Pagdiriwang sa Buwan ng Wika 2018

in #rafasays6 years ago (edited)


Hallerrrr! Bilang nangako ako ay @twotripleow na susubukan kong manulat sa wikang Filipino, pinagisipan kong mabuti kung ano ang pwede kong maibahagi.

Ting ting ting ting ting ting ting! Lightbulb moment, edi ano pa ba ang pinaka-akmang ibahagi kundi ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong nakaraang Agosto.


PhotoGrid_1536333208857.jpg

Oha oha, aminin mo yan ang brilliant ko dun.

Ok, kung ikaw ay isang mag-aaral, o di kaya ay magulang na may junakis na nag-aaral (patalastas: ang mahal ng tuition no?) sigurado updated ka sa mga selebrasyon buwan-buwan.

Ang Hulyo ay... Buwan ng Nutrisyon! Ang Agosto ay... Buwan ng Wika! Ang Setyembre ay... Buwan ni Jose Mari Chan! Hahaha di ba ang daming memes ng 🎵🎶whenever I see girls and boys 🎶🎵 na nagsilabasan pagbukas ng Setyembre.

Teka naliligaw nako sa gusto kong sabihin.

Ayun na nga, nitong katapusan, like 31 Agosto 2018, like inihabol talaga namin yan na pasok sya sa Agosto, ipinagdiwang sa paaralan ni Rafa ang Buwan ng Wika.


PhotoGrid_1536332994046.jpg

Sabi nga ni Gat Jose Rizal, Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda.

Speaking of isda... ang mahal ng isda ngayon di ba.

Buti pa ang isda mahal. E ang wikang Filipino mahal pa ba natin?

Medyo guilty ako dito. Bilang nanay, ang aking mga choices ay nakaimpluwensya kay Rafa na lumaking mas komportable sa wikang Ingles. Ganyan na yata talaga ang uso ngayon e, karamihan ng mga bata English na rin kasi kinakausap ng mga tao sa paligid nila.

Pagkalabas ni baby sa earth, ano ang isa sa mga unang itinuturo? Close,open. Na may hand gestures syempre.

Ano ang pinapakinggan? Nursery Rhymes gaya ng Baby Jesus Baby Jesus do not cry, Twinkle Twinkle Little Star at iba pa.

Madalang nalang ang maagang natuturuan ng Bahay Kubo (kahit munti) o ng Ako ay May Lobo (lumipad sa langit).

Yung lobo siguro kaya di tinuturo kasi naman ang lungkot.


Ako ay may lobo
Lumipad sa langit
Di ko na makita
Pumutok na pala.

O di ba baka umiyak pa si beybi pag ganyan.

Tapos naman ang isa sa mga maagang napapanuod ng bata ay si Barney (the dinosaur from our imagination) o kaya Sesame Street.

Trivia: ang Linga pala sa kantang Bahay Kubo ay sesame seed. Naloka ako nung nalaman ko ito way back, parang pakiramdam ko nun ay isang mystery solved ito.

Tapos aminin din natin, madaming bata na ang exposed sa gadgets, at sa mahiwagang mundo ng youtube. Maraming bata rin ang self-taught ang English, minsan mas magagaling pa sila kesa sa mga matatanda sa paligid nila kasi nga nakasanayan nila manuod ng mga palabas na Ingles.

Anyways mabalik ulit, kaya mainam ang ginagawa sa paaralan na, kahit man lang sa isang buwan sa isang taon e nakatutok tayo sa pagpapahalaga sa Wikang Filipino.


PhotoGrid_1536333139708.jpg

So ayun na nga, nagkaroon ng programa sa paaralan- may sayaw ang mga bata, may balagtasan, may pag-awit at mayroon ding pagsasadula. Bago ang aktuwal na programa, nagkaron na ng Patimpalak sa Balagtasan ang mga bata sa kanikanilang baitang.

Kahit balibaliktad ang dila, at may accent ang pagsasalita nya ng Filipino, isa pa rin si Rafa sa mga nagkamit ng papuri para sa kanilang balagtasan.


PhotoGrid_1536333282293.jpg

Nakakatuwa kasi ineffortan nyang tandaan ang mga titik sa kanilang balagtasan. Nakita mo naman sa video kung pano kami nagpraktis. Ang medyo mahirap sa praktis namin, kinailangan kong ipaliwanag ang bawat talata at salita, ang hirap kasi intindihin kung di sanay sa lengwahe.


PhotoGrid_1536332661345.jpg

Nakakatawa lang, habang may nagtatanghal sa
entablado, nasasabayan ko na yung sinasabi ng mga bata. Namemorize ko na rin e, hahaha.

Kyooot na kyooot din sila sa pagsayaw ng Leron Leron Sinta. Medyo mahirap kabisaduhin yung side-step side-step dance move nila ha. Nagkakabanggan pa sila minsan haha, pero in a cute way.


PhotoGrid_1536333491388.jpg

Ayan, natuwa naman lahat ng bata (at matatanda) sa ginanap na pagdiriwang.

Naalala ko nung second year high school ako may sabayang pagbigkas kami. Full costume ng Filipiniana sa mga babae, Barong Tagalog o kaya ay Kamisa Tsino sa mga lalaki, at may maraming armas at malaking watawat din. Ang galing noon, pag may mga ganyang ganap hashtag feeling accomplished at hashtag feeling proud lahat.

Naalala mo pa ba yung mga panahong ginagawa nyo rin to sa paaralan nyo? Kwento! Hehe.


Follow @bayanihan to view the work of exceptional PH talents!

Visit @sndbox page and learn about the amazing incubator for creatives and communities.

If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.manila, @steemph.iligan, @steemph.davao @steemph.antipolo and @steemph.uae.


dreamiely_new.png


▶️ DTube
▶️ IPFS

Sort:  

ano ang kahulugan ng salitang Hallerrrr sa wikang Pilipino?

Sirit? Hahaha

Hello yta, ang ibig sabihin



See your post featured here by @johnpd on Monday Short Stories & Poetry, a community curation initiative by @SteemPh.

If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto

Ayee! Akala ko hindi ka na magsusulat gamit ang wikang Tagalog haha. Hindi ko lang talaga mapigilan na tumawa kapag binabasa ito Nagpapatawa ka ba talaga? Haha pwedeng comedy open-mic. Ber na kasi kaya totoo naman na buwan na ni Jose Mari Chan. Mamaya-maya sama'y bahay na at siyempre papasok si Ariel River. "Ang pasko ay kay saya". Ngayon pa lang excited na ako sa susunod mong blogs. Si @st3llar naman pasulatin na rin iyan gamit ang wikang Tagalog haha.

Mainam talaga na turuan mga bata ng kanta kagaya ng; Ako ay may lobo at iba pa haha. Congrats pala kay Raffa kasi nanalo siya sa Balagtasan niya at siyempre proud na proud si mommy dahil magaling magturo haha.

Grabe sha sa nakakatawa ako o. Hahahahahahaha. Pero may katotohanan. Hahahaha.

Hi @dreamiely!

Your post was upvoted by @steem-ua, new Steem dApp, using UserAuthority for algorithmic post curation!
Your UA account score is currently 4.695 which ranks you at #1446 across all Steem accounts.
Your rank has improved 4 places in the last three days (old rank 1450).

In our last Algorithmic Curation Round, consisting of 325 contributions, your post is ranked at #188.

Evaluation of your UA score:
  • Some people are already following you, keep going!
  • The readers like your work!
  • Your contribution has not gone unnoticed, keep up the good work!

Feel free to join our @steem-ua Discord server

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 96923.38
ETH 3370.74
USDT 1.00
SBD 3.55