Love notes to Mom
Hi mama,
Excited po akong sumulat sayo dahil huli ko itong ginawa ay noong elementary pa ako. Makita mo man o hindi, natutuwa ako dahil sa muli ay nagkaroon ulit ako ng pagkakataon na makapagsulat sayo.
Salamat Ma. Salamat sa walang sawang pagmamahal, pagintindi at pagkalinga. Sa pagkakataong inuuna mo ang iyong pamilya kaysa sa iyong sarili, kami ay taos-pusong nagpapasalamat. Salamat din po sa pagbibigay ng aming mga araw araw na pangangailangan na madalas ay sobra sobra pa dahil pati ang mga gusto namin ay naibibigay mo kahit minsan ay hindi mo na kaya. Salamat sa pagtitiwala mo sa akin sa lahat ng aspeto ng aking buhay. Kung ano ako at ang mga kapatid ko ngayon ay dahil sa iyo.
Patawad Ma. Hindi ko pa nakakamit ang mga pangarap mo sa akin. Pero kahit ganon, nagpapasalamat ako dahil hindi mo ako minamadali. Sa sakit ng ulo at kunsumi na inaabot mo sa aming magkakapatid, sorry po. Dahil sa inyo, natutuhan namin pahalagahan ang isa't-isa.
Sa araw-araw na pinagkaloob ng Diyos ay gusto kong malaman mo na ikaw ay biyaya sa amin. Biyaya na habambuhay namin ipagpapasalamat. Saludo ko sayo ma dahil bukod sa pagiging ina, ikaw ay asawa, anak, at kapatid. Ang pagmamahal mo sa pamilya ang nagbibigay inspirasyon sa akin upang magmahal ng tapat at hindi naghihintay ng kapalit.
Tinuruan mo akong maging matapang na kahit na sa dami ng problemang ibigay sa akin ay dapat akong manatiling malakas at lumalaban. Ikaw din ang dahilan kung bakit nakikita ko ang kabutihan sa bawat tao kahit sa mga pagkakataong mahirap na sila intindihin.
Salamat ma. Kung wala po kayo ay wala kami. Hindi man namin madalas masabi pero kayo po ang dahilan kung bakit kami nagsusumikap upang magkaron ng magandang buhay at upang mabigyan ka rin namin ng maginhawang buhay dahil yon ang karapatdapat para sa iyo.
Mahal ka namin ma. Sana po ay nararamdaman mo yon sa lahat ng ating mga tawa, yakap, at kahit simpleng paguusap. Ikaw ang ilaw na nagbibigay liwanag sa ating tahanan at pati na rin haligi na nagpoprotekta dito. Kasama mo ako sa bawat pait at tamis ng buhay. Darating ang panahon na makakabawi ako sa iyo at nararamdaman ko pong malapit na yon.
Hinihiling ko sa Panginoon na bigyan ka nya ng mahaba pang pagunawa at lakas ng pangangatawan.
Mahal ka namin habambuhay.
Nagmamahal ng lubos,
Ang iyong anak ❤
bigla ko naalala ang nanay ko. thanks for this post
Moms are the best 😍
As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!
Napakaganda ng sulat at mensahe mo para sa iyong Mama. Damang dama yung pagmamahal ng anak sa isang ina. Naalala ko yung nanay ko dahil dito. Upvoted for you! Keep it up! 😊
Kaya po natin lahat magsulat ng ganito lalo na kung para sa minamahal natin. Thanks @xeccedentesiast ❤