LAKBAY
Nakaraan na ang taon na bukod tangi
Nagdaan na mga kaganapang di mawari
Mga dagok at lungkot may saya at may ngiti
Nagpatatag sa aking damdaming sawi
Tila isang iglap lang ang mga kaganapan
Tila sa kabilang kanto lang bawat bayan
Sa mga nakasalamuha at naging kaibigan
Isang panalangin sa inyo mga kaibigan
Sa unang yugto ng taong lumipas
Tila batang sinubukang lumakad
Sinubukan muli magkapintura ang palad
Sa mga nagawang obra na aking nilatag
Sa Pangalawang yugto ng taon
Tila bumuhos ang kasiyahan
Kahit na may konting kalungkutan
Nakatindig na akong lumalaban
Sa Musika na una kong inibig
Muli tayong magsiping sa bayang tahimik
Ang ritmo mo ay iparating sa langit
Upang mga angel sumabay sa awit
Sa huling yugto ng taon lalong sumigla
Sa bawat bayan kung saan ako gumala
Ibahagi natatangi kong dala-dalang sandata
Ang Sining at ang mga katutubong musika
Kaligayahang di ko talaga inaasahan
Kasiyahang ibinabahagi kahit saan
Puso ko ay muling tumibok sa lansangan
Inaaya akong muling yakapin bawat daan
Ngayung taong kasalukuyan
Handa na nga ba akong lumisan?
Lisanin aking pansariling kaligayahan
At Ibahagi ang sarili bawat bayan
Sa paghahanda sa muli kong paglalakbay
Ibayong determinasyon at tibay
Sa mga kasama at sa mga umaagapay
Nawa'y maging payapa at maging Tagumpay
Luzon visayas at mindanao
Handa na nga ba ako?
Sinag ng araw ako'y nagsusumamo
Gabayan mo sana ang paglalakbay ko
"LAKBAY"
-makatang singkit
European native Pan flute