Patimpalak ng Potograpiyang Filipino: Iba't Ibang Bulaklak
Gamit ko ang aking selepono na may tatak na Oppo A37f sa pagkuha ng mga larawan ng iba't ibang bulaklak na napagtuunan ko ng aking pansin. Kinuhanan ko ang mga bulaklak sa magkakaibang pagkakataon at dahil sa nahihilig na rin ako sa pag kuha ng larawan upang masanay na rin ang aking kakayahan sa potograpiya.
Ang tatlong mga larawan sa ibaba ang aking mga lahok para sa patimpalak na binuo ni @allmonitors na may titulong: Ikalawang Linggo ng Patimpalak ng Potograpiyang Filipino - Tema: Mga Bulaklak
Bulaklak ng Gumamela: Karaniwang itinatanim bilang ornamento o gayak sa hardin sapagkat kay gandang pagmasdan ang mga bulaklak nito. Mayroon ding iba't ibang kulay ng bulaklak ng gumamela gaya ng dilaw at puti. Ang halamang ito ay ginagamit din bilang halamang gamot. Naalala ko nung kabataan ko na dinidikdik namin ang bulaklak at dahon ng gumamela para makagawa ng bula at may mapag libangan. Kinuhanan ko ang larawan ng makita ko ang bulaklak habang ako ay naglalakad sa isang lansangan.
Bulaklak na Rosas: Halamang may tinik kaya't dapat maingat ang pagkuha ng mga bulaklak na ito. Napakaraming klase ng rosas at iba't ibang kulay. Ang nasa larawan ay aming pananim at maliit na klase lamang na rosas.
Kiyapo: Sa Ingles ito ay water lily. Ang kiyapo ay nakalutang sa tubig at maraming klase rin. Kinuhanan ko ang larawan ng mapadaan ako sa isang lugar na malapit sa lawa.
masubukan ko nga sumali dito, all photos are beautiful..
Yup. Mas marami, mas masaya. :)
Stay awesome
Thanks! Stay cool. :)
Ano yung kulay nung rosas @zararina? By the way good luck sa contest :)
Thanks. Light pink siya in person. :P
akin nalang yung rosas :)
Hehe oo naman. :P
Paano po sumali?
Hi, visit mo tong link na to https://steemit.com/potograpiyangfilipino/@allmonitors/mahalagang-anunsyo-ikalawang-linggo-ng-patimpalak-ng-potograpiyang-filipino-tema-mga-bulaklak :)
Lahat ng kuya ay maganda. Paborito ko din ang rosas at gumamela na karamihang nasa aming hardin :) Good luck @zararina :)
Maraming salamat. :)
This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond Please consider upvoting this comment as this project is supported only by your upvotes!
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by zararina from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.