Bye Bye na Ba?

in #steemitachievers7 years ago

smiley-3190146__480.png
source: pixabay

Nakakapanlumong malaman na sa nakaraang dalawang buwan, unti-unting bumababa ang halaga ng SBD at STEEM lalo pa't sumasabay din ang pagbagsak ng bitcoin sa mga ito. Hindi ba dahil ito sa isa sa pinakamalaking trading site na Poloniex na kung saan nung nakaraang pitong araw ay may halagang 50 milyong dolyar katumbas ng (14,479,783 STEEM and 471,577 SBD) ang nakatengga lang sa mga account sa poloniex at ang STEEM WALLET NG POLONIEX ay pansamantalang sarado o may problemang pansmantalang kinukumpuni o hinahanapan ng solusyon?

Mahirap manigurado sa mga bagay bagay sa ngayon sapagkat hindi natin alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit sa mga oras na ito ay patuloy ang pagbulusok ng halaga ng SBD at STEEM.

Kung sakaling bawiin ng mga namumuhunan or investors mula sa accounts nila sa Poloniex ang mga nakatenggang steem at sbd nila, maaari kayang maging normal at maayos ang takbo ng halaga ng SBD at STEEM?
Pero paano kung sa kasalukuyan ay pansamantalang sarado or undermaintenance ang wallet ng steem s poloniex?
At sa anong kadahilanan kung bakit undermaintenance ang wallet ng steem sa isa sa pinakamalaking trading site na Poloniex?

glass-3099629__480.jpg
source: pixabay

Marami sa ating mga kapwa steemians ay nangangamba sa nangyayari lalo pa kung ang pangunahing dahilan kung bakit sila nandito at sumali sa steemit ay para kumita ng pera. Yung iba, nawawalan na ng ganang nagsulat at ipamahagi kung ano man ang gusto nila. Sabagay, hindi natin masisisi ang bawat isa kung yan ang kanilang dahilan lalo pa't alam natin kung gaano kahirap ang buhay ngayon. Ikaw ba naman ang kumita sa pagbablogs at pagsali sa mga palaro at patimpalak para kumita habang nakaupo lang, hindi ka masisiyahan, di ba?

Ayokong maging hipokrito at sabihing hindi yan ang unang dahilan ko noong sumali ako sa STEEMIT. Bakit? Dahil yun yung ipinamulat sa akin bago ako nakapasok dito. Na kikita ako sa pagbablogs. Sino nga ba namang mag aakala na mashigit pa pala doon ang mararanasan at makakamit ko? Na sa kaalamang masmarami pa pala akong madediskubre habang tumatagal ang pagiging bahagi ko sa programang ito.

FB_IMG_1520513400361.jpg

Musikero ako, simula pagkabata palang pag-awit na ang kinahiligan kong gawin kahit mapabanyo man yan o kusina. Sa pamamaraang yun ang alam kong nakakatanggal ng lahat ng lungkot at problema ko sa buhay kahit gaano kahirap. Yun nga lang, ni minsan, hindi ko kailan man isinama ang sarili ko s tinatawag nilang magaling. Pwede pang sabihing marunong ako at yun lang ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Kahit mang sabihing may natapos ako sa musika at nakatanggap ng diploma, hindi ko na sya nagamit masyado simula ng nagkapag-asawa ako. At dhil sa dito na lang ako lagi sa loob ng bahay para alagaan ang anak ko, gusto ko rin namang kumita at makatulong s asawa ko sa pamamaraang alam kong tama at gusto ko.

Dito sa steemit, masasabi kong kahit papano, naibalik ang pagmamahal ko sa musika. Kahit papano, iilan lang man ang nakakapuna, maigi pa rin dahil naipapahiwatig ko ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-awit.

Mahirap maglagi sa loob lang ng bahay pero kailangan kong gawin lalo pa at kailangan ako ng anak ko. Gusto ko syang alagaan na ako mismo yung gumagawa. Para pagnagkaisip sya, ramdam na ramdam nya kung gaano ko sya kamahal. Gusti kong marmdaman nya kung ano yung hindi ko naramdaman nung bata palang ako. Maspinipili ko ding maglagi sa loob ng bahay dahil na rin sa takot na ako sa labas na mundo. Hindi ko lubos maisip kung anong dahilan pero yun yung nararamdaman ko. Siguro dahil na rin sa mga krimen or hindi magagandang nangyayari sa paligid na nakakatakot lalo na sa mga panahon ngayon.

Kaya sa paglalagi ko sa bahay at nakasali ako sa steemit, malaki ang pagbabagong naibigay nya sa akin lalo na sa pakikisalamuha sa iba't ibang klase ng tao. Paminsan madrama, paminsan masaya, paminsan manggagalaiti ka na lang sa ibang masyadong maaura at kung umasta ay sobrang tatalino nila, pero ang pinakaimportante sa lahat hindi ka nag iisa sa kung ano man ang kinakaharap mo sa bawat araw na gumigising ka.

IMG_20180308_205919.jpg

Katulad nga ng sinabi ko as part of #steemsecrets "sift even the apparently not-so-good to find good in it ". Paminsan kasi porket alam nating hindi kaaya ayang tignan ang isang bagay, ang alam natin ay wala ng pakinabang. Katulad ng basura, kung hindi mo susuriing mabuti, hindi mo malalamang may mga bagay na nakatago lang sa ilalim na maaari pang gamitin or irecycle para magamit.

Marahil paminsan may mga bagay na nakakairita sa atin lalo pa sa iba't ibang ugali ng mga tao, kung paano sila pakibagayan. Ang dapat pa ring isipin ay pang unawa at pagmamahal para sa ganun maging mabuti tayong halimbawa sa iba lalo na sa mga bagong pasok pa lang sa programang ito. At kung alam mong ikaw naman ang may malawak na pang-iintindi, ikaw na lang ang mag-adjust para maging maayos ang lahat. Kaibiganin mo lahat ng kayang kaibiganin hangga't kaya ng isang daang porsyento ng lakas ng pang-unawa mo dahil sa bandang huli, makikitaan ka nila ng mabuti at maiisip na kahit papano, kailangan ka din pala nila.

IMG_20180308_210337.jpg

Katulad ni @surpassinggoole at marami pang mga balyena dito sa #STEEMIT, isipin na lang natin kung gaano karami ang taong gusto nyang tulungan at bigyang pansin ang mga hinanaing nila sa kanya pero kinakaya nya at iniintindi tayong lahat sa abot ng makakaya ng powers nya kahit wala na yata syang tulog. Tulad nga ng sinabi nya, na hindi sya regular na tao, marami syang ginawa pero kung kailangan syang kausapin ng isang tao, pinagtutuunan pa rin nya ng pansin kasi para sa kanya bawat isa sa atin, may halaga.

smiley-3192990__480.png
source:pixabay

Kaya kung sa palagay mong namomroblema ka sa kung ano mang nangyayari sa sbd at steem na iyong nakikita, mag-isip ka muna. Masmaiging wag masyadong umasa. Ang sabi nga nila, walang forever, di ba? At kung wala man, sabayan mo na lang muna, malay mo, ikaw ang unang makadiskubre na sa likod ng walang forever na yun, may pag-asa pa. Ienjoy lang natin at baka sa puntong nasa sitwasyon tayong nagsasaya at nagsasama-sama, sabay din ang pag angat ng sbd at steem, di ba?

Ang inyong lingkod
@zoeroces

images.png

Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Please like @teardrops on Facebook and Twitter:

https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens
Thank you so much for my families too,
#steemitachievers, #steemph, #steemitdavao #sa-radio #untalented and #steemunity

I LOVE YOU ALL SO MUCH!

U5dsmYGphSkbk3tRrUuUNeFea3RSMcC_1680x8400.png

received_2320029021347987.jpeg

U5drKA8ruv6d2rLUgHTReT7x7DEg42d.gif

U5dt3KxuFH8Zt2wuaHMf88kvBhquwaw.gif

U5ds43e7ZLBHE3RgnEj4AeW82ookYFk_1680x8400.jpeg

U5drDyrcB34WaUo2YAoAwM99XC96tGB_1680x8400.png

Sort:  

Napaka husay ang iyong artikolo maraming salamat sa pag share di ka nag iisa aming kaibigan laban lang..

We should never ignore the good side about this SBD and STEEM price plummet, since it can also be considered as a good opportunity for those new investors, to start and get their tokens now, while its price is low. Let's just spread more positive vibes instead and this good news too, let's also keep promoting STEEM and SBD, as well as Steemit. Power!

Agree sis, the reason kaya bumababa ang SBD ay dahil bumababa ang BTC. I heard na expected na babagsak pa lalo ang price ng SBD by 3rd to 4th week ng March and we notice na nagsisimula na sya ngayon. It is because magkakaroon ng malawakang gathering ang mga malalaking investor ng bitcoin ngayong March. Para sa mga crypto lovers and traders ito ang perfect time to buy and get bigger profit kapag mag sky rocket ulit sya. So hold on, baby hold on.. hahaha.. Indeed, despite of that maraming mga masasayang nangyayari sa araw-araw na blogging natin dito, we are not only gaining money but we are also building friendships.

Well said, sissy. Kaya push lang.

Wow! Very well said 😊
Full time mom of 3 girls here

Ty, dear. Tama diba?😊

Ikanta na lang yan sis....hold lang may pagasa tayo....kung wala sana naunang ng nagempake ang mga balyena

Haha! Tama te baby

Sakto walang labis walang kulang...thnks@zoeroces

Inspiring article mam...

Ty so much, dear.

thanks for posting steemitdavao tags,

Upvoted and resteem your beloved post.

From Your: Steemitdavao family
steemitdavao bot.png

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 93785.26
ETH 3367.35
USDT 1.00
SBD 3.26