"SAMPUNG SHOTS PARA SAYO" 🍺🍺

in #poetry6 years ago

PicsArt_05-22-11.03.25.jpg

Mahal isang shot para sayo.
Dalawang shots para sa pagpapaasa mo.
Tatlong shots sa pagbiyak ng aking puso.
Apat na shots sa pag-iwan mo.
Limang shots para sa pagmamahal ko.

Anim na shots para sa pag-iyak ko.
Pitong shots para sa panggagago mo.
Walong shots para sa pagiging seryoso.
Siyam na shots para sa pagiging totoo.
At sampung shots para sa pagmamahal ko.

Ngayong tapos na ako.
Sa paghandog ko ng maikling tula para sayo.
Ay kasama nito ang paglimot ko.
Paglimot sa mga alaalang nagkasama tayo.
Na kahit sa maikling panahon may masasabi akong IKAW AT AKO kahit na WALANG TAYO.

"TAGAY PARA SA MGA ALAALANG MALAPIT NG MAMATAY. " - panpandacoco

Ang tulang ito ay hango lamang sa aking karanasan. 😊 Maraming salamat sa pagbabasa. ☺️❤️

IMG_20180522_233312.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 56832.31
ETH 2344.40
USDT 1.00
SBD 2.43