Steemit Philippines photography contest Week #4 -Black and White Photography: Simula ng unang klase ng aking panganay

in #steemitphilippines3 years ago

Magandang buhay mga ka @steemitphilippines family. Naway nasa mabuting kalagayan naman po kayong lahat.

Nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking munting kwento ngayong araw na ito.

Simulan ko po sa pag gising sa umaga. Ang pasasalamat at pag pupugay sa ating Panginoon. Thank you po papa God dahil kami po ay iyong ginising na naman upang makapagsimula ng magandang araw.

Ngayon pong araw na ito ay ang unang araw ng klase ng aking panganay na si jcei.

Screenshot_2021_0913_192209.jpg

Makikita niyo po sa larawang yan kung gaano po karami ang modules na kailangang sagutin sa loob lamang po ng isang linggo. Nakakalungkot bilang magulang na makita mo ang iyong anak na kailangang magpursige mag sagot upang maipasa niya po ito sa takdang araw.

Gusto ko po siyang hayaan para matuto mag isa ngunit bakas sa kanyang mukha ang hirap kung paano o saan siya magsisimula bilang ito ay unang pagkakataon na masubukan niya ang "modular" na tinatawag nila.

Nanggaling po kasi si jcei sa isang pribadong paaralan na ang ginagawa po simula nung nag pandemic ay "online class" ngunit dahil sa financial problem ay naisipan muna po namin na ilipat na lang siya sa ibang paaralan.

Naisip po kasi namin na hindi naman na po "face to face" ang pag aaral kaya mas mabuting ilipat na lang po muna siya upang makabawi sa mga gastusin lalo na po ngayong pandemic dahil talagang nawalan po kami ng pagkakakitaan.

Ngunit sa sitwasyon na hinaharap ng aking anak, ako'y nababagabag. Iniisip kung kakayanin niya ba ang gantong sitwasyon araw-araw? Kung paano niya hahatiin ang labing isang modules na nakalaan sa kanya. Na kung kaya niya ba ito sagutan sa loob ng isang linggo?

Ang isa pang nagpapabagabag sa aking damdamin ay kung paano ko sila pag sasabayin turuan lalo na't sa darating na oktubre ay magsisimula na rin sa klase ang aking bunsong anak.

Maraming gumugulo sa aking isipan. Binabagabag ng konsensya kung tama po bang inilipat ko siya ng ibang paaralan dahil gusto naming makatipid at makabawi sa gastusin o kung dapat ba ay hinayaan ko siyang magtuloy sa pribadong paaralan ngunit nakasalalay naman dito ang aming kabuhayan.

Kaya't bilang magulang, minsan talaga ang hirap din magdesisyon para sa pamilya. Gusto mong bigyan ng magandang edukasyon ang iyong anak dahil naniniwala ka na sila pa rin ang pag asa ng bayan. Wala namang ninais ang magulang kundi ang mapabuti ang kanilang anak at magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Kaya't sa mga magulang na nagpupursige, ginagawa ang lahat para sa kanilang pamilya at andyan palagi para sa pamilya.. Saludo po ako sa inyong lahat! Isang tapik sa inyong balikat at sabihing "Good job" at nagampanan mo ang iyong tungkulin bilang magulang.

Hanggang dito na lang po ang aking munting kwento. Naway may napulot po kayong aral kahit paano.

Iniimbitahan ko po si ma'am @me2selah @jewel89 at ate @aideleijoie

Nagmamahal,
@chy07

Sort:  

@chy07
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 96% 28.8

Visual Impact

The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 93% 27.9

Photo Quality and Composition:

This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 90% 36

Total Score: 9.27

Ma'am magandang umaga po sayo.salamat po sa pag bisita po..mag tatanong lamang po ako kung nakasali po ba ang entry ko? Kasi po wala po akong nakita sa update po sa black and white photography.

Napakasipag mag-aral. 👏

Opo kaya nakakaproud din po.

Hmm ulirang ina laging iniisip ang kabutihan para sa mga anak. Okey lang din yang public school nandyan ka naman mag guide sa kanila.

Opo mi. Nasa bata naman kung gusto niya pong matuto talaga pero kung puro aral naman po dahil sa dami ng sasagutan ay nakakaawa naman po at baka hindi na po niya maenjoy ang pagkabata. Dapat po kahit nagaaral ay nageenjoy din po.

Laban anak! Marami pang darating na module hehe. Sa amin sis tatlo magmomodule. Isang grade 4, grade 2 at kinder. Kaya si mommy at daddy eh balik skwela na rin. Aja! 😊

Ganun na nga po sis. Kaya nakakamiss ang face to face po dahil mas focus sila pag ganun.

Hello Ma'am @chy07 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong blacknwhite photography contest sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 4.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Maraming salamat po magandang balita. God bless po.

CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8
Creativity.8
Technique.8
Overall impact.8
Story.8
Total.8

Maraming salamat po sa iyong pagsali sa contest na ito.

Maraming salamat po sa pagkakataon na ibinigay niyo po sa akin. Naway marami pa po kayong matulungan. God bless po..

Magandang umaga po sir, matanong ko lang po sana if nakasama po ba yung entry ko po? Nakita ko po kasi sa update nung sept 14 hindi po nakasama ang entry ko..salamat po.

Hmm relate Ako jan day. Kinuha ko rin kanina ang modules ni Antonia. You see impractical na sa private nyo sila pag-aralin dahil nasa blended learning tayo. Kung homebase, anong pinagkaiba ngayon sa public? Once marunong na magbasa ang mga bata, assist ka na Lang. On my end, hindi yan bago sa akin at sa mga anak ko dahil ganyan ang mode of learning nila sa St. Luke's Christian school. Lifepack tawag nila sa modules nila at Lima pa sila ha, (grades 6,5,3,2,1) Ang patakaran ng school nila ay mula nursery, kinder at Prep, Meron pang 1 year na LTR (learning to read) wherein they should know how to read first before they go to Grade 1 level because they will be on their own when they answer their lifepacks at home then submit the following day. Pag tinanong ang bata at Di nakasagot, it means Hindi sila ang gumawa Kaya walang ligtas haha. Kaya okay na yan. Pag di nila maintindihan, that will be the time for you to come to their rescue. Ganyan ang ginawa ko sa apo ko. Assist lang ako sa mga drawing kasi time consuming not that di sya marunong Kasi magaling din sya drawing. Alalay lang tayo sa snacks para ma-inspired hehe.

Tama naman po pero mas maganda po talaga na face to face kaya naway matapos na po ang pandemic para back to normal na po.

Hehehe module pa more apil ang nanay school

Hehe tama po. Ako po yung nahirapan eh hehe lalo na po may maliit pa po na anak.kung pwede lang po hatiin ang katawan para parehas ko po silang magabayan.

ganda ng bagong profile pic ah hehehehe

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.20
JST 0.038
BTC 97288.28
ETH 3596.14
USDT 1.00
SBD 3.87