Dead Stars by Paz Marquez Benitez (TAGALOG VERSION)

in #shortstory7 years ago (edited)

image

So all these years—since when?—he had been seeing the light of dead stars, long extinguished, yet seemingly still in their appointed places in the heavens.



SINOPSIS

Ang Dead Stars ay isinulat ni Paz Marquez Benitez na inilimbag noong taong 1925. Ito ay itinuring na kauna-unahang maikling kwento ng Pilipino na isinulat sa wikang Ingles. Ang istorya ay umiikot kay Alfredo Salazar na isang binatang abogado at sa dalawang dilag na nagngangalang Esperanza na apat na taon nang kasintahan ang binatilyo at si Julia Salas na dalagang hipag ng kakilalang hukom ni Salazar.




Ang pag-iibigan ni Alfredo Salazar at Esperanza ay kay tamis noong simula, ngunit di naglaon paglipas ng panahon napalitan ang tamis ng pait. Unti-unting nawawala ang pag-ibig ni Alfredo at kasabay nito ang pagtagpo ng landas ni Alfredo Salazar at Julia Salas nang bumisita si Alfredo sa kaibigan niyang hukom. Palagi na siyang pumupunta doon kasama ang kanyang ama na siyang may kailangan din sa hukom kung kaya't madalas silang nakakapagkwentuhan ni Julia. Sa umpisa, ay hindi nya pinapansin ang pagbilis ng tibok ng puso nya tuwing makasama ito at ang pagkasabik na makita siya muli na naghahatid ng ngiti sa kanyang labi na tila di niya ito mapipigilan. Pero, napawi ito lahat nung naalala nya ang nalalapit na itinakdang kasal nila ni Esperanza.

Hanggang sa isang araw, habang naglalakad sila sa tabing baybay ng dagat sinabi ni Julia na siya'y lilisan na at babalik na muli sa kanila.

"Bakit parang tila pinaparating mo na ito na ang huli satin?"

"Dahil ako'y uuwi na samin."

"Kailan naman ito?"

"Bukas na ang alis ko. Nakatanggap ako ng liham mula kay ama at ina kahapon, nais nilang makasama ako sa Mahal na Araw."

Hinintay ni Julia na magsalita si Alfredo ngunit nanatili itong walang imik at nakayuko lamang.

"Kaya ito na ang huli satin."

Napatanaw na lang si Julia sa napakagandang tanawin ng dagat at ang paglubog ng araw.

"Naiiba at napakalayo nito kumpara sa aming lalawigan, pakiramdam ko ako'y nasa ibang kalawakan."

"Sumasang ayon ako diyan Julia, napakaganda at naiiba ito, tulad na lamang ng mga lumang bagay na tila hindi ko kayang bitawan."

"Anong mga lumang bagay Alfredo?"

"Mga pagkakamali, mga paghihinayang at ang mga bumabagabag... Ito ay ang mga lumang bagay na lagi kong pinapasan."

Si Alfredo ay humakbang palapit kay Julia. Hinawakan nya ng kay higpit ang mga kamay ni Julia, ngunit hindi naman makatingin ng diretso si Julia sa mga mata niya at tila parang bumubulong at sinabing "Paalam."

Labis na nagitla si Alfredo nang nakita niya si Julia sa simbahan ng Araw ng Huwebes Santo.

"Ginoong Salazar, nais ko lamang batiin ka sa iyong nalalapit na kasal. Nawa'y maging masaya kayo at pagpalain ng Diyos."

"Binibining Salas, ang kasal ba ay nagbabatid ng interes sa iyo?"

"Oo naman, lalong lalo na ang ikakasal ay malapit na kaibigan sakin."

"Kung sa gayon, kung iimbitahan kita ikaw ba'y babalik dito?"

"Kailan ba gaganapin ang iyong kasal?"

"Sa buwan ng Mayo."

"Bueno, sabi nila kapag ikinasal sa buwan Mayo kaligayahan ang batid nito."

"Ikaw ba ay babalik dito at pupunta sa aking kasal?"

"Bakit naman hindi? Kung ako'y iimbitahan susulpot ako. Pangako yan."

"Ika'y iniimbitahan ko Julia."

"Asahan mo ang pagako ko Alfredo."

Naglaon natuloy ang kasalan ni Alfredo at Esperanza, samantalang si Julia ay bumalik sa sariling bayan. Lumipas ang walong taon, naatasan si Alfredo na magtungo sa isang bayan na malapit lang kina Julia. Sa pagkakataong iyon, nilakasan niya ang kanyang loob na bisitahin si Julia. Ngunit habang naglalakbay siya, nasagi sa kanyang isip kung ano kaya ang naging buhay niya ngayon kung natuloy ang relasyon nila ni Julia at nagisang dibdib sila. Pero wala na din siyang magawa kasi ang nakalipas ay nakalipas na, hindi na ito maaaring maibabalik pa at naabot din sakanya na hindi nag-asawa si Julia.

Nang nagtama ang mga tingin nila, sa labas ng tahanan nila Julia sa kalagitnaan ng gabi, sa ilalim ng buwan at saksi ang mga kumikinang na mga bituin. Napansin ni Alfredo may maliit na pagbabago sa itsura ni Julia, pinag-usapan nila ang mga nangyari sa kani-kanilang buhay sa loob ng walong taon na hindi pagkikita. Pero mayroong nagbago talaga hindi lang ang pagpayat ng konti ni Julia, pero di niya matukoy kung ano. Si Julia katulad pa din naman ng dati, hindi nagbago ang kanyang pagiging masayahin na makakahawa at ang pagiging magaan na kasama na noon ay siyang ikinagagalak ni Alfredo kapag nakasama ito. Ah ngayon alam na niya kung anong nagbago.

Pinagmasdan ng maiigi ni Alfredo si Julia at hinawakan niya ang kamay ng dilag hinahanap ang dating malakas na pintig ng kanyang puso, lumipas ang segundo at minuto pero hindi iyon dumating.

Hindi dumating ang kakaiba at di maipaliwanang na nadarama niya para sa babaeng minsang nagpagulo ng buhay niya.

Napatingla si Alfredo sa milyon-milyong kumikinang na mga bituin sa kalangitan. Malinaw na sa kaniya na katulad ng mga ibang bituin, na akala lang pala niya nagpatuloy ang pagkinang ng pag-ibig niya kay Julia ngunit ang ibang bituin na ating nakita sa kalangitan ay matagal na palang patay.

Kaya ang pag-ibig ni Alfredo Salazar kay Julia Salas ay parang patay na bituin na ngayon niya lang nakita—sa walong taon—na matagal na palang naglaho ang liwanag nito.

W A K A S .




Sort:  

Congratulations @belindabering! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got your First payout

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by belindabering from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 99357.59
ETH 3318.45
USDT 1.00
SBD 3.07