Ang Mangangaral Sa Damasco

in #religion7 years ago

Kabanata 12
Gawin mong monarkiya ang sistema ng gobyerno sa iyong relihiyon, pangunahan mo sila na may pagka-diktador. Pangunahan mo ang iyong mga miyembro na ang pakiramdam nila ay sila ang mahalaga ngunit ang hindi nila alam ay ikaw ang may kontrol. Ang iyong anak at apo ang dapat na humalili sa iyo. Ito ay tama lang dahil ikaw ang nagtatag, nagsimula, at nagpagod sa bagong pananampalataya na iyong ipinangaral. Kaya ang dapat na sumalo ng iyong kapangyarihan ay ang iyong anak at wala ng iba. Gawin mong naka-programa na ang paghalili ng iyong anak.
Darating din ang panahon na mauubos ang imbak ng iyong lahi para humalili at mamuno sa iyong relihiyon. Diyan malimit nagkakaroon ng pagkakahati, sa mga yugtong iyan lumalala ang kurapsiyon sa isang relihiyon.
Walang organisasyon sa kasaysayan na hindi nahati o nagkabaha-bahagi. Darating at darating iyan sa iyong grupo. Ang organisasyon o samahan ay hanggang apat na henerasyon lamang, pagkatapos niyan ay ang pagkakahati ngunit huwag mo itong ikalungkot mayroon pa ring malalabi sa iyong na mga disipulo para sa iyong lahi na tagapanguna, tandaan mo na mas marami ang mga gago at hindi palasiyasat kaysa matatalino na nakahandang maging tapat sa iyo hanggang kamatayan. Ang mahalaga ay nabuhay ka na parang Diyos at hindi habang-buhay na uto-uto, tagasunod at gatasang baka.
Ang buhay mo ay pawang pag-uutos lamang. Walang higit na mas mataas sa iyo. Ang relihiyon mo ay magpapatuloy sa mga susunod na lider na sa iyo kumukuha ng lakas at kapangyarihan. Babangitin nilang lagi ay iyong pangalan upang mamamalagi nilang natataliaan ang mga tao. Lagi nilang sasabihin na sila ang may kahalalan dahil naka-ugnay sila sa iyo na ikaw ay sugo ng Diyos. Ganyan ang pagpapatakbo sa mga tao kahit noong una pa. Ginagamit nila ang pangalan ng isang tao na matagal ng patay o wala na ngunit buhay pa ang ala-ala o kaya'y sasabihing nasa langit na. Likas sa tao ang mapaniwalain sa mga bagay na mahirap unawain. Ang laging nakalalamang ay ang mga taong may bukas na isipan na sa lupang ito ay may dalawang diyos na laging nabubuhay- ang salapi at ang kapangyarihan.
Maglunsad kang lagi ng mga aktibidad na pang relihiyon pangunahin na ang ibat-ibang paraan ng pagpapalaganap. Ito ang pinakamahalaga dahil ito ang pinaka-merkado mo. Ito ang pamparami ng miyembro. Pamparami ng pasok ng salapi. Pantakip sa mga casualties o mga nawala sa mga miyembro.
Ito ang isang pambihirang bagay sa isang relihiyon, kikilos at gagawa ang iyong mga tagasunod ng walang bayad sa paniniwala na sila ay mababanal at maliligtas. Ang mga miyembro mo ang mga tagapagbenta ng inyong pananampalataya, mag-aanyaya sila, gagawin nilang dako ng pangangaral ang kanilang bahay at sasama sila sa kung saan mo ibig silang dalhin upang doon ay mangaral ka. Magiging kagalakan nila na sila ay naka-kumbirte ng maraming bagong miyembro dahil naituro mo sa kanila na natutuwa ang Diyos sa kanilang mga pagpapagal. Ngunit ikaw naman ang makikinabang ng salapi sa ilan man nilang makumbirte, lalo na kung nalikha ang isang tao "mananampalataya", tatabo ka ng katakot-takot na salapi.
Takdaan o quotahan mo ang mga mangangaral mo ng mga bilang na dapat nilang makumbirte. Gantimpalaan mo ang may pinakamaraming naibunga, i-angat mo sila sa mga matataas na mga tungkulin. Dagdagan mo ang kanilang mga sweldo. Asahan mo na ang karamihan sa kanila ay matutuksong mandaya at magsinungaling para mabigyan ka ng kasiyahan at ma-promote sila. Ang mahalaga dito ay mapupuwersa ang lahat mong mangangaral na magsikap na makakuha ng maraming tao.Turuan mo sila na huwag mandaraya sapagkat iyon ay masama ngunit sa isang banda ay makabubuting mandaya sila sapagkat magiging masamang tala iyon sa kanilang buhay bilang isang mangangaral sa oras na sila ay mahayag, sa ganoon ay lalo mo silang matatalian at magiging tapat sa iyo. Itulak mo sila sa pandaraya sa paraang hanapan mo sila ng hanapan ng dapat nilang makumbirte ngunit kapag malala na ay maghugas ka ng kamay sa paraang alisan mo sila ng karapatan, isuspinde mo sila at paulit-ulit na ipangaral mo sa kanila na ang pandaraya ay sa diablo sa ganitong paraan ay hindi nila mapapansin na ikaw ang promotor kung bakit sila napilitang gumawa ng masama.
Ang maraming nakumbirte kahit bunga ng pandaraya ay makapag-dudulot ng inspirasyon sa iba hindi ang kanilang likong gawa kundi ang napabalita na sila ay nakapagdala ng maraming tao sa iyong tunay na relihiyon at ang mga miyembro ay magsisikap na sila ay makapagmisyon rin ng maraming mga tao. Isigaw mo sa lahat na ang maka-akit ng maraming mga tao na aanib sa relihiyong sa Diyos ay nagagawa nilang mag-awitan ng sabay sabay ang mga anghel sa langit at ang mga pangalan ng mga nagbunga ng mga kaluluwa lalong lumiliwanag at kumikinang sa aklat ng buhay sa langit at ang kanilang mga pangalan ang unang babanggitin kapag tinawag na ang mga maliligtas at maninirahan sa banal na lunsod o nirvana. Sa pag-uusap ng mga miyembro sa ibat-ibang dako ay buong kasiyahan nilang laging pag-uusapan ang dami ng kanilang mga naibunga. Nakagawa sila ng maraming kabanalan. Wala sa isip nila na sila ay mga makinarya lamang upang lalo pang makakuha ng napakalaking kuarta.
Huwag kang titigil ng ka-iisip at kapa-plano kung paano darami ang iyong mga miyembro. Kung hindi mo makuha ang mga tao sa aral, kunin ko sa mga bagay na materyal. Maglunsad ka ng mga pagka-kawanggawa o mga lingap sa mga hindi pa miyembro at ito ay balutin mo ng pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa ngunit ang nakatagong motibo ay ang makinig sila sa iyong mga aral hanggang sa sila ay maging mga karagdagang mga miyembro. Ang malaking gugugulin mo sa mga aktibidad na ito ay huwag mong ibabawas sa mga salaping pumasok na sa iyo. Lumikha ka uli ng isang klase ng handugan na ang kaukulan ay paglingap sa tao. Gawin mong ma-drama ang iyong kampanya ukol dito, may mga panalangin, mga seryeng leksiyon, mga katangi-tanging mga sobre at puwersahin mo ang iyong mga mangangaral na ito ay ikampanya nilang mabuti. Sino man sa mga mangangaral mo na ayaw sumunod sa paglikom ng malaking salapi sa iba't-ibang paraan ay tandaan mo at kumuha ka ng tiempo at idestino mo sila sa mga malalayo, liblib at mapapanganib na mga lugar. Kapag napansin na ng iyong mga miyembro na hinihikayat mo lang ang mga tao sa pagkain upang maging miyembro ng iyong relihiyon ay agad mong pihitin ang takbo ng hangin. Itagubilin mo sa mga mangangaral at mga maytungkuling katuwang nila na mahigpit mong ipinagbabawal ang pag-gamit ng mga lingap ng mga pagkain para lang sumapi ang tao o makinig ng iyong mga aral. Sa gayun ang lilitaw na may pakana ng ganitong pamamaraan ay sila at hindi ikaw. Ang iyong mga miyembro ay lalong hahanga sa iyo, magkakaisa silang magsasabi na "iyan ang aming lider, hindi marunong mangunsinti". Ganyan ang mga taong uhaw sa mga pambihirang paninda mo. Hindi nila agad na nakikita ang nakapaloob na motibo. Magkakaisa pa silang magsasabi ng "Kaisa kami ng aming namamahala".

Sort:  

Congratulations @mwriter723! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Cool! I follow you. +vote

Hello @mwriter723, upv0t3
This is a free service for new steemit users, to support them and motivate them to continue generating valuable content for the community.
<3 This is a heart, or an ice cream, you choose.

:)


R4ND0M:
6439 2501 1850 1306
4591 7395 4580 1342
1457 5756 9603 4337
4204 4436 9502 4810

Congratulations @mwriter723! You have received a personal award!

1 Year on Steemit
Click on the badge to view your Board of Honor.

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @mwriter723! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 68123.34
ETH 2416.53
USDT 1.00
SBD 2.35