Walk of Hope : Kawayan sa Bayawan "Ang Unang Kabanata"

in #steemph7 years ago

31530368_10155231504260755_908255187896893440_n.jpg

Ang Unang Kabanata

Sa bawat paglubog ng araw ay isang katapusan.
Ngunit sa bawat sikat naman nito ay isang panibagong simulang hindi natin inaasahan.
Parang panahon na sa bawat paglipas ay pagdating ng panibago.
Pagkawala ng tag-lamig. At pag-usbong ng mga bulaklak at mga makukulay na talulot nito.
Lakad ng Pag Asa na ating sinimulan.
Ngayon ay nagkakaroon na ng malaking kahulugan.

Nakakatawang isiping parang imposible.
Pero heto tayo ngayon sinusuri ng bawat detalye.
Unang kabanata ng proyektong itinalaga.
Mga Kawayan sa Bayawan. Ikaw ang unang likha.
Mga Alagad ng Sining ay handang handa na.
Imahinasyon ay kanila nang pinagana.

30738154_1692704500816745_3910188477395763200_n.jpg

Sa bawat tunog ng instrumentong dala.
Sa bawat kumpas ng kamay para lumikha.
Sa bawat ngiti ng bawat taong tinuruan nila.
Binuhay ang natatagong pagkamalikhain sa bawat isa.

Sa Bayawan ay unti unti silang nakilala.
Inikot ang buong bayan kasama ang Sining nila.
Adhikain ng proyekto ay pinaliwanag nila.
Pagkawanggawa ng walang kapalit.
Kontribusyon lang nang mamamayan ng hindi pinipilit.

Ito ang tunay na simula nang makabuluhang pagkakawanggawa.
Mahika ng Sining ay sadyang makapangyarihan talaga.
Walang hangganan ang mga ideyang naibibigay niya.
At nasisiguro kong hindi lang dito nagtatapos.
Dahil mga Alagad nito'y hinding hindi mauubos.
At hangga't may mga taong handang magsakripisyo ng walang kapalit.
Lakad ng Pag-asa'y magpapatuloy hanggang nariyan sila't pabalikbalik.

28810970_10155091442785755_1162740423_o.jpg

Disclaimer: photo by Ian Abalos, graphics by @bearone

This poem was sent to me by @pengrojas earlier today for me to post while she's at work, she is one of our @walkofhope Family. Having written another poem last month for our project here, her intention is for her post to earn and support our project. She have agreed though for the payouts' 50% to go to her and 50% to our @walkofhope account as we are raising for art materials/snacks for the kids that are participating.

For the FREE ART WORKSHOP in Bayawan City, we have 9 days left to completion. Apologies for our English-speaking friends as this poem is in Filipino. Just like French, translating the Filipino language to English will lose its' charm, most especially for poems.

Disclaimer: Top image courtesy of @flabbergast-art

Some @walkofhope posts for anyone to check our project further:

a-walk-of-hope-lakad-ng-pag-asa by @flabbergast-art

ein-weg-der-hoffnung-lakad-ng-pag-asa by @pjmisa

une-marche-d-espoir-lakad-ng-pag-asa-par-flabbergast-art by @pjmisa

walk-of-hope-a-boy-s-travel by @pengrojas
27787513_10155023947945755_1367018004_o.png

31693267_10155216560600755_1552724131697393664_n-2.png

Sort:  

Congratulations for this well-written poem. Keep it up!

@pengrojas wrote it kuya. wish ko lang na ako gumawa nyan😁😁

salamat po 😊

Ang ganda ng mensahe ng tula! Bawat umaga ay may nakaabang na pagasa 😊😊

Agree ako jan ate. She's alright ;)

salamat po 😍

Walang anuman!😘

Hello, my friend! I wish I could understand your poem. I do have a teacher friend who teaches languages at a high school.Perhaps you can tell me what it is about?

It's what we are doing and creating with our project @walkofhope, bringing Music & Arts to Filipinos, which started in Bayawan City, South-western Philippines.

Pagpugay @pengrojas satibay sa makabuluhang tula sulong lang sa paglikha ibahagi mo sa amin ang iyong saloobin.... Padayon

Ang husay lola! Bravo, Peng! It gave me goosebumps, the good kind. =)
Lola, Walk Of Hope is a wonderful project and I'm glad to be on board with such talented and dedicated people. Go WOH!!! WOH-hoo!

WOH-hooo! thank you so much 😊 i never expect to get these kinds of reactions from the readers though. so yeah. maraming salamat po. lalo na kay @flabbergast-art for the inspiration pati na din kay lola @immarojas for posting it.

Go @walkofhope! Woh-hoo hoo!!
Behind a great project is an awesome team lola! And @flabbergast-art leading it?
You can't imagine how far he wants to go.

Am happy that we have everyone on board,
and everyone's support.

Akala ko gawa mo ate. Hahaha. Na amazed mo ako ng tudo. Subrang ganda. Poetic si @pengrojas huh.

salamat po @leebaong sobrang busy na din kasi ako at minsan sa work ko na lang naiisip yung mga tulang ito. kaya malaking pasalamat ko din kay lola @immarojas kasi napost niya ito with those pictures pa 😍 masaya akong malaman na nagandahan kayo sa tulang ito.

Tuwa ko lang kung aken yan🤣😂😁

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 97706.41
ETH 3614.46
USDT 1.00
SBD 3.53