Likhang Filipino sa Steemit Ikasiyam na Edisyon

Untitled.jpg

Maulang gabi po sa lahat! Narito nanaman po ang ating edisyon na mga akdang gawa sa Filipino. Sa pagkakataong ito, ang ating napiling akda ay dalawa lamang.
Ngayong araw na ito, narito po ang aming 2 akdang napili mula sa ika-18 hanggang sa ika-24 ng alas dose ng tanghali ngayong Hunyo.

PAMAGAT: Chop Suey Side Dish

LINK: https://steemit.com/fiction/@johnpd/chop-suey-side-dish

May Akda: @johnpd

Ang kwentong ito ay sumasalamin sa ilang kapwa natin na dumaranas ng tinatawag na "Depresyon". Ito ay isang sakit na ang kaniyang katinuan ay nilalamon ng sobrang kalungkutan o hinagpis sa mga bagay-bagay na kaniyang sinasarili lamang o hindi niya pagbabahagi ng kwento ng kaniyang nararamdaman sa ibang tao o mga mahal niya sa buhay. Sa kwentong ito, mararamdaman natin kung gaano naapektuhan ang karakter na Si Jay sa mga pangyayari sa kaniyang buhay. Nais niyang tapusin ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pag bigti o yung paglalagay ng lubid sa kaniyang leeg at dito'y lalambitin siya ng walang inaapakan na kahit na ano hanggang siya ay malagutan ng hininga. Ang masaya sa parteng ito ay hindi niya naituloy ang kaniyang balak dahil sa isang natanggap na Voice Mail mula sa kaniyang crush na Si Alona. Napakabuti ng Diyos dahil hindi pa rin siya nag-isa at naramdaman niya na may maaari siyang maging katuwang sa pagpapatuloy ng kaniyang buhay. Galing talaga ng olodi nating Si @johnpd!

PAMAGAT: Tagalog Serye: Ika-Anim na Yugto - Mula sa Unang Pangkat | Si Pepe at Ang Mundo ng Earthia

LINK: https://steemit.com/tagalogserye/@julie26/tagalog-serye-ika-anim-na-yugto-mula-sa-unang-pangkat-or-si-pepe-at-ang-mundo-ng-earthia

May Akda: @julie26

Ito ay kadugtong sa tagalog serye ng pangkat nila @julie26. Ang tema nito ay Sci-fi kaya naman pati Si Jose Rizal o Pepe ay kanilang ginawan ng kwento at binigyan ng kapangyarihan upang mailigtas ang "Earthia" sa mga kamay nila Kron at ng iba pang mga karakter. Masaya ang naging takbo ng kwento na may pagka-SPG! Natapos ang kwento na ligtas ang "Erthia".

Ito po ang dalawang akda na maaari ninyong basahin sa pamamagitan ng mga link na nakalagay sa kanilang bawat akda. Masaya at masarap basahin ang kwento o akda ng bawat Steemians na ayon sa kanilang lenggwahe tulad ng Filipino. Nawa'y nagustuhan po ninyo ang aming inihandog na mga akda. Hanggang sa susunod na edisyon! Maraming salamat po!


If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao, @steemph.manila, @steemph.laguna, @steemph.uae, @steemph.negros,@steemph.antipolo and @steemph.bulacan.
Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs, @cloh76.witness and @ausbitbank who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to

https://steemit.com/~witnesses

Sort:  

Nakaka Hanga @johnpd and @julie26
Ipagpatuloy ninyo ang inyong nasimulan
Upang maging isang ihemplo sa mga Kapwa pinoy at pinay na may taglay na talento sa paglikha ng kwento😇😇

PicsArt_06-26-12.42.51.gif

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.25
JST 0.041
BTC 103566.35
ETH 3387.22
SBD 6.39