Maghihintay ba ako?

in #steemph6 years ago

IMG_20180908_095934.jpg

(ako to!!ano naman ngayon?haha)

Tanong na pumapasok palagi sa aking isipan. Ang alam ng iba hindi ako tinatamaan ng lungkot dahil ako lagi ang nag-uumpisang magpatawa. Oo nagpapayo ako, nagmamayabang pero hindi ko alam ang dahilan. Ugali ko ay basta makapagsabi lang ayos na yan. Natyempohan lang siguro na tumama ang sinabi ko kaya tumatawa sila at naiintindihan. Siguro lahat naman tayo ay nakaranas ng pagkabigo pero hindi pareho. Minsan na akong umasa sa buhay. Buong akala'y maabot ko na ang tagumpay. Nang hinawakan ko sya biglang nawala. Patuloy ako sa paghawak ng mahigpit ngunit sadyang panahon ay hindi papayag na ipilit. Biglang tumatak sa isipan "anong silbi ng pagsisikap kung wala namang sarap". Umalis ako buhay ng pangarap at namuhay ng walang inaalalang bukas. Naiinggit ako sa naabot nila pero tintanong ang sarili ko, "sa aking mangyayari ba yan?" Tumatak na sa isipan ko ang salitang "bahala." Mas pinili kung laging ganoon kesa aasa sa wala. Kulang pa ba ang mga paraya at paghihirap para hindi ko maabot ang ulap? Anong silbi ng bukas kung ang buhay ko'y meron ng wakas? Bakit pa ako mangangarap kung hindi rin naman matutupad. Piliin ko na lang magkaroon ng simpleng buhay. Wala akong inaalala, wala ring pangarap na pwedeng magtaksil pa. Hindi nalulungkot? Sinong hindi pero tinatago at kinikimkim lang. Kapag lumipas din ang panahon mawawala ang sakit. Ayokong mandamay ng iba kaya kung may mangyayari sa akin wala sa aking mag-alala. Kung pangarap man ay hindi mangyayari, ang importante tanggap mo ito sa iyong sarili. Total mag-isa naman ako sa buhay, ano bang pwedeng mawala.
Paalala lang ah, hindi ako umiiyak. Ipinapaliwang ko lang na wala akong pakialam sa iba. Kontento ako na hindi, natural masaya akong nalukungkot. Teka pano nga ba?! Hindi ko alam kaya nga ako nagtatanong. "Maghihintay pa ba ako?" Sasagotin ko to ah. Wala akong hinihintay, kung sinong darating sa buhay ko sila din yong aalis. Masaya ako kung darating man, malulungkot siguro pero sandali lang. Wala naman akong tinoturing na malapit na kaibigan para masasaktan ako kung sila'y lilisan. Tuloy ang daloy ng buhay kasi ang mahalaga ay importante. Biro lang ang mahalaga pinasaya mo sila at walang silang pinagsisihan na nakilala ka.

Bakit ko to sinasabi? hhmmmmm Wala lang trip ko lang, binasa mo rin naman kaya hayaan muna. Trip mo lang din diba.haha

salamat sa pagbasa.
QmaYdU2cC8cgiQ5oLNSwXw4kwBxGX5ftdrrojp8MZnfK2b.png

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 66975.17
ETH 2594.33
USDT 1.00
SBD 2.67