalayong hikayatin ang bawat isang pilipinong manunulat na magsulat sa wikang tagalog. Napakasimple lamang ng kailangan mong gawin. Mamili ka sa mga paksa na ibibigay ko at magsulat ka ng isang sanaysay tungkol dito.

Narito ang mga paksang pagpipilian:

  1. Nakakahiyang karanasan na di mo malilimutan.
  2. Pinakamimithi mong makamit sa buhay.
  3. Laruan (manika, robot, kotse-kotseha , atbp) na hindi mo kayang ipamigay, ipahiram o mawalay.

Narito naman ang mga mekaniks ng ating patimpalak:

  1. Ang iyong akda ay dapat nakasulat ng pa-sanaysay sa wikang tagalog. Pwede namang mag-taglish pero mas mainam kung kahit 90% ay tagalog ang gamit mong wika.

  2. Ang bilang ng salita ay hindi dapat bababa sa tatlondaang salita. Pero hindi lalampas sa isanlibo't limangdaan.

  3. Orihinal na katha lamang po ang aking tatanggapin.

  4. Maaari ka ring gumawa maikling lwento tungkol sa mga paksa, fiction man o hango sa totoong buhay. Huwag lamang kalilimutang ilahad kung ito ay tunay na nangyari o hindi.

  5. I-upvote at i-resteem ang post na ito para mas marami tayong mahikayat.

  6. Gamitin ang tags na #steemph at #tagalogtrail sa iyong akda.

  7. Isang entrada po lamang sa bawat isang Steemian.

  8. Kung gagamit ng larawan ay lagyan ng nararapat na credit kung hindi iyo.

  9. I-comment ang link ng iyong akda para maisali sa patimpalak.

  10. Ang deadline ng pagpasa ng mga akda ay sa August 28, 2018 ng tanghali.

Pipili ako ng tatlong mananalo na magkakamit ng tig-iisang SBI (Steem Basic Income) shares. Ano kamo ang SBI? Ito ay isang social experiment na naglalayong tulungan tayong mga steemians na mas kumita pa sa steemit. Maaari niyong basahin ang tungkol dito sa kanilang FAQ


♥.•:¨Hihintayin ko ang mga akda niyo. ¨:•.♥


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Mam @romeskie, maari po ba gamitin ang tatlong paksa ng sabay sabay??

Hmm.. 🤔 mukhang maganda iyan @cradle! Pwede mo namang gawin. Haha
🤓🤓🤓
Aabangan ko kung paano mong mapag-uugnay ugnay ang mga paksa.

Hahaha, isang paksa nalang muna mukang mahirap kung sabay sabay

Sasali ako dito! Hahah

Hehe. Salamat sa suporta pinuno. Hintayin ko ang entry mo.

Aba-aba teka lang ano iyang SBI na iyan haha. Sasali siyempre.

Salamat sa pagsali Piolo. 🤣

hahaha salamat at naaliw ka madam.haha

Posted using Partiko Android

Salamat sa pagsali! 👻

Sana maenjoy mo 😁😁😁

This comment was made from https://ulogs.org

Bet na bet 🤗

Posted using Partiko iOS

Ayan. Sali ka ha.. hehehe

Sali ako dito haha..try ko maging lahok ang di ko makakalimutang karanasan haha.😊

Go go go! Hintayin ko ang entry mo ha. :-)

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 97111.20
ETH 3382.29
USDT 1.00
SBD 3.20