"Tadhana" | Tapusin ang Kwento | My Entry

in #steemph6 years ago

ElNido1.jpg
Image Source

"TADHANA"



Si Gabriel del Mundo ay nagmula sa mayamang pamilya. Ang kanyang magulang ay kilala sa iba't ibang parte ng bansa dahil sa dami ng hawak nilang negosyo, kaya naman ginagalang sila ng mga tao.

Bagama't lumaki syang sagana sa buhay, kontrolado ng magulang ang kanyang buhay. Mula sa unibersidad na papasukan, kurso na kukunin at maging sa babaeng pakakasalan. Kaya naman hindi nya maiwasan magtanim ng sama ng loob sa mga ito. At sa tuwing mangyayari yun ay nagpupunta sya sa isang karagatan sa probinsya na hindi alam ng kanyang mga magulang.

Marahang binabaybay ni Gabriel ang kahabaan ng dalampasigan gaya ng nakasanayan niyang gawin sa tuwing siya ay nahahapo sa magulong daloy ng mundo sa kaniyang paligid. Malumanay ang hampas ng alon sa dagat na hinahayaan niyang bahagyang humalik sa kanyang mga binti. Salungat sa daloy ng diwa niyang tila daluyong ng samo't-saring isipin na bumabagabag sa kaniyang kalooban. Gusto niyang malunod sa kaniyang sariling mga emosyon kaya mas ninais niyang mapag-isa. Hindi niya rin maunawaan kung ano ba talaga ang kaniyang hinahanap. O kung mayroon ba siyang hinihintay.

Patungo na si Gabriel sa bahay na tinutuluyan, nang mapansin nya ang isang babaeng naliligo. Bahagyang lumapit sya dito pero hindi sya nagpahalata.. Hindi nya maiwasang mahumaling sa kagandahan nitong taglay.

"napaka-ganda nya.." sabi sa isip.

Nagulat sya nang mapatingin ang babae sa gawi ng mga bato at napasigaw.

"Hoy! Bastos!" Sigaw ng dalaga.

Nakita ni Gabriel na may binatilyong tumakbo palayo, hinabol nila ito at nang mahuli ay pinagsabihan.

"Maraming Salamat." Tugon ng dalaga.

"Walang anuman. Gabriel nga pala."* Inabot ang kamay.

"Ysabel." sabay paalam ng dalaga para bumalik na sa kanyang tinutuluyan.

Gabi na at nagpapahinga si Gabriel nang ma-ring ang cellphone. Tumatawag ang kanyang ina.

"Yes Ma?" sagot nya.

"Nasaan ka bang bata ka?! Pinag-aalala mo kami!" alala ng ina.

"Nagtratrabaho po ako Ma. Yun naman ang gusto nyo ni Papa diba? Ang maging aktibo ako sa mga negosyo natin. May tinitignan po akong site na maaaring gamitin sa bagong negosyo ni Papa. Mga 1 week ako dito."

"Isang linggo?? Nakalimutan mo na ba, may salo-salo tayo kasama ang Fiancé mo?? Ayaw mo ba syang makilala?" naputol ang ginang nang sumagot ang anak.

"Wag na po kayong mag-alala Ma. I'm safe. I love you. Bye." sabay baba ng telepono.

Ayaw na ayaw nyang maririnig ang tungkol sa Fiancé o sa kasal nila. Laking tampo nya ng nalaman nalang na engaged na sya at ikakasal next year sa babaeng ni minsang hindi nya nakilala.

Kinabukasan.
Lulusong na sana si Gabriel sa dagat ng makita nyang muli si Ysabel. Hindi sya nag-atubiling lumapit.

"Hi." -Gabriel

"Ikaw pala." -Ysabel

"May importante ka bang gagawin ngayon? " -Gabriel

"Wala naman. Bakit?" -Ysabel

"Gusto sana kitang yayain kumain. Kung ayos lang sayo." Nahihiyang tanong ni Gabriel.

"Oo naman. Magbibihis lang ako." payag ng dalaga.

At doon na nga nagsimulang magkapalagayan ng loob ang dalawa. Nalaman nilang marami din pala silang pagkakatulad. Ngunit hindi alam ni Ysabel ang tungkol sa nalalapit na kasal ng binata sa ibang babae. Hindi nya magawang sabihin dahil nahulog na ang loob nya dito. Lumipas ang ilang araw at nagtapat na ng nararamdaman si Gabriel.

"Alam ko masyado pang maaga, pero nais kong malaman mo na mahal kita, Ysabel. Ikaw ang gusto kong makasama."

"Mahal din kita, Gabriel." sagot ng dalaga.

Makalipas ang ilang araw ay nagpaalam si Ysabel na umuwi sa Maynila, utos ng kanyang magulang. Nagdesisyon rin si Gabriel na bumalik muna sa Maynila.

"Magkita tayo. Tatawagan kita." sabay halik kay Ysabel.

Mansyon ng mga del Mundo

Pagkadating ni Gabriel sa bahay, agad syang dumeretso sa opisina ng ama upang ipagtapat ang tungkol kay Ysabel.

"Saang lupalop ka nanaman nagpunta?!" singhal agad ng ama.

"Pa..may kailangan akong sabihin sa inyo." -Gabriel

"Ipinahiya mo ako sa harap ng mga balae ko. Mabuti nalang at naunawaan nila"

"Pa...ayokong magpakasal sa iba. May iba akong mahal." lakas-loob nyang sambit.

"Anong sinabi mo?! Ang lakas ng loob mo para sabihin yan!"

"Pa may mahal akong iba."

"At makakatulong ba ang babaeng iyan sa negosyo natin?!"

"Pero Pa..."

"Tumigil ka na! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Umalis ka sa harap ko."

Pigil ang inis na tumalikod at nagpunta si Gabriel sa kwarto. Nagkulong nalang at sinubukan tawagan si Ysabel.
Hindi ito sumasagot, naisip nyang baka nagpapahinga na ito.

Kinabukasan
Tanghali na ng bumaba si Gabriel mula sa kwarto. Dumeretso sya sa dining area.

Nagtaka sya kung sino ang kasama ng kanyang mga magulang. Napatingin sya sa isang babae na nakaupo sa harap ng kanyang ina, laking gulat nya ng makilala nya ito.

"Iho, mabuti't bumaba ka na. Nais kong ipakilala ang magiging parte ng ating pamilya, si Ysabel, ang iyong mapapangasawa." pakilala ng ama.

"Anong ginagawa mo dito??" sabay nilang tanong. Hindi makapaniwala ang dalawa.

"Magkakilala kayo?" tanong ng ina ni Ysabel.

"Ah eh.." kamot ulong tugon ni Gabriel.

Lumapit sya sa dalaga.

"Pa, nais ko pong ipakilala ang babaeng mahal ko, si Ysabel." pagmamalaki nyang sabi.

Nagtaka ito, ngunit napangiti na lamang.

"Mukhang wala na pala tayong magiging problema. Maupo ka na at saluhan kami."

Nagkatinginan na lang ang dalawa na tila nagtatanong ang mga isip. Hindi sila makapaniwala na ang isa't isa pala ang kanilang nakatakdang pakasalan.

Marami silang tanong pero mas nais muna nilang pagsaluhan ang oras na iyon at maging masaya sakanilang nalaman.


ync5cce7ue.jpg

Ang post na ito ay isang entry sa patimpalak ni @romeskie.

Sa totoo lang ay nahirapan ako sa pagtapos ng aking kwento dahil na rin may mga kailangan akong tapusin na trabaho. Naging challenge din ang pagsulat ng kwento na may limitadong salita lamang. Pero nais ko parin isumite ang aking akda. Sana ay magustuhan nyo pati na po kay Madam @romeskie. :)


THANK YOU SO MUCH FOR SUPPORTING AND READING MY POST!!!


QmbrfULrowzFMeRJBW9bgAHp7XviFtX5duWhWtLMQKMLTV.png


Qmaa63FKCmNhscLujWQwDu5HsZWGaATkMqyzhm6yfq2Xa8.png

Sort:  

Mahusay ang pagkakatawid mo sa kwento natin! Nagustuhan ko ang plot na akala nila ay bawal na pagmamahalan ang mayroon sila. Bagay na bagay rin ang pamagat. Akala ko at magiging mga biktima sila ng mapagbirong laro ng tadhana.

May ilan lamang akong napunang areas of improvement sa pagkakasulat.

  • Una ay ang salitang nalang na dapat ay magkahiwalay: na lang. Tingin ko ay typo lamang o maaari ring nakasanayan natin sa pakikipagtext.
  • Paggamit ng ellipsis. Tatlong tuldok dapat ang gagamitin kapag nais nating gumamit ng ellipsis imbes na dalawang tuldok.
  • Napansin ko rin ang paggamit mo ng quotation sa mga dialogue. Maraming mga manunulat, kabilang na ako, na nalilito sa paggamit ng dialogue tags. Maaari mong gamiting ang guide na ito sa paggamit ng dialogue tag.

Liban diyan ay natuwa ako sa nabasa ko. Maganda ang flow ng kwento. Naipadama mo sa akin ang nararamdaman ni Gabriel sa mga magulang niya at kay Ysabel kahit na limitado ang dami ng salitang iyong ginamit.

Sana ay marami pa akong makitang mga akda mo sa susunod. :-)

Maraming salamat sa pagsali!

Salamat po @romeskie. :) yung tungkol po dun sa salitang "nalang", napansin ko nga po ngayon na magkasama nga sa isang salita ito. Nakasanayan ko na po na magkasama ito. Sa susunod na pagsulat ko ng akda ay sisiguraduhin kong mabasa at ma-check muna ang mga salita. 😊😅 Sisiguraduhin ko din po na mabasa ang guide na ipinasa nyo para mas maging maganda at maayos ang aking akda :) Salamat po!

Sobrang ganda nito
Akala ko walang poreber
Ang gaan ss pakiramdam basahin


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Congratulations @aboutart! You received a personal award!

1 Year on Steemit

Click here to view your Board of Honor

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @aboutart! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.24
JST 0.040
BTC 103447.46
ETH 3313.50
SBD 6.28