Lenie ang Makabangong Estudyante: BUHAY KOMYUTER

in #steemph7 years ago

leni.jpg

Dear Diary,

Ang bait ko ngayong araw (talaga bah?!). Kasi sinamahan ko si Nanay na mamili sa DV (Divisoria pinasosyal ko lang) ng mga paninda nya. Oo online seller kasi si mudrabels at ako ang tagaprmote nya sa fb. Kaya nga ako sumikat sa iskul dahil sa mga binebenta naming kakikayan.

Sya pala si Aling Teresita. Sita for short at Mama Sita ng aming tahanan. Propesyonal namang guro ang mudra. Guro sya sa MAPEH ( sa kanya ako nagmana ng galing sa pagsayaw). Si father nature aka Mang Tomas naman ay guro rin sa English(kaya ako magaling mag-Englishment). O di ba pangalan pa lang nila nakakabusog na. Kahit regular ang sahod nila eh kinukulang pa rin dahil wala pa sa aming limang magkakapatid ang nagttrabaho kaya kelangan pa rin nila rumaket. ( sahod is strong but gastusin is stronger).

Lalo na ngayon gradweyting na si Kuya Luis. Si kuya Lowe naman ayun kay agang lumandi. Isa na rin syang father nature ngayon. Kung hindi lang kyut yung mga anak nya naku pinalayas ko na yun. Sagot pa rin kasi nila mudrabels ang gastos ng junakis nilang kambal. (Kiriray kasi). Ang bait nga nila mudrabels kasi hinayaan na magpatuloy sa pag-aaral si kuya Lowe pati narin ang asawa nya at dito pa sila sa bahay nakatira (pensyonadong hitod, lalaking hitad.. ang slow lang)
Kelangan ng ma peyrents ko maging creative dahil lagi kaming hinahabol si BIll (bill ng kuryente, tubig, amortization, wifi at kung a anes-anes). Ayaw rin nilang natataranta pag dumating na si Judith ( duedate ng tubig, kuryente etc etc etc.)

Sa totoo lang hindi naman ako ng sinasama ni mudra sa ganitong kelerky na ganapan. Nag-iisa kaya akong babae, tapos ako magbubuhat ng mabibigat na stuff. Emeged. Mangyari kasi si kuya Luis ay hindi pwede dahil may klase na sya pag Linggo at sobrang gabi na ang uwi nya. Ang Loweng hitod bantay ng kambal. Ene pe beng megegewe ke. (Mabait nga ako di ba)At masyado pang baget yung dalawa kong kpoppers na mga bruh.

4.jpg
Ganire. Ke aga-aga naming umalis ng Antipolo to DV (divisoria nga ,kuleet).Lunes ng umaga, walang kaming pasok sa iskul. Linsyak. Alam mo ba may nakatabi kaming kahina-hinalang kelot sa jeep. Eh advance ako mag-isip. Sabi ko ke mudra ingatan ang wallet nya. Eto na nga. Maya-maya nararamdaman ko gumagapang na ang kamay ng ulikabang yun papunta sa bagelya kong chipipay. Ah, sinampal ko teh. Manyakis ka!. Sigaw ko. (yung sigaw na mala kris aquino)

Jeskelerd! Nagtitili ang bakla. Naloka ako. Yung itsurang rapist na yun badingerzy pala. Ang laking tao at nakakasyokot ang feslalu, sisteret pala. Malay ko bang sinasalat nya yung gandara kong bagelya dahil bet nya(pahiya konte ako dun). Buti di ako ginantihan. Kundi bulagta ang beauty ko. Nagsori naman aketch (mabait ako eh). Binigay ko na lang fb page ng online shop namin ni mudra. At, nangako ako ng malaking discount. Well FBF na kami at nagpalitan kami ng contacts.

Infairness kahit peke mga binebenta namin hawig na hawig naman sa original. Name it we have it. Ganyan katinik ang mudra ko magbentaat magsaliksik ng murang supplier. Kami kaya taga-suplay sa mga online seller ng Antipolo. (told yah wer peymus)

5.jpg
Dahil sa komosyong ginawa ko, naantala ang dating namin sa Santolan LRT station. Aba hanep alas syete ng umaga, ang pila kinabog ang bahay ng langgam. Kadaming tao bes. Di naman ito ang perstaym ko sumakay ng tren pero perstaym ko ng ganireng oras. Bumper o bumper ang mga syo-o. Dios mio marimar. Dikitan ang laban. Eh advance nga ako mag-isip sabi ko kay mudra ang wallet. Naku mahihiya ang sardinas sa kalagayan namin. Kung dito na naganap ang train to Busan, ay naku walang survivor. Walang tkabuhan na magaganap. Abot kamay ang kagatan.

Buti na lang I am blessed.
Emeged. Ang bait ng universe. Akalain mong isang prince charming ang kagitgitan ko.(ang landi mo) Dama ko ang matitigas nyang maskels (muscles,syunga ne'to). Di ko kinaya napasandig talaga ako sa dibdib nya. Tumatagos ang pawis nya sa fez ko. Si koyang love of my life ngingiti-ngiti lang. Parang gusto din na dun ako tumira.kung sya yung zombies kakagat sa akin, kakagatin ko rin sya. Magkagatan kami.

But wait! Bumaba na sya ng Legarda station at sinalubong sya ng isang babaeng may bitbit na sanggol at may hawak pa si ate gurl na paslit. Huwat! Taken na sya. Nawasak ang buhay ko teh. Natapos agad ang pantasya ko.Inaamoy-amoy ko na lang yung tisyu na gibsung nya kanina. Ang walang hiya nag-iwan pa ng pangalan nya sa fb at cp number sa tisyu. (aba,makati pa sa gabi)Ano yon balak nya akong gawing kabet? Maladsi sya.(mas makati pa sa higad na nasa ibabaw ng dahon ng gabi ) Yung ganda kong toh pang home wrecker lang. Naku mas gugustuhin ko pang mag-all by myself na lang.

Insert Celine Dion
All by myself (100x) Anymore

6.jpg

Dumaan muna kami ni mudra sa simbahan ng Quiapo bago rumampage sa DV. Papasok ng simbahan nakita ko ang isang grupo ng mga matatandang nagtitinda ng sampaguita. (parang may tumusok sa puso ko) Kung may guinness record sa pinakamatandang tindera sila na ata yun. ( ang sakit bes sa dibdib) Hukot na ang likod ng mga lola mo at halos di na nga makahakbang pero natinda pa rin. (natusok talaga ako) Nadurog ang kakikayan ko. Nakatapos nat lahat ng misa yung mga tanders pa rin ang nasa isip ko. ( ang sakit ng dibdib ko. Natusok pala ako ng pardible ng blouse ko kaya masakit sa dibdib) Asan ba mga anak nila o apo? Beket pe sele nagtetende? Nayakap ko tuloy si Mama Sita ng di oras at sabi ko pagtanda ni mudra di na sya magtitinda.

Tapos ang reply ng mudra, "Naku Lenie sakto lang dala kong pera huwag kang humirit ng kaartehan mo mamaya. Mag-aral ka ng mabuti at huwag ka na gumaya sa Kuya Lowe mo. Akala mo siguro di ko nakita yung kalandian mo kanina sa LRT. Sinasabi ko sa iyo Lenie. Naku pag ikaw nabuntis baka magbigti ang tatay mo". Tignan mo tong nanay na ito. Niyakap ko lang ang dami ng sinabi. Nanay talaga. (Masyadong advance mag-isip.)

Edi rumampa na nga kami sa DV. Hala sya ang Mama Sita daig pa ang Kris Aquino. Kilala ng mga supplier. Kung makakuda akala mo doon nakatira eh. Pero ang nakakatuwa sabi ng mga taga doon ong gondo ko dow. Ahihi. Talaga naman (konyatan kita pag pumalag ka).

But out of the blue may isang humahangos na binata ang nakasalya sa akin. Blag! Natumba ako bes. Yung ganda kong yon nabahiran ng dumi ( at kasyongahan). Tapos sunod-sunod na alagad ni Flash ang sumulpot. Mga machong kargador. Naabutan nila ang binata. And then, pinagbubugbug. Nakisapak din yung ibang mga tao dun. Ay nanariwa sa akin yung labanang Gilas vs Australia. Ay sinabi ko sayo itinayo na lang yung binata ng mga dumating na pulis. Lupaypay na. Hala sya mandurukot pala. At di na nabawi yung dinukot dahil naipasa na sa mga kasama nyang nakatakas.

Nung una galit ako kasi dahil sa kanya nasira ang poise ko. Pero di ko matake na sirang-sira ang mukha nya at pasa-pasa bali-bali ang katawan. Oo na mandurukot. Pero halos patayin na nila eh. Ang cruel ng world. Swerte parin ako kahit talakera si mudra ko di ba di ko need mandukot.

Tapos eto naman pauwi na kami. Edi sumakay nga kami ng jeep pa-Recto station. Tapos tren na maluwag na dahil di na rush hour tapos jeep ulit pa-Antipolo. Babayaran ni mama apat na tao kasi ang dami naming dala. Abah! yung katabi kong kolehiyala. Oo na at makinis. Aba sosyalerang mahadera. Kung makapaypay kala mo donya. Paismid-ismid yung temang nasisikipan at nababahuan. Ngongo rin kasing konduktor yun, magkakapalitan na nga kami ng fez kulang pa daw.

Ah, naglabas ng de-spray na alkohol si ateng at nag-uumispray. Edi tinginan mga nakasakay. E di pa puno ang jeep. Ang ginawa ko nilabas ko rin yung alkohol ko nag-uumispray din ako at mas dinamihan ko ang wisik sa kanya. Sabay irap. Haha. Arte nya. Gaganern ganern sya pero sa dyip sya sumasakay. Eh mahadera nga. Sigawan ba naman ako ng, "Woy sino ka sa tingin mo". Talagang tinapat nya ang bibig nya sa fez ko. Ispreyan ko nga ng alkohol sa bunganga. At, binirahan ko ng "Kelan ka huling nagtoothbrush". Tawanan ang mga madlang pipol hahahaha.

Bababa na yan! Bababa na yan!
Bababa na yan! Bababa na yan!
Bababa na yan! Bababa na yan!

Sabaw-sabaw kami ng ibang nakasakay.

Bababa na yan! Bababa na yan!
Bababa na yan! Bababa na yan!
Bababa na yan! Bababa na yan!

Nakamwestra pa riny ung alcohol ko sa kanya. Ang imbyernang palaka padabog na umiskerda Huwahahahahahaha.
Oo masikip pero wag pacelebrity. Jeep ito eh. At hindi ako masyoho. PInagpawisan lang ako. (di nga bah)
Nung oras na yun, noon ko lang nakitang sumang-ayon ang mudra ko sa buong araw naming magkasama haha.

"Manong lez go. We will pay for the vacant seats"

Ah ang taray ni mudra na mukha ring naimbyerna sa sosyalerang mahadera. Nag-uumingles. Sabay labas ng P150. Good for 6 pipol kaya yun.
Edi peymus kaming magmudra sa jeep haha.

Next year college na ako (makakagradweyt naman ako noh) at sa PUP ko gusto mag-aral. Jeskelerd sana di ganito ang tema ko araw-araw dahil for sure komyuter din ako. Ang isa lang magandang nangyari ngayon araw na ito (bukod sa ganda ko) ay yung naransan ko kung paano ang maging isang komyuter. (oh so true)Ang kulay bes.Iba ang buhay kalye. Punong-puno ang drama. Yung karanasan na ito ang nagbigay sa akin bagong karunungan.(mabilis ako matuto, duda ka, pektusan kita)

Yung akala mong manyakis pero bakla pala
Yung akala mong regalo ng universe pero ikawawasak mo pala
Yung tanders na naghahanapbuhay pa rin
Yung galing ni mudra makisama sa mga supplier sa DV
Yung binatang mandurukot
Yung mahaderang maarteng pasahero ng dyip
Yung mga street dwellers
Yung mga basura, traffic, rush hour, polusyon, pawis at init

Lahat ng ito nagmarka sa akin. At, nagpapasalamat ako kasi kahit mallit ang sahod ng mga magulang ko hindi ako nagutom o naleft out (yung mga street dwellers)May bahay kami. Di man bongga pero disente. Nabuksan ang isip ko hindi lahat dumadanas ng maginhawang buhay gaya ko (yung mga matatandang tindera ng sampaguita) Hindi kami mayaman pero di kami nasasaid. Napagtanto ko na lahat ng tao may kanya-kanyang laban na hinaharap(yung mga komyuter). Nabatid ko na ang mundo ay isang malaking Quiapo ng panlilinlang (si papable sa LRT) gayonman hindi mo kailangan maging mabilis na humusga (yung bakla sa jeep) pero dapat kang laging alisto (yung binangga ako ng mandurukot). Kailangan rin na magaling ka makisama (si mudra at ang mga supplier nya) pero dapat alam mo rin ipagtanggol ang sarili mo (si mahaderang sosyalera). At kapag nagkamali ang kapwa mo wag mo na apakan (yung mandurukot na binugbog)

Hay buhay nga naman!
Ayoko sa mainit, masikip at mabaho. (charot) pero sa susunod na kailanganin ako ni mudra maging tagabitbit nya sa Divisoria (uy hindi na DV, kabilang na sya sa masa) hindi ako magdadalawang-isip na samahan ulit si sya.

Ang haba-haba ng sinulat ko,

LENIE, isang ordinaryong komyuter

9.jpg

pinagmulan ng larawan
12345678

Mga naunang pahina ng diary ni Leni (akalain mo yun)
Sort:  

ang husay! =D

maraming salamat po ate @dandalion
ako po ay lubos na nagagalak sa pagsuporta nyo po sa mga gawa ko sa simulat simula pa
God Bless po

OMG bes! Ang ganda! Worth the wait talaga. Basahin niyo @johnpd @tpkidkai.

Nakakatuwa yung mga observations. Yung mga realizations. Yung mga comparisons. At higit sa lahat, yung humor.

More Lenie diaries please!!!

dami aral na napulot ko ngayon kay Lenie. hindi na siya pang-comedy lang. pwede na din siya maging guidance counselor dahil sa mga ibinabahagi niyang karunungan. at sana ilabas nyo na si Mildred. We want Mildred! We want Mildred! We want Mildred! 😂

salamat @jampol kung mapapansin mo ina-adopt ko yung estilo mo na insert song :)
salamat sa suporta bruh!

Tama ate @romeskie worth it ang paghihintay kay BD na matapos tong entry na ito. Haha kailangan pa talagang ma push sya para mashare to. Ang busy din kasi ng lolo mo eh. Raket dito, Aura doon.

Nagbabagong buhay na si Lenie! Gusto ko na sya ng bahagya hahah.

Kudos BD!

pinuno... inadopt ko rin yung karanasan mo haha
yung maarte sa jeep
naranasan ko rin yun.
pero ang worst ko ng karansan yung nakatulog yung isang babaeng pasahero sa balikat ko.
Ang sakit eh pagbaba ko . Ngalay na ngalay ang balikat ko eh
salamat po sa suporta :)

salamat salamat po sa pagpush
sikapin ko once everyweek.
mabuhay si Lenie

ai duh.. inaabangan ko to..hahahha..

maraming salamat kaibigang @amayphin.
sikapin ko po may isa kada linggo :)

Galing nito boss!

salamat boss. hehe
salamat din sa mga nagpupush na gawin ko po ito :)

Actually, di talaga ako nagbabasa ng fiction dahil kahinaan ko. Pero ng mabasa ko to, ang galing. Nainspire ako magsulat, although mas prefer ko pa din magsulat ng poetry dahil kulang ako sa vocabulary. Haha

sa mga tropa ko rin naririnig mga giamt kong salita
kung kilala nyo po magsulat yung mga nagcomment dito at mga kasapi ng tagalogserye mababakas po yung umpliwensya nila sa akdang ito.

minsan magsisimula po tayo sa paggaya hangang makuha mo yung sarili mong estilo
subukan nyo po manood ng pelikula at gamitn nyo ang salitang *what if" ganito ang nangyari ano kaya kalalabasan...

sa ganoong paraan po makakapagsimula kayo ng isang balangkas ng fiction story
pero mas sundin nyo po ang imahinasyon nyo po

Nice one BD! 😄 This is the best Lenie story thus far!

maraming salamat po
sasama na rin si Lenie sa #balikrespeto

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 104398.23
ETH 3283.49
SBD 4.06