You are viewing a single comment's thread from:

RE: Masacre sa Basilan

in #steemph7 years ago

Ang karahasan at laging kakambal ng kahirapan, ang karahasan ay matitigil lamang oras na bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayan nito. Sa unang tingin ang Mindanao at isang mayamang isla, mayaman sa likas na yaman. Ngunit ang yamang ito ay hindi naipapamahagi ng pantay datapwat bagay itoy inaangkin ng iilan. Ang masakit tanggapin sa kalooban nino man, ang ating mga pinagkatiwalaang manuno at dapat sanay sanay umayos at magbigay ng pantay pantay na karapatan sa ating likas na yaman ang siya pang unang umaabuso nito.

Ang pagiging ganid ng mga namumuno sa lugar ang unang dahilan ng kahirapan. Itoy nasa buto na ng bawat namumuno at maisasalin pa ito sa mga susunod na henirasyon. Para matigil ang karahasan sa lupang pinangako dapat ang bawat isa sa atin ay may gawin. Likas na sa ating mga Pilipino ang ayaw tumulong kapag nakakaangat na. Lalong tina tapakan at niluloblob sa putikan ang mga nahulog na rito na ang dapat sanay iabot ang kamay para itoy iahon mula sa putik.

May kasabihan kasi ang mga ganid na " pag tinulungan mo yan, balang araw mas magaling na sayo iyan at hindi ka na makikilala" na dapat sanay maalis sa ating mga puso. Masakit isipin pero ang katotohanan wala tayong pakialam sa nangyayari sa ating paligid. Hinahayaan natin tayo'y kainin ng kasakiman at kabobohan natin.

Kung gusto nating mabago ang takbo ng hinaharap, ngayon ang tamang panahon para mag umpisa. At isa sa mga nakikita kong solusyon mula sa isang malawak na larawan ay itong steem. Maaring ang kasalukuyan ay mananatiling magulo at mahirap ngunit ang hinaharap ay mababago sa oras na itoy maipalaganap.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.21
JST 0.038
BTC 96819.40
ETH 3702.03
USDT 1.00
SBD 3.87