''Anak ng Pulang Kabayo''

in #poetry7 years ago

unnamed.png

Google Images

Ako'y isinilang na walang mga magulang
Lumaki at nagkamalay sa daan at lansangan
Buhay ko'y sira at walang patutunguhan
Bawat araw ay puno ng poot at kalungkutan

Sa pagpatak ng ulan, luha ang kaagapay
Ang katawan ko'y payat at parang bangkay
Nangungulubot ang balat at maputla ang kulay
Walang lakas sa paggawa, ako'y nakahandusay

Lagi kong itinatanong sa sarili kung bakit?
Bakit ang buhay ko'y sadyang kay pait?
Bakit pa ako isinilang? 'Yan ang tanong sa langit
Bakit mga magulang ko'y iyong ipinagkait

May nakapagsabi kung sino ang ina ko
Iniwan daw ako 'pagkat walang maisustento
Hindi niya raw alam kung sino ang ama ko
Ang alam niya lang ay anak ako ng "pulang kabayo"

Isang malaking tanong sa isipan ko
Bakit ako tao kung ang ama ko'y kabayo?
Palibhasa ba bata ay lolokohin mo?
Walang matinong tao ang maniniwala sa iyo

Pagkaraan ng mga araw ay napag-isip isip ko
Ang sabi ng konsensiya'y wari bang ito
"Red Horse" ba ang ingles ng pulang kabayo?
Siguro sa kalasingan kaya ako nabuo

I would like to thank @iwrite for being my mentor and giving me support as a Proud member of Steemit Diversify

DQmNh2MG8GYNbb66Hkvnff4eVUtwou6L67T8yitdkpy5RF1.png

received_1767159486690768.jpeg

Sort:  

What an Irony (Parikala!) - Napa-ingles bigla iyon pala iyon... Sa kalasingan nabuo ang bata! Lol!

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 94309.43
ETH 3309.61
USDT 1.00
SBD 3.28