Sayaw ng Pag-ibig (A Filipino Poetry)

in #poetry6 years ago

BlogPostImage
Image Source

After a month of being inactive in steemit, I would like to share my own composition of poem as a sort of reconciliation.

Oh! Kay sarap balikan
Bawat galaw at hakbang na ating pinagsaluhan
Sayaw na nagbuklod sa ating damdamin
Sayaw na nagsilbing alaala at paalam narin

Ating balikan ng pista sa nayon
Tadhana tayo'y binigyan ng pagkakataon
Na magkatambal sa isang piging ng sayawan noon
At ang puso natin naging isa ang emosyon

O! Binibini ako'y iyong binihag
Sa iyong gandang makamandag
Sa iyong galaw ako'y napapaindak
Napapangiti dulot sa dama kong galak

Indayog mong kaaya-aya, ako'y nahahalina
Tugmang tugma sa kanta at kasuotan mong magara
Waring si Cinderella na aking nakasama
Pagpatak ng alas dose biglang naglaho sa aking mga mata

O! Mahal bakit ako'y iyong nilisan
Lambot ng iyong kamay sa balikat ko'y hindi ko maiwasan
Mukha mong maganda sa isang iglap namutla
Sa putok ng baril naglaho na parang bula

Di ko alintana ang panganib na dumating
Sinisisi ang sarili, bakit iyon ang naging daloy ng hangin
Panginoon dinggin ang aking munting hiling
Kahit sa panaginip siya muli'y maging akin

Pangarap ko'y ika'y muling makasama
Pagdating ng araw sana'y muling maulit pa
Upang madama ang walang hanggang ligaya
Sa huling sayaw na tayo ay magkasama

Gayon pama'y ako ay nagpapasalamat
Sa kaunting panahon na tayo ay nagkalapat
Pag-ibig mo sa akin ay marapat
Nararapat at higit pa kay sa sapat

Magandang Gabi mga kaibigan! sanay inyong nagustuhan ang akda kung tula.

Maraming salamat!

rigor.png

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 90261.92
ETH 3055.42
USDT 1.00
SBD 2.96