Buhay sa Saudi 3: YOLO sa SAUDI

in #steemph7 years ago (edited)

Bahay- ospital lang ang aking rota araw- araw. Dito kasi sa pinagtatrabahuan ko ngayon ay ospital ng mga militar. Kaya ang mga pasyente namin ay mga militar lang at mga kamag-anak nila ang pwedeng magpatingin. Isang oras mula sa Riyadh (capital ng Saudi) ang layo ng lugar ko. Farm ang marami dito. Pagawaan ng mga gatas, juices at softdrinks ay dito matatagpuan. Mas mainit dito ksi maraming factory kumpara sa ibang lugar. Kaya masasabi kong medyo ang boring. Mabuti nga may mga malls na dito.Kasi 3yrs ago,nung bagong dating ako, walang mall kaya ang lungkot talaga.

Napag-isipan naming magkakaibigan na dumayo pa sa Khobar(Lugar din dito sa saudi). Nagbiyahe kami ng 7 oras para lang makakita ng 'corniche'. Kahit nga siguro swimming pool lang eh masaya na.

Hayan ang bumungad sa amin. Oh diba, kahit ganyan lang nakakatuwa na.😁

Napakahangin. Kitang-kita sa galaw ng mga dahon. Ang sarap mgjogging jan. Madaming nagjojogging na lalaki. May nakasando at shorts pa nga eh. Pwede rin magjogging ang mga babae pero dapat nakasuot ng abaya(ung itim na damit na sinsabi ko palage😁). Grabe ang hassle sobra noh.

Puno ng dates(pambansang prutas nila) ang mga puno jan. Alam niyo bang sobramg mahal nyan sa ibang bansa, pero dito pinamimigay ng karamihan kasi blessings daw ang mamigay. Kung gusto mong magtanim ng dates sa pilipinas,hindi pwede. Kasi ang sinoman mag-uuwi ng dates na halaman ay huhulihin. Makukulong at malaking kasalanan ito. Kaya swerte ang makakatikim nito, parang ginto.😁😂 Nga pala, minsan langagbunga sa isang taon depende yan sa araw ng Ramadan nila.

Hayan pa, diba kahit tingin tingin lang.Pwede na. Bawal maligo eh. Kahit man lang sana magtampisaw. :-D

Halatang sobrang saya namin noh. Ako pala pinakamasaya. YOLO na ang kasabihan ng millenials. You Only Live Once. Kaya kahit madaming bawal, madaming wala, madaming kulang dapat ienjoy kung anong meron at piliin pa ring maging masaya.

Photos are all mine taken using my LG G3 phone.

Sort:  

Tama po. Positive attitude!

Palage po😝 . iwas stress ang pagiging positibo..

Wala namang mapupuntahan pag hinde, but when we do, we try to get out of it din naman.

seconds lng mging nega,da rest is positive na.. Minsan di rin maiiwasan ksi lalo na kung sobra na.

Mahirap gawin, but nakakatulong. Ok lang pag ma-down, but do know how to lift us up din, di vah kuya?

tama po. sayang ang oras sa negative thoughts. malulungkot ka lang at magiging unproductive e pagkaganda ng buhay.

tama! di maiiwasan ang problema.. kaya hayaan lang ang problemang mamroblema sa atin.

Oi ate..jan ako dati..nag-fifishing.Me nakuha naman ako, maliit nga lang. Tas yon bridge papunta kung saan, jan lami nangunguha ng halaan. Mas maganda jan noh😃😃

bridge papuntang bahrain po un..di kami nakarating don.. Walang nagfifishing..puro lang ngseselfie.😝

Sayang..saya-saya pa naman mag-picnic don, tas fishing nga. Di na marunong ang mundong mag-appreciate ng talagang maganda sa buhay ahahaha

hahaha.. iba na ngayon. diko nga alam kung ano mas maganda,noon or ngayon.. Pero eversince kasi ang khobar is more open kesa sa riyadh until now.

After jeddah is khobar..less strict.

oo nga maganda daw sa jeddah.. May bago kaming kasamahan na saudi, from jeddah siya.. sabi nya, hindi raw siya nagtatakip ng mukha at buhok doon..

Kahet din sa khobar..but ang akala pokpok ka if di mo wear mga un. i didn't..bahala sila.

tingin nila halos sa lahat ng pinay dito pokpok..kaya dapat matapang ang mukha kapag nasa labas.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 91781.94
ETH 3118.81
USDT 1.00
SBD 3.19