"Simbang Gabi" - Isang Maikling Tula para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ng Pamilyang Pilipino

in #poetry7 years ago

MERRY CHRISTMAS STEEMIT!!!

Dear Steemians,

Isang maligayang bati para sa inyo sa araw ng Pasko!

Ako ay nagbabalik sa paggawa ng aking mga akda.
Hindi man po ako isang eksperto, hindi rin ako magaling na makata, sapagkat gusto ko lang ipahiwatig kung ano ang aking nadarama.

Kaya itong bagong kong tula, sana'y inyong magustuhan. Ito ay tungkol sa Simbang Gabi na kadalasang ginagawa ng pamilyang Pilipino sa loob ng 9 na araw bago ang pasko.

cs___simbang_gabi_by_scrotumnose.jpg
Simbang Gabi

"Simbang Gabi"

Sa pagsalubong sa araw ng kapaskuhan
Tradisyon ng pamilyang Pilipino ang pumunta sa simbahan
Magdasal, manampalataya sa loob ng siyam na gabi
Para sa huling araw makamit ang mga minimithi

Ito ay nakasanayan na ng karamihan
Isang sakripisyo sapagkat ito'y kanilang kagustuhan
Di inaalintana ang pagod, antok at ginaw
Ng mga taong nagsisimba, gabi man o madaling araw

Mas masaya kung kasama ang kapamilya
Sabay pa ng mga kaibigan at iyong sinisinta
Sabay-sabay magdasal at manalangin ng maayos
Nang sa bagong taon, lahat ay pagpalain ng Diyos

O 'di ba, ang mga kanta'y kay sarap pakinggan
Mga boses na parang ika'y nasa kalangitan
Sumayaw sa kanta, pumalakpak sabay ng gitara
Nang ang kalungkutan mo ay tuluyang mawala

Makikinig sa pari kahit dinalaw ng antok
Sumabay at kumanta kahit boses ay napipiyok
Mas mabuting ibuka ang mga mata, pisilin ang mukha
Ipanalangin na matapos mo na ang misa

Ang aking pinakahihintay, hawak na sa kamay,
Kantang "Ama Namin" lahat ay sumasabay
Heto pa, Heto pa, "Peace be with you"
Tingin sa mata, ngiti o beso sa katabi mo

Ayun na nga! Malapit na!
Magtatapos na ang misa
Ang reaksyon ng mga tao ay napakasaya
Parang sila ay nabiyayaan ng bagong gantimpala

Amen! Amen! Salamat Panginoon
Sa lahat na pinagkaloob mong pagkakataon
Na kami ay nabubuhay sa iyong pangangalaga
At sana marami pang mga taon na kami'y magsaya

Iba talaga pag pamilyang Pilipino sa tuwing kapaskuhan
Makikita mo ang kasiyahan kahit maraming pinagdaraanan
Isang ehemplo na dapat sundin ng bawat pamilya
Ma-Pilipino man o ibang banyaga

Sa ngayong Pasko, binabati ko kayong lahat
Sa lahat ng laban, kayo pa rin ay nagpapasalamat
Napagtagumpayan ang kahirapan sa taong ito
Sa susunod naman, manatiling matatag tayo

IMG_20171223_211850-01.jpeg

IMG_20171223_211837-01.jpeg

IMG_20171223_212125-01.jpeg

IMG_20171223_212317-01.jpeg

IMG_20171223_212409-01.jpeg

From My Family to YOURS,

giphy.gif
MERRY CHRISTMAS EVERYONE

Follow me:

MySignature.gif

Webp.net-gifmaker (1).gif

Sort:  

Good i like you😃

Hahaha. Thanksss! @najibbitcoin 😀

Merry Christmas @queenjventurer, to your family ug kang Princess :)

Aweeeee hahaha Merry Christmas @jassennessaj! 😂 Special mention jud kang Princess sa? 😂😂😂

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 55758.52
ETH 2348.78
USDT 1.00
SBD 2.31