Poem: Mahal na Mahal Kita Aking Ina

in #steemitpoetry7 years ago (edited)

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Tinawag niyong tadhana
Pagkikita na di inakala
Nagmahal at nagtiwala
Masayang simula.

Lumipas ang buwan
Perlas ay pinakawalan
Pinaubaya sa taong
Di dapat pagkatiwalaan

Pagkalipas ng ilang araw
Unti unting nalulusaw
Di na nagpakita
Ama, si Ina ay magiging ilaw.

Sintomas ay nariyan na
Wag ka mag-alala
Mahal kita aking ina
Kaya tahan na.

Ina pasensya na
Kung naduduwal at nahihilo ka
Sa tiyan mo may "uniko iho"
Kapit ka sakin, kakapit ako sayo

Ilang araw ang nagdaan
Sumisikip ang iyong tiyan
Lumalaki na siguro ako kaya ganyan
Ina, tahan na at akoy nasasaktan.

Pasikip ng pasikip
Balat koy parang pinupunit
Di na ako makahingat't
Humihina aking pagkapit

Bilang na aking paghinga
Kung sa aking pagkawala
Ikaw ay sasaya
Ina, sa langit na tayo muling magkikita.

Paalam Ina, mahal na mahal kita Ina.

Sort:  

The link on your "image sources" are not right. You should put the image url from the source not the steemit url.

Oh, I'm sorry. I try change it. Thank you

I already changed it. :)

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.20
JST 0.038
BTC 97288.28
ETH 3596.14
USDT 1.00
SBD 3.87