Sino Kaya Sa Tatlo?

in #poetry7 years ago

tatlo
/i.pinimg.com

Sino kaya sa tatlo ang pipiliin ko?

Sino kaya ang totoong laman ng puso ko?

Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako,

Kung sino talaga ang mamahalin ko.

Sa puso ko sila ay pantay-pantay,

Lahat sila ay may saysay.

Sapagkat sila ang nagbigay

Sa akin ng makulay na buhay.

O, ang kawawa kong puso,

Nahihirapan kong sino ang sinasapuso.

Matukoy mo na sana o puso,

Nang sa maaga pa’y di mawalan ng kapuso.

Habang panaho’y tumatagal,

Damdamin sa tatlo’y nabuwal.

Sa sobrang tagal,

Naging matandang dalagang bungal.

36223014_1959859287420786_8978149955671687168_n.jpg

Sort:  

who ever your heart desires

Hehe... Lol. This poem just made my day!

hahaha this is cute

Itatanong ko sana Kung si Aida, si Lorna o si Fe... Kaso guys nman ung nsa pix😂

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.23
JST 0.032
BTC 84202.56
ETH 2223.26
USDT 1.00
SBD 0.64