"Malaya Ka Na" : A Filipino Poetry
Sa dagat at lupa ba't tila walang pagtatango
Pati'y mga maamong bulaklak di sumasamo
Ako ngayo'y leon sa kabiguan umaamo
Sa pag-ibig sumasagwan sakay sa bangka
Pumapalaot sa nahihimbing na dagat umaamba
Bagkos paglalayag sa pag-ibig nalunod di makahinga
Ika'y paru-paro na sa akin bahid walang pait
Sa piling tayong dalawa sa mundong maliit
Harden ating kaharian sa kagandahan kaakit-akit
Matinik na bulaklak doon ka na dumadapo
Wari'y iyong pakpak sa kanya na bumubuo
Sa sakit,unti-unti nalalanta na ang aking puso
Masungit na karanasan sa pagpapatuloy isinusumpa
Inaapakan man nang panahon sa akin nagpapagana
Lumipad kaman sa iba ako'y magapapalaya
Saan kaman dalhin sana'y di mo ako iginigiit
Pag-ibig man ay mahapdi sa puso inuukit
Malaya ka na, paru-paro kong larawan ng sumapit