📷 Mahalagang Anunsyo: Ikalawang Linggo ng Patimpalak ng Potograpiyang Filipino - Tema: Mga Bulaklak 📷

in #potograpiyangfilipino7 years ago (edited)

Magandang umaga muli mga kababayang Steemians, nais ko pong ibahagi sa inyo ang: Ikalawang Linggo ng Patimpalak ng Potograpiyang Filipino.

Tema: Mga Bulaklak

Ito po ay tugon sa layunin ni Terry o mas kilalang si @surpassinggoogle na gamitin ang sariling atin, ang wikang Filipino.

Panauhing Hurado sa Linggong ito: @albertvhons


P1000689.jpg

Habang ako ay nagaantay sa aking asawa sa kanyang pagdating upang kami ay magkita sa isang sikat na mall dito sa siyudad ng Quezon ay naisipan ko munang maglakad-lakad at biruin mo nga naman may nakita akong tindahan ng mga bulaklak. Ako ay nakiusap sa nagbabantay nawa'y pagbigyan akong makuhanan ang mga bulaklak ng halaman na naggagandahan. Napakabait ng tindera at ako ay pinaunlakan, dala ko ang Lumix ZS110 at heto nais kong ibahagi sa inyo ang larawan.

--

Ang pagkuha ng larawan ay isang paraan para maipakita natin kung anong meron at kayang ihandog ang ating inang bayan, para maiparating natin sa buong mundo na tayong mga Pilipino ay talentado sa kahit na anong bagay at larangan. Kaya inaanyayahan po natin ang lahat ng mga Filipino o may pusong Filipino, ano man ang lahi na naninirahan o nanirahan sa bansang Pilipinas na mahilig sa potograpiya upang sumali sa ating munting patimpalak.


Papaano sumali sa Patimpalak ng Potograpiyang Filipino?

  1. Ang mga kalahok ay inaasahang kuha nila mismo ang tala nilang larawan. Hangang tatlong larawan lamang ang maaring ilahok. Maaring rin ninyong gamitin ang inyong mga lumang kuhang larawan.

  2. Dapat na isalaysay ng mga kalahok ang kahit na maikling kwento/salaysay at uri ng aparato (kamera o telepono o cellphone) na kanilang ginamit upang matamo ang larawan.

  3. Gamitin ang hashtag na #potograpiyangfilipino at gumamit ng titulong may:Patimpalak ng Potograpiyang Filipino sa inyong posts o hayag.

  4. Wag po nating kalimutang ibahagi ang ating patimpalak sa pamamagitan ng pagboto at pag resteem para maabot ang ibang nais sumali. Huling araw ng pagsumite sa mga larawan ay tuwing Linggo, alas-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

😊 Sana ay matuwa at malibang kayo habang kumukuha ng mga larawan 😊


Mga Papremyong Pwedeng Mapanalunan:

Unang Premyo: 4 SBD

Ikalawang Premyo: 3 SBD

Ikatlong Premyo: 2 SBD

At may dagdag 6 na namumukod tanging kalahok na makakakuha ng tig 1 SBD.

Tandaan: Kung ang isang kalahok ay may tatlong angkop na larawan, ang pinakamagandang kuha ang siyang maaring makakuha ng pinakamataas na premyo at hindi niya pwedeng makuha lahat ng gantimpala.

--


Ang paligsahan pong ito ay naging posible dahil sa pakikipagtulungan ni @surpassinggoogle. Ipakita po natin ang suporta sa pamamagitan ng pagboto sa kanyang witness "steemgigs" dito.

--

Notice: This post is intended to give exposure to the Filipino community and those who have been to the Philippines who understand our native tongue. My apologies if no translation was provided.

Hangang sa muli, Rex aka @allmonitors nagsasabing: Wag lang natin masdan dahil sayang, kuhanan natin at Steemit natin😊

emoji source: Emojipedia

Sort:  
Loading...

Congratulations @allmonitors! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published 4 posts in one day

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Salamat po sa pagtangkilik sa munting paligsahan :)

Nawa'y patuloy po kayong pagpalain ng ating Panginoon. :) Salamat po sa inyong patimpalak! :)

Wow! Ang galing talaga ng aking kabayan @allmonitors sa pag organisa ng isang patimpalak 😊. Saludo ako syo kaibigan 😉.

Maraming salamat, sali ka rin kung may pagkakataon :)

@allmonitors Ito po ay isang napakagandang halimbawa ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa site na ito. Sumali din po ako at nawa'y marami pa akong makilalang mga talentadong kababayan natin lalo sa sa potograpiya at pagsusulat. Ito po ang aking mga kuha :) -https://steemit.com/potograpiyangfilipino/@bloghound/patimpalak-ng-potograpiyang-filipino-potograpiyangfilipino

Maraming salamat sa pagsali at pagtangkilik tol. Asahan nating marami tayong makikilala dito. Steem on!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.24
JST 0.040
BTC 94610.20
ETH 3289.77
SBD 6.70